Three years ago....
Naglalakad ako ngayon sa isang magulong hallway. Mga taong nagmamadali, may mga hawak na banner. Nadaanan ko rin ang grupo ng mga taong naka-suot ng iisang design ng mga shirt, a number and a surname above it. Today's the first day of the Intramural's week. I'm walking towards our school's canteen. Isang oras nalang and the first game for the football team will begin.
Medyo hindi ganon ka-ingay ang canteen kesa sa hallway kanina. Pumunta na ako to order a rice meal. Kakailanganin ko ng energy mamaya cause our Editor-in-chief ordered me to cover the football game.
Luckily, when my phone beeped I was finished eating. 10 minutes nalang. Kinuha ko na ang mga dala-dala kong gamit, at agad na umalis.
As I expected, silence welcomed me. Panigurado ay nandoon na lahat sa field. Taimtim naman akong naglakad papunta roon. Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang field sa Journ office namin at sa canteen. Sakto namang hindi pa nagsisimula ang game. As I've said kanina, first game ang football and luckily dito sa university namin ginanap.
Mabuti na lamang at may assigned seat for someone like me na mag-cocover ng game. Hindi ko na kailangan makipagsiksikan para sa upuan. Hindi pa man nagsisimula ang game ay maingay na ang field. Inayos ko na ang mga gagamitin ko.
" Are you ready Horizon University?! " dumagundong ang sigawan sa buong field. Kanya-kanyang cheer na sa mga paborito nilang manlalaro.
" Peralta! "
" Anakan mo ko Archer! "
" Go Peralta!"
" Alvarez ang gwapo mo! "
" Let's welcome the Horizon Soaring Eagle! " Hindi ko alam na may ilalakas pa pala ang sigawang nangyari kanina. Sunod na pinakilala ang kalabang team. Nagsimula na nga ang seremonyas. Tumayo na kami para sa National Anthem, Greetings ng aming principal, dahil nga ito ang simula ng Intramurals. Sunod na inawit ang aming Alma Mater's song at ang Alma Mater's Song ng kalabang team.
" And let the Intramurals begin! " Napuno na naman ng hiyawan ang field. Napangiti ako ng nagsimula na nga ang game. I'm filled with excitement. Sa bawat paggulong ng bola ay mataman ko itong tinitigan, daig pa ang referee. Ayokong may mamiss na part. Hindi man ako fan ng larong iyo pero naeenjoy ko parin ang panonood.
And finally, the game ends with a score of 3-2, in favor with our team. Kahit hindi ako part ng football team, I felt so proud. Hindi na naman siguro bago yon. They really deserve the claps, they did well. May ngiti sa mga labi na umalis ako ng gym. Ito nga'y naglalakad muli ako sa isang tahimik na hallway. panigurado na ang mga tao ngayon ay nasa court na. Magkakatabi lang naman iyon na sinadya na para hindi narin mahirapan ang mga manonood.
Nakita kong lumabas sa isang kwarto ang grupo ng mga lalaki. Lahat sila'y may hawak na gym bag. Pinagmasdan ko ang mukha ng mga ito. Kilala ko ang lalaking ito. Sino nga bang hindi? He's the captain of the football team. The oh-so-famous Archer Peralta. Mukha ngang makakasulubong ko sila. Diretso lang akong tumingin. Gumawa narin ako ng space sa pagitan nain para hindi kami magkabanggaan.
And this guy, ran to his side causing us to bump into each other. Nagkalaglagan ang mga gamit ko, mabuti nalang at hindi ganoon kalakas kaya't hindi ako natumba. Napairap nalang ako at kinuha na ang mga gamit kong nagkahiwa-hiwalay. Mabuti nalang at tinulungan nila ako. Tumayo na ako at nagpagpag ng suot.
" Miss? " nilingon ko ang boses na iyon at nakita si Peralta na inaabot saakin ang aking notebook. Tumikhim ako at kinuha iyon sakanya.
" Thank you. " saad ko at umalis na. Ngayon ko lang napansin na ang mga kasunod nyang lalaki ay nakatingin rin saakin. Hindi ko na iyon ininda at dumiretso nalang sa paglalakad.
Umakyat na ako patungo saaming Office. Binuksan ko ang pinto. Sumalubong saakin ang mga iba kong ka-miyembro na mukhang may iba-ibang mundo. Ang iba ay nasa sulok at naglalaro ng chess. Samantalang ang iba ay nakaharap sa sari-sariling laptop. Karamihan ay nag-cecellphone. Humanap ako ng espasyo sa sofa at pasalampak na umupo. Nakakapagod!
" Kumusta na Elara? I heard ikaw ang nag-cover sa first game. " saad ni Sky na hindi inalis ang tingin sa chessboard.
" Ayos naman pero di ako sigurado kung iyong eardrums ko buo pa. " walang buhay kong sabi. Nakapikit ako at naka-hilig ang ulo sa headrest ng sofa. Narinig ko naman ang halakhak ng iba.
" Hindi ko naman akalain na ganoon pala ka-wild ang mga fans doon! Kung makapagtitili parang hindi napapatid yung mga vocal chords nila. " dagdag ko pa. Napatingin naman saamin ang gawi ng iilan.
" Kung ako rin ay nandoon ay titili rin ako ng titili! Ang gwapo naman kasi ni Archer, Jusko! " saad ni Daisy na nangalumbaba pa na animo'y nagde-daydream.
" Totoo yan! Lalo na kapag nagsimula ng maglaro si Archer? Naku! Titig palang non nakakabuntins na! "napailing nalang ako sa sinaad ni Faye. Gwapo naman talaga si Peralta, no doubt. Lalo pang nakadagdag ng kanyang charm ang paglalaro.
" Sus! Mays gwapo pa ako doon! " reklamo ni Sky. Pinasadahan nya naman ng kamay ang kanyang buhok at kumindat pa sa dulo. Nakita ko namang napairap nalang si Daisy at Faye.
Naagaw ng aming atensyon ang pagbukas ng pinto, at pagpasok ng aming Editor-in-Chief si Ashley. Luminga-linga sya at huminto ng magtama ang aming mga mata.
" Elara there you are! How's the game? I heard our team won? " excited nyang saad. Lumapit naman sya saakin. Umusog naman ang iilang nakaupo rin sa sofa para bigyan ng espasyo ang aming Editor-in-Chief.
" Yes, They've won. " Iniabot ko naman ang ginawa kong report. Ngumiti sya at tinanggap iyon. Tumango-tango naman sya habang binabasa iyon.
" Good work, Elara. " iniabot nya naman iyon kay Daisy para i-proofread.
" And one more thing! I need you to interview the captain of the football team. " saad nya at nilingon ako. napakunot naman ang noo ko. Is it necessary?
" Why do we need to interview the captain, Isn't the article about the game enough? " I asked. Umupo na si Ashley sa isa sa mga stool kaharap ang computer.
" Remember the poll we created last, last week? Among all the team captains that our school have, who will we interview? And luckily, Archer Peralta won. " she explained. Oo nga naalala ko na. Wala namang problema saakin yung pinapagawang interview, but kakayanin ko ba? Hindi lang naman ako sa pagcocover ng football games naka-assign. As I've said kanina, today starts the Intramurals week. We have our section's booth as well as our club. We take turns sa pagbabantay sa booth.
" When's the deadline? " I asked. She smiles sweetly before answering.
" Till next Wednesday. So I'm giving you more than a week to finish that interview. " I sighed.
Kakayanin ko ba? Sana......
We heard a knock on our office door. Sam stood to open it. Pumikit ako muli at sumandal sa sofa. Iniisip ko palang yung gagawin ko sumasakit na iyong ulo ko. I heard someone squealed na nakapagpadilat saakin and here's Archer Peralta standing.
" Hi is Elara Lopez here? " he asked. Tumabi naman si Sam, humakbang na papasok si Archer. Luminga-linga sya.
He smiled as our gazes met.
" You forgot your notebook. " he said at iniabot saakin iyon. I stood at kinuha iyon sa kamay nya.
" Thank you. " I sincerely smiled. He nodded. Bumati sya sa iba at di kalaunan ay lumabas na rin ng aming office. As the door were closed, lumabas na ang kanina pa pinipigilang tili ni Daisy at Faye.
" Wow. Did really Archer Peralta walked inside our Office? " di makapaniwalang saad ni Faye.
" How come that he knows you? Ikaw ah! " saad ni Daisy na tumabi pa saakin at tinusok ang aking tagiliran.
" We just bumped into each other while I was heading here earlier. " I plainly explained. I don't want them to jump into conclusions.
" Seems like hindi mo na kailangan pang hanapin si Archer, sya na ang lumalapit. " naka-ngising saad ni Ashley. Napailing nalang ako.