" Elara, let's talk please... "
" baby please.... Give me another chance. " nilingon ko ang taong nakaluhod na ngayon sa aking harapan. Nag-iwas akong tingin para pigilan ang luha kong kanina pa gustong tumulo. Maingat nyang hinawakan ang aking kamay at muling humagulgol. Naiiyak ko syang tinapunan ng tingin. Muling napapikit at hinablot ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak.
" Enough, Archer. This relationship isn't healthy for the both of us. Lagi nalang tayong nagkakasakitan. I love you....but let's stop this. " tumalikod na ako at naglakad palayo. Palayo sa mahal ko.
Hinihingal akong bumangon sa pagkakatulog. Hindi ko mapigilang maluha. Akala ko ba naka-move on ka na Lara? Akala ko ba okay ka na? Bakit umiiyak ka parin hanggang ngayon? Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at doon umiyak.
Tatlong taon na ang nakakalipas pero ang sakit parin. Tatlong taon na pero parang kahapon lang nangyari yon.
Natigil ako sa pagdadrama ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa pagkakapatong sa side table at binasa ang pangalan ng caller. Pinunasan ko ang luhang lumandas mula sa aking mata at tumikhim bago sagutin ang tawag.
" Ma? " bati ko.
" When are you going to visit us, Elara Gabrielle? You're back after 3 years then you didn't bother to sleep here? 'wag mong sabihin saakin na mas namiss mo pa iyang condo unit mo kesa sa'min? "
" Late na kasi lumapag ang plane kahapon. Ayoko namang istorbohin ko kayo so naisip ko dito nalang matulog. Don't worry, Ma. Maliligo lang ako at magbibihis then I'll go straight there. Okay? " napahinga naman ako ng malalim.
" Be sure, Elara. "
Natawa naman ako ng mahimigan ang pagbabanta sa boses ni mama. I guess she really missed her beautiful child, hm? Dahil nga baka atakihin pa ng high blood si mama ay agaran akong nagligo at nag-ayos ng sarili. Nagbihis lang ako ng isang simpleng dress. Tumawag narin ako sa guard para magpahanap ng taxi.
" There you are, Elara! I missed you! " dinamba na ako ng yakap ni mama pagkatapak ko pa lamang sa aming bahay.
" I miss you too, Ma. " natatawa kong saad. Matapos ang yakapan ay iginayak nya na ako sa dining. Sakto namang palabas galing kusina si nanang. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay mama at tinakbo ang distansya namin ni Nanang.
" Nang, namiss kita! " mahhigpit kong niyakap si nanang. Humalakhak naman sya at sinuklian ang yakap ko.
" Naku kang bata ka, ang ganda mo lalo! Ganyan ba ang tubig sa ibang bansa? Sana'y dinalhan mo rin ako ng maipaligo ko. " napuno naman ng halakhak ang dining sa sinabi ni nanang. Hanggang ngayon ay palabiro parin sya.
" So what's your plan Lara, now that your back? " marahan kong kinuha ang pitsel ng tubig para magsalin.
" I'll look for a job of course. " kumuha narin ako ng pagkain. Tinignan ako ni mama bago muling sumubo ng pagkain.
" Anong silbi ng kumpanya natin kung sa iba ka rin pala magtatrabaho? " takang tanong ni mama.
" I want to prove myself, Mom. " ani ko. Ayoko namang bigla maging head ng company. Yung ibang tao ilang taon ng nagtatrabaho sa company and yet, ang baba parin ng posisyon nila pagkatapos ako ng ilang araw lang? kahit pa anak ako ng may-ari. I want to be fair to other people. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama.
" Promise, I'll handle the company in time. But let me do this one, please? " I asked her with pleading eyes. For the second time, she sighed.
" I'm not against it, my daughter. You know I'll support you no matter what, but you have to talk to your father first. " I stopped eating and looked at her. Well, knowing daddy? It's gonna be hard convincing him.