Chapter 22: Lasing!

152 1 0
                                    

Hey guys! Grabe ang dami ko talagang mga typos, wrong grammars, at mga mali! >.< Kung makakita pa kayo ng mga typos at mga mali sorry i really tried my best to edit this story.Btw, ang tagal ko ng hindi naguupdate pero okay here it is.
---
Cassie's POV

Ano ba yan! Feeling ko tuloy ang landi ko! Kasi bakit naman magseselos sa akin si Alexandra, kung hindi ako malandi. Okay, medyo push pero parang o.a. na yata ako. Pero kaylangan ko ng dumistansya kay Chris, pero paano? Boss ko siya eh. Meron talagang mga panahon na kaylangan niya akong kasama the whole day.

Kainis naman ang life! Bakit pa kasi nagkagusto si Alexa sa halimaw na yun? Hmpf. Mas maganda kaya si Ryan.

Haaay. Pero masasaktan naman ako kapag malaman ko na gusto niya si Ryan. Ay sobrang ma-emote ako ngayon ah? Ano ba yan!

"Hoy okay kalang?" tanong sa akin ni Ryan.

Medyo kasi malalim ang iniisip ko eh.

"Oo" sagot ko.

"Mukha ka naman na hindi"

Bakit? Ano bang problema sa mukha ko?

"Bakit? Hindi ba pwedi mag-straight face?" okay. Kinikilig na ako!

Lord thank you. Best thing ever.

Okay, medyo ako o.a. kasi kinikilig na ako kahit kausap ko lang siya. Pero basta crush, lahat bini-big deal. Hahaha.

"Hindi naman yan ang napapansin ko sa mukha mo eh. Medyo.. umm.. pangit kasi"

Walang hiya talaga tong lalaki na toh!

"Ang sama mo!" tapos pinalo palo ko siya habang tumawa siya.

Minsan kasi ang bait nito, nasosobrahan lang. -_- Nandito nanaman siya, yung mapang-asar na Ryan. Kung alam niya lang na crush ko siya ma..

"Hoy!"

Lumingon kami kay Alexandra.

"What are you guys doing? Stop fighting okay?"

Edi obviously, nagstop kami.

"So saan na tayo ngayon pupunta?" tanong ni Ryan.

Sa puso ko para mahalin mo rin ako.

Ay tangiks! Cassandra naman oh! Medyo na sumo-sobra ang feelings mo eh! >.<

"Oh Cassie, bakit ka nakatulala sa akin?"

Ay shem! Bakit ba ako nakatitig sa kanya? Urgh! Nakakahiya! Baka makahalata siya na gusto ko siya!

"Mukha mo, ang pangit mo din kaya"

"My face? Tss. Pinagkakaguluhan kaya toh. Baka gusto mo ako"

Umm.

Parang nanigas ako sa last sentence niya ah. Ano ba naman yan! Nakakakaba. >~<

"Hoy Ryan, don't be such a feeler. Obviously, Cassie doesn't like you" sabi ni Alexa.

Phew! Maganda nalang meron akong kaibigan katulad ni Alexandra. :)

Phone ringing...

Shemay. Monster calling.

"Hello?"

"Oh bakit ang tagal mo?"

Eto naman oh! Parang bakla! Parang hindi hihinga kapag wala ako. -_-

"Eh bakit ba? Ano ba ang gagawin ko diyan? Tapos naman na ako naglinis ng kwarto mo ah"

"Mukha mo! Basta pumunta ka dito! Kung hindi, tignan mo nalang kung ano ang makukuha mo" binabaan ako.

Akala ko nagbago na ang ugali nun, hindi naman pala. Kainis oh.

Mr. Antipatiko [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon