V

146 10 5
                                    

Paggising ko ay para bang may nasusunog!

Napabangon ako ng wala sa oras para sana'y masunog na rin ako.

" HOY! PAANO KA NAKAPASOK DITO?" hindi man lang siya nagulat? At prenteng itinuro ang pintuan ng balcony! Agaran 'kong tinignan ang dinaanan nito. May isang kahoy na malapad ang nakakonekta sa balcony naming dalawa. Anong naisipan nito?!

" bakit doon ka dumaan? Kung nahulog ka? " inis na baling ko sa kaniya.

" sus! masyado ka namang concern sa akin! Okay lang! nahulog naman na ako sa'yo!" ano bang pinagsasabi nito? Kainis! heto na naman ako nakatitig sa mga labi niya. Kahit naririnig ko namang malinaw ang boses nito. Na para bang sanay na siya kung paano lakasan ang boses niya, para hindi sumakit ang aking tenga. Pero ang mga labi niya! KAINIIISSSS!

"hoy! anong sinasabi mo? Baka kapag nahulog ka pa doon, ay kasalanan ko pa! " Sigaw ko sa kaniya nakakainis tong babaeng toh!

"wala bingi! Di mo pala maririnig hahaha" anong akala niya sa akin? Hindi ko narinig yung dulong sinabi niya? Huh? Ako pa nabasa ko ang labi niya.

"impakta! patawa tawa ka diyan anong ginagawa mo dito trespassing ka huh?!" sigaw ko sa kaniya para maiwasang marinig ang aking kaba.

"shhhhhh ingay mo!" pagsuway niya pa sa akin habang focus na focus ito sa niluluto niya.

"aba labas!" inis na sigaw ko sa kaniya habang nakaturo sa pintuan ng unit ko.

"sandali tatapusin ko lang 'to!" pagpigil niya sa akin pero kailangan na niyang lumabas hindi pwedeng may babaeng pumapasok sa unit ko!

"sabing labas!" inis na sigaw ko sa kaniya. Kaya binitawan na niya ang niluluto niya at dismayadong dinaanan ako at tinungo ang balcony! Sa pintuan ko siya pinapalabas!

"bakit diyan ka dumadaan?" pigil ko sa kaniya.

"dito kasi ako dumaan kanina!" aba siya pa ang may ganang magalit?

"baka mahulog ka nga! doon ka na sa harap dumaan! " pagpipilit ko rito, na nagpasilay sa kaniya ng nakakalokong ngiti. pero agad niya ring itong binawi at nagpumilit pa. Aba! Sinusubok talaga ako nito.

"hindi na!"

"ang kulit mo!" inis na sigaw ko sa kaniya bakit ba ang kulit nito?

"dito ako dadaan kung hindi mo ako papayagang samahan kang mag almusal!" aba anong akala sa akin ng babaeng ito may pangblackmail pa! Ala sige! magpahulog siya!

"sige dumaan ka na diyan!" pagsisigi ko pa sa gusto niyang gawin kaya tumalikod na ako. Sige! Magpahulog siya... nang tuluyan sa akin.

"ang sama naman nito! tara na wala ng keme patapos na rin kasi ako, para makakain ka man lang ng tunay na pagkain hindi laging instant food!" sabay akbay ito sa akin na lubhang ikinagulat ko! close kami?

"bahala ka diyan!" sigaw ko sa kaniya sabay alis ng kamay nito sa balikat ko!

"okay na ba yang tenga mo? hindi na kita nakita ng isang buwan" pagtatanong niya mula kung saan. Simula ng mahimatay ako nagising nalang ako na may kasama na akong doctor.

"hoy! okay ka na?"

"sabi naman kasi nung doctor, okay ka naman na daw eh" bakit alam niya? Nakausap ba niya? Pero bakit hindi man lang niya ako binisita?

"hoy! sagutin mo ako!"

"heto oh, para marinig mo man lang ako nagbibingibingihan ka na diyan, pero pinagtataksilan ka ng tenga mo!" abot niya sa akin ng isang hearing aids na hindi ko naisuot. Kainis hindi ko siya kayang hindi pansinin lalo na ang labi at ang boses niya na hinahanap ng aking tenga!

bakit nandito pa kasi siya?

"nag alala lang ako sayo! Tsaka namiss kitang inisin hahahaha miss mo din ako noh?" sabay lapit pa nito sa akin! Namiss? Isang buwan? Talaga ba?

"asa!" sagot ko sabay talikod sa kaniya.

"naririnig mo naman pala ako eh!" bulong nito sa tenga ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa aking tenga!

"L-lumayo ka!" tulak ko sa kaniya pero ang kulit nito.

"huwag mo na akong iwasan, just listen to my voice baby ." nagulat ako sa sinabi niya wala akong naisagot.

Ang kapal niya!
Sinamaan ko siya ng tingin!

"tsaka pala wag kang mala secret agent na sumisilip sa balcony mo! NAHAHAHAHA! Nakikita kaya kita sa cctv ko. Pasensya na kung nawala ako, may inasikaso lang. Kita mo itong noo ko? Wala na yung sakit" mabuti naman at peklat nalang ang natira. Maganda kung ganoon pero ang namumuong pagasa sa mga mata niya'y hindi tama. Kaya kung maaga pa'y tapusin na.

"tinatanong ba kita?" matapang na tanong ko sa kaniya habang ang mukha ko ay malapit na sa mukha niya. Hindi babae ang makakatalo sa akin!

"h-hindi! A-alis diyan u-uwi na ako!" tulak nito sa akin at agarang sinara ang aking pintuan.

.......

Her Voice [HS 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon