4

13 2 0
                                        

"Nafafall kana ata sakin?" sabi sa kanya ni Mingyu.

Natulala si Irene nang gawin ito ni Mingyu. Kumindat din si Mingyu kay Irene. Nanatili silang nakatitig sa isa't isa hanggang sa nilapitan sila ni Thea biglaan.

"You wench!!!" sabi ni Thea dito at tinulak nito si Irene papalayo.

"Alam mo namang may girlfriend yung tao bat mo nilalandi ha?!?! Sabagay. You people don't have any manners." sabi ni Thea sa kanya.

"Oh, ginagamit mo pa ako para lusutan yang girlfriend mo. Look, to say this clearly, this punk will never be my boyfriend nor my friend. I only know him by my name. And ikaw naman Mingyu, kung nag-aaway kayo ng girlfriend mo, wag mo ako idadamay." sabi naman ni Irene sa kanilang dalawa.

"Good thing to know" sabi naman ni Thea at pumunta na sila sa mga klase nila.

"Hoy ikaw Irene!! Anong ginagawa niyo dun dalawa ni Mingyu Ha?!?!? Inagawan mo pa ako sa Asawa ko!" sabi sa kanya ni Alexis.

"Malay ko diyan sa lalakeng yan! Nagulat nalang ako nung nilapitan niya ako." sinabi niya kay Alex habang tumitingin kay Mingyu.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo kissan kita diyan eh." sabi ni Mingyu sa kanya na narinig ng buong klase.

"Ooowwwwww" "Ikaw Sica ahh! Kayo na pala ni Mingyu." "Nagkiss na kayo?" "May lihim ka palang pagtingin Sica kay Mingyu ah! “

Tumayo si Irene papunta kay Mingyu at Binatukan ito.

"A taste of your own medicine." sabi ni Sica kay Mingyu.

"Owwwww!!!!"

Tinatawanan ng Buong klase si Mingyu pati na rin sila Gab at Sam ay nakitawa rin.

"Hay nako Mingyu. Wala ka pala kay Sica eh."
Sabi sa kanya ni Gab.

Dumating na din si Ms. Jo sa classroom nila at nagklase na din. Medyo matagal yung klase nila dito at dahil malumanay at masyadong mabait si Ms. Jo, karamihan sa klase niya ay nakakatulog nalang. Si Irene lang ang tanging gising at dahil nalalapit na ang Monthly Exams nila, nasa 1/4 na ang mga nasulat ni Sica dito. Dahil tulog nga ang lahat, nagsabi ng importanteng mensahe si Ms. Jo kay Irene.

"Sica, wag mo ipapahiram yang notes mo sa History ah. Hayaan mo silang magreview ng mag-isa nila. Tsaka may surprise quiz ako bukas. Magreview ka ah. " sabi ni Ms. Jo sa kaniya.

"Okay po maam. You can trust me!" sagot naman ni Irene.

"Okay Class! May sinabi nga pala ako kay Irene na kami lang ang nakakaalam dahil natutulog nga naman kayo." sabi ni Ms. Jo sa klase.

"Ang Duga naman." "Bakit ganun maam."

"Sige na. Take your Lunch Break na. Goodbye!" sabi ni Ms. Jo.

Naglunch-break na ang lahat at natapos na din kumain sila Sica sa Cafeteria. Bumaba sila dalawa ni Alexis sa Mga Bench sa walkway at dun muna tumambay.

"Alexis, napanood mo na ba yung Love Alarm sa Netflix?" sabi sa kanya ni Sica.

"Letche Irene, pag hindi talaga nakatuluyan ni Kim Jojo si Hwang Sun-Oh, di na ako manonood ng KDrama." sabi ni Alexis.

"Tama ka diyan. By the way, malapit na pala yung Ticket Selling ng Concert ng EXO, gusto mo pumunta tayo?" sabi ni Irene.

"Taraa!!! Mayghad kahit wala sila D.O at Xiumin, ipupush natin." sabi ni Alexis.

Habang nag-uusap sila ay palapit ng palapit sa kanila sila Mingyu. Kasama din ni Mingyu si Gab. Si Sam naman ay kasama si Krystal sa Broadcasting Room. Si Krystal kasi ay part ng Broadcasting team at madalas sila Krystal at Sica ang nag-aannounce ng mga announcements sa school.

Hawak-hawak ni Sica ang phone niya at biglang nagulat ng Kinuha ito bigla ni Mingyu.

"Hoy Jung Mingyu, namimihasa kana sakin ah. Ano ba trip mo sa buhay? Akin na yan."
Sabi ni Sica sa kanya.

Tinawagan ni Mingyu ang cellphone niya gamit ang cellphone ni Irene at sinave ni Mingyu ang number nito.

"Hoy, anong ginagawa mo sa Cellphone ko?!?" sabi ni Irene.

"Dapat nga nagtthank-you ka sakin eh. Maraming may gusto ng number ko pero sayo ko lang to binigay ng kusa." sabi ni Mingyu sa kanya ng may halong pagmamayabang.

"Edi ibigay mo sa kanila. Di ko naman gusto at wala naman akong pakealam diyan sa number mo." sabi ni Irene.

"I will be calling you often from now on." sabi ni Mingyu.

Umalis na silang dalawa sa puwesto nila Alexis at bumalik na sa classroom ng maaga.

"Grabe talaga ang nagiisang Irene Jessica Montenegro. Pati si Mingyu kinukuha number mo." sabi ni Alexis.

"Anong maganda dun? Di nga kagwapuhan yung tao tapos kukunin niya lang yung number ko biglaan?" sagot naman ni Irene.

"Kailangan mo na talaga ng salamin. Malabo na mata mo sobra." sabi ni Alexis sa kanya ng pabiro.

Pagkatapos ng klase ay pumunta na agad si Irene sa bus station at naghintay ng Bus. Nagbabasa lang si Irene ng Wattpad book na binigay sa kanya ng Ex-boyfriend niya na si Mark Buenaventura. Si Mark ang first love ni Irene pero bago pa sila mag Senior-high school, nagbreak sila dahil aalis na si Mark papuntang US at doon ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Habang nag-aantay siya, tinawag siya ng kuya niya.

"Ireneee!!! Halika na stupid. Sumakay ka na!"
Sabi ni Christian sa kanya.

"Letche ka! Anong stupid. Baka nga mas mataas pa IQ ko sayo eh." sagot ni Irene dito.

Sumakay na si Irene sa sasakyan ng kuya niya at umalis na. Habang nagkkwentuhan sila ay may naalala si Christian.

"Hala ka!! May nakalimutan lang ako sa hospital. Balikan lang muna natin yun." sabi ni Christian.

"Hatid mo muna ako sa bahay Kuya!! Stupid ka talaga eh!" sabi ni Irene sa kanya.

"Saglit lang. Daan din tayo sa Mall saglit lang din. May bibilhin lang din ako na damit. Bibilhan na din kita." sabi ni Christian.

"Yun lang pala kuya eh! Sige lang po Oppa!! Take your time!" sabi ni Irene.

Nakarating na sila sa Parking lot ng hospital at nag-elevator papunta sa Lobby.

"Hintayin mo muna ako diyan tapos after nun alis na agad tayo." sabi ni Christian sa kanya.

"Okay Oppa!!" sagot ni Irene.

Habang nag-aantay si Irene ay nanonood muna siya ng KDramang di niya pa natapos. Tinatapos na niya ang The Heirs dahil di siya mapakali dito. Nakakakilig din kasi ito at nahiligan na ito ni Irene.

Nagtext ang kuya ni Irene sa kanya na medyo matatagalan dahil may emergency meeting sila ng 30 Minutes at sabi na sa office niya muna ito maghintay. Tinext ng kuya niya ang password ng office at kung saan.

Nakasuot ng earphones si Irene habang pumunta sa office ng kuya niya at marami-rami din siyang kasabay dito.

Nasa 10th floor ang office ng kuya niya at karamihan ng mga doktor na nakasabay niya ay nakababa na. Mayroon nalang isang tao na natitira dito ngunit di niya to napansin.

Tinanggal ng lalaki ang earphones niya at nagalit si Irene.

"Excuse M- Hoy Mingyu, anong trip m-"

Bigla siyang tinulak ni Mingyu sa Elevator at hinalikan niya si Irene.

"From Now on, you will be always mine."



Thank you po for reading this long Chapter. Sana nagustuhan niyo po yung story ko. Please leave a comment sa story ko kung nagustuhan niyo po ba or not. Thank you po ulit!!



She's Mine | kmg x kshWhere stories live. Discover now