PROLOGUE
"AND OUR FINAL BAND FOR TONIGHT, TEMPORARY BLISS!!!" "WOOOOHOOO!!" hiyawan ng mga tao.
Sumilip muna ako sa audience. Yup, nandun siya sa harapan. He's wearing his usual gray v-neck shirt, black skinny jeans, and keds. At ang buhok, the usual 'bagong gising' look. *sigh* Kaya ko 'to.
"Yans, tayo na sunod! Tara na!" sigaw ni Vin sabay hinatak ako papunta sa stage.
"Vin, palitan natin yung kanta." yumuko ako para hindi makita ni Vin na naiiyak nako.
"HUH? Anong papalitan? Tayo na sunod oh!?" tumigil si vincent sa paglalakad. "Hoy RHEANNE! Sumagot ka nga!" biglang hinawakan ni Vin yung baba ko. "Ouuuchy! dumudugo kamay ko! grabe naman talaga yang baba mo yans, oh." sabay ngiti. Ughh.
"LUL" inilayo ko yung kamay niya sakin.
"Tara na." naglakad na palayo si Vin.
"VINCENT!! Ano ba!" bwisit talaga 'tong lalaking 'to.
"Tara na!! OO NA! Alam ko naman kung anong kanta yung gusto mo eh." tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. "Yans, gets ko naman eh."
Anong gets niya? Jusko po. "Psh. sige na ng--a OYOY!" Shet. Niyakap ako ni Vin. Anong meron at inakap ako ng kumag na'to?
"Jusko naman Yans, parang unang yakap ko pa lang 'to sayo ah. Maka-react ka naman." he smirked.
I broke off the hug and pushed his arms away from me. "Baliw, nagulat lang ako. Lets go?" I smiled at him.
And as we held each other's hand, we walked onto the stage. Wapakels nako kahit harap na harap yung pwesto niya. Kailangan ko na talangang kantahin 'to sa kanya.
"Hi, we're Temporary Bliss. And---- uhmmm...I dedicate this song to a guy whose name shouldn't be mentioned 'cause masyadong madrama 'tong kakantahin ko. Basta kilala mo naman kung sino ka eh. Nasa harapan siya. nanunuod. xD."
"YAANS! GAME NA! ANG DAMI MO PANG SINASABI EH. GETS NIYA NA YUN!" sigaw ni vin sakin.
Here goes nothing. ----------
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo
Hindi sinasadya
Na hanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? Andiyan pa ba sa iyo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nasusuka ako, kinakain na ang loob
Masakit na mga tuhod, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot, ay di rin isang tanong
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Dahil, di na makatulog (makatulog)
Dahil di na makakain (makakain)
Dahil di na makatawa (makatawa)
Dahil, di na
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito na lang ako
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Asan ba ko sayo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?
Nahihilo... Nahihilo...
Nalilito...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Simple lang ang buhay ko dati. Wala masyadong pinoproblema, chill lang.
Pero nang makilala kita, nagkandaleche-leche na lahat. Nasaktan ako, kahit wala naman akong karapatan. Umiyak ako, kahit wala akong sapat na dahilan. Pero isa lang ang masasabi ko, ni-minsan hindi ko pinagsisihan ang makilala at mahalin ka. Kahit bwisit ka, hestas, masokista, sadista. Wala eh, lakas ng tama ko sayo. Kahit alam kong hanggang kaibigan na lang talaga ako.
[A/N: Guys! Newbie pa lang ako kaya pagpasensyahan muna XD Sana ma-enjoy niyo 'tong story ko! Maraming salamat! =) ]

BINABASA MO ANG
Our Flipped Hearts
Teen FictionI'm no angel, I'm just me. But I will love you endlessly.