Chapter 3

42 7 3
                                    

Bully

"Nick Andrew." sambit ko sa pangalan ng pinsan ni Hannah.

Na sakanya ang spare key ng bahay namin, pano na punta sa kanya? Baka nahulog ko nga habang kinukuha ang phone ko sa bag.

Before i can press the sent button para sa reply ko kay Hannah ay nag call na siya.

"Hannah.. ewan ko kung paano napunta sa kanya.. b-baka nahulog ko kanina sa library." I heard her sigh on the other line.

"Pano ka papasok niyan ngayon, puntahan kita jan? Ano, okay ka lang ba?" She said concerned.

"I'm okay Hannah, I already texted Mama.. pauwi na rin yun." I texted Mama kanina but she didn't reply me yet. Siguro busy pa sa meeting nila.

"Oh sige.. text me na lang kung naka uwi na si tita or what." She said

"Ah.. Hannah about the spare key pwede bang ikaw na ang kumuha nun sa pinsan mong si Nick?"

"Sige, I'll get it later, don't worry.. Andito sila Nick sa bahay so makukuha ko iyon ngayon. I'll just text you later kung nakuha ko na." She said asuring me.

"Sige, salamat Hannah ha.. nahihiya na kase talaga ako."

Pwede na naman ako ang kumuha noong susi kay Nick pero nakakahiya na.

Una nakita niya akong nadapa sa hallway kanina at sa dahilang iyon ay tinawag niya pa akong 'Miss Clumsy' tapos pangalawa na bunggo ako doon sa pintuan ng library and then now nawala ko yung susi ng bahay namin ang malala siya pa ang naka pulot ng susi. Parang pinatunayan ko narin na clumsy nga ako.. not just clumsy a super clumsy.

6:30 pm I'm still here outside. Wala pa rin si Mama.

Nag lalaro lang ako ng candycrush sa phone ko ng may naramdaman akong papalapit sa gate namin. I didn't bother my self to look at it.

"Elizabeth?" Consintrate akong nag lalaro ng marinig kong tinawag ako ng isang babae sa labas.

Maliwanag pa naman kaya naaninag ko kaagad kung sino ang tumawag sa akin sa labas ng aming gate.

"Tita Cora?" Nakakunot ang kanyang noo'ng naka tingin sa akin pero ng tawagin ko siya ay unti-unting sumilay ang  ngiti nito.

Nakabukas kase ang gate namin kaya kitang kita ako sa labas.

"Why are you here alone outside? Lumalamig na ha.."

Tipid akong tumawa ng maalalang sobrang clumsy ko nga at nawala ko ang susi na dala ko.

"Nawala ko po kase ang susing dala ko.. kaya hinihintay kopa si Mama bago maka pasok." Nahihiyang sambit ko.

"Ow, come and wait in our house. Alam kong kanina ka pang nag hihintay dito sa labas kaya halika na at sa bahay kana muna habang nag hihintay sa Mama mo."

I laugh a bit  "It's okay tita i can stay here."

"No, I insist."

Huminga ako ng malalim at sumunod na sa kanya palabas ng gate namin. I closed the gate before leaving our house.

Malapit lang ang bahay nila sa amin, pero dahil sa hindi na rin ako madalas nag lalabas sa amin hindi na rin ako nakakadalaw.

There house was the same as ours a two story house with three bedrooms upstairs and two downstairs with a kitchen and hall.

Ng makapasok sa loob ay napansin ko ang mga naka display na litrato nila sa hall.. of all pictures na naka display isa lang ang naka agaw ng pansin ko.

'Donnie' i said in my mind.

"Upo ka hija.." umupo ako sa kanilang sofa sa harapan ay isang malaking flatscreen Tv.

"Salamat po." nahihiya kong sambit.

"Don, comedown we have a guest!" She shouted looking at the stairscase.

"Yeah! One sec." He shouted.
That voice seemed very familiar! Then i realize Oh No! Nasa bahay ako nila Donnie.. and he's here.. he's here?

'No it cant be!' Sabi ko sa sarili ko. Nag babaka sakaling hindi si Donnie 'to.. halos mabuwal ako sa upuan ko ng marinig ang papalapit na mga yapak na nangagaling sa hagdanan.

Parang tumigil ang oras ng mag kita ulit kaming dalawa. Unti-unti kong naramdaman ang pag bilis ng tibok ng aking puso para akong mahihilo sa sobrang bilis nito!

Donnie Kiffer Lazaro.

"Lizy."

I clenches my jaw when i heard him calling me that name! Ugh you stupid! Hindi ko siya pinansin.

Lumapit pa siya sa aking unahan at umopo sa kabilang sofa. That idiot!

"Wow, hindi ko inaasahan na ikaw ang una kong makikita when i return home from states, lizy." He said with a haunting smirk.

At sinong mag aakalang uuwi ka pa pala? Nginiwan ko lang siya at inirapan.

"I bet you guys miss each other huh?" Sabi ni tita.

Halatang walang alam itong si tita Cora sa mga pinag gaga-gawa ng anak niya sa akin noon! Hindi niya alam na madalas akong binubully ng anak niya. Madalas niyang kunin ang lunch ko sa school noong elementary palang kami. Piagti-tripan niya rin ako at kinukuha ang assignments ko kahit na meron naman siya noon. I really don't like him from the very start we knew eachother. Mag kaibigan ang aming parents,  but we are not. Hindi ko siya pinapansin madalas rin  kaming nag aaway.

Parehas kaming only child sa family namin kaya siguro parehas kami ng takbo ng utak.

5 years had pass, i was happy. Walang gulo, walang masasamang biro galing sa kaniya. I was feeling relieved when he left our shool, but now he's back wich made me hate my day even more.

I was so pissed at him, at alam kong nakikita niyang sobrang naiinis ako sa kaniya dahil ngi-ngisi-ngisi lang siya sa harap ko. Ugh! Nakakainis kung pwede ko lang ibato sa kaniya ang kung ano mang mahawakan ko ngayon ay kanina ko pa ginawa pero na realize kong andito pala ang mama niya at halatang nababagabag na sa inaasta naming dalawa.

Gusto kong mag salita para mawala naman ang awkwardness na namumuo sa amin dito pero hindi ko magawa dahil sa sobrang inis ko. Nahihiya na nga ako kay tita Cora.

Tumayo si donnie sa kaniyang inuupuan at lumapit sa mama niya sabay sabing..

"Of course Ma, we missed each other we're very close back then, right Lizy?" Sabi niya at nilingon ako ng naka ngisi pa.

He smiled. Plastik!

"O-Oo naman. Haha." I laugh a bit para matakpan ang namumuong inis saakin.

Kailangan ko ng maka alis dito baka kung ano pa ang magawa ko sa Donnie na 'to!

Makalipas ang ilang minuto naming kamustahan ni tita cora ay narinig na namin ang busina ng kotse ni Mama, hudyat na nasa labas na siya.

I said goodbye before i left.
I need to sleep. Hoping to sleep away all what happened this day. 

Buti nalang hindi ako pinagalitan dahil nawala ko ang susi. Makukuha ko naman bukas.

Bago pa ako maka idlip ng tuluyan ay naalala kong nag text sa akin si Hannah.

3 messages

"Hindi ko nakuha yung susi mo, gusto ka niyang kitain bukas sa library din sinabi kong ayaw mo pero hindi niya raw ibibigay sa akin gusto niya sayo ibigay."

"Don't worry I'll do everything to get the key."

"Nakapasok kana sa bahay niyo? Sasamahan kita bukas, ayaw niya talaga ibigay sa akin ang susi."

Au Revoir [ON GOING]Where stories live. Discover now