Chapter 2

45 10 0
                                    

Spare key

"I can't believe him! He just called me clumsy, ni hindi ko nga siya kilala!"

Naiinis parin ako sa inasta noong lalake kanina. Kinalimutan ko na yung nangyari sa akin bakit pa niya pinaalala and worst pinahiya niya pa ako ulit.

Nasa canteen parin kami ni hannah ngunit hindi gaya kanina tahimik lang siya ngayon busy kaka-pindot sa cellphone niya.

At parang hindi nakikinig sakin pero pinabayaan ko lang siya.

I feel tired gusto ko nalang umuwi.

"Tara na hannah, uuwi na ako." Niligpit ko na ang gamit ko sa table at sinimulan ng mag lakad palabas ng canteen hindi ko na hinintay si hannah nauna na ako.

Nang makalabas kami ng canteen ay tsaka ko palang naramdamang medyo nanghina ako sa araw na ito maybe because of what happen kanina and siguro dahil narin sa sunod-sunod naming klase.

Nakabuntot sakin si hannah ng sabay namin tinahak ang hallway kung saan ako nadapa kanina. Uuwi na sana kami ng may nakalimutan daw siyang hiraming libro sa library kaya napag kasunduan naming pumunta muna doon.

"Lisa, i have something to tell you." she said while we're waiting for the book na hinahanap pa ng librarian.

Panay parin ang check niya sa phone at paminsan minsan ay may nire-replyan pa ito.

Before i can say 'ano yun' dumating na ang librarian at pinapirma siya nito sa isang record book kung saan naka-lista ang mga librong hiniram at yung mga nanghihiram.

Kinausap pa siya ng librarian kaya hindi ko na muna siya inistorbo at nagmartsa na palabas ng library. Sa labas ko nalang siya hihintayin ng maramdamang nag va-vibrate ang phone ko.

Dali-dali ko itong kinuha hindi ko na napansin na papalapit na pala ako sa glassdoor ng library dire-diretso kong tinahak ang daan hanggang sa mabunggo ako dito!

Ouch!

'Aray ko ha. Una nadapa ako sa hallway ngayon naman nabangga ako sa glassdoor ng library!' Sabi ko sa sarili ko sabay sapo sa noo ko habang nakapikit dahil sa naramdamang sakit sa noo.

I saw some students laughing outside the library dahil glassdoor ito kitang-kita nila ang reaksyon ko mula sa pagka bungo!

Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalakeng pinagtatawanan ako ngayon.

What the hell kung sinu-swerte ka nga naman ito rin yung lalake sa canteen kanina.

Ng makabawi ako sa pagkakapahiya ay inayos ko ang buhok ko para mag mukhang okay lang ako kahit gustong-gusto ko ng kainin ng lupa.

Nakangiti parin siya pero hindi na tumatawa. As if he's trying to see my reactions.

Titig na titig siya sa akin kahit na may harang na salamin sa amin parang may kung ano sa kanyang titig.

What the hell? I feel like he know me. Ano naman kung kilala ka niya? Right! Ikaw lang naman si 'miss clumsy' yung nadapa sa gitna ng napakaraming tao!

I glared at him and rolled my eyes. Yeah it serves you right! Tahimik lang ako pero palaban din ako.

Dali-dali kong tinalikuran ang salamin kung saan ako nabungo kanina habang pumipihit pabalik kay hannah ay naramdaman kong nag vibrate ulit ang phone ko.

Tinignan ko ito at bumungad sa akin ang tawag ni mama.

Tumatawag si mama, kailangan ko itong sagutin pero na sa loob pa ako ng library at bawal mag ingay kaya kailangan kong lumabas pero pano? Andun siya sa labas. Nakakainis naman oh!

Au Revoir [ON GOING]Where stories live. Discover now