VII

182 10 7
                                    

Sa pagkawala ng tuluyan nang aking pandinig ay hindi Niya tinupad ang tangi 'kong hiling nang una, bagkus tinupad na Niya ang hihilingin ko pa lamang sa Kaniya.

Happy Birthday Samuel. Ang mga katagang nakasulat sa cake na hawak niya.

Ano bang iniisip mo noon? Noong nakatingin ka sa balcony mo? ang tanong nito.

Ang mawala na sa mundo ang tanging sagot ko.

Wag naman. ikaw nga ang mundo 'ko. Hahayaan mo bang mawala iyon? ang wika nito na ikinapula ng kaniyang mukha, siya rin naman ang tinatangi kong mundo at naging buhay ko sa mga nagdaang araw, buwan at taon.

.......

Noong isang gabing nawala siya at ang kaniyang tinig... ay binasa ko lahat ng nakasulat sa papel na ibinato niya noong una at ito ang mga iyon.

Na akala niya'y itinapon ko sa basurahan, pero nagkakamali siya. Ang lahat ng ito'y nakatago sa ilalim ng kama. Na lagi kong binabasa kapag hinahanap hanap ko siya.

Huwag ka ng muling tatalon, sa akin nalang handa naman kitang iahon. Tulad ng ginawa mo sa akin noon.

Hayaan mong ako ang maging tenga at boses mo. Huwag ka lang mawala sa mundo.

Babagalan ko na ang aking pagsasalita, para mabasa mo ang salitang...

Mahal kita.

Mas maganda pala kapag narinig mo sa kaniya ang mga salitang mahal ka niya.

Mga huling salitang narinig ng aking tenga.

Ang tinig niya na kahit parang lumalangitngit na yero, ito naman ang nagpagising sa aking patay na pagkatao.

Sa pagkawala ng aking pandinig, rumihistro ang kaniyang tinig.

Ang boses niyang sa akin nga'y laging nakadikit.

Na sa bawat pagbukas ng aking mga matang nakapikit. Ang boses na Niya ang unang nauukit.

Ngunit sa aking huling pagpikit hindi ko man lang nasabing.......

Akin rin siyang iniibig

Tatlong salitang hindi naisamblita ng aking bibig.


Mahal din kita...

Taho sanang dalawa hanggang dulo.

Her Voice [HS 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon