CHAPTER 2: ANG SEATMATE KUNG HALIMAW!

173 2 0
                                    

Cassie's POV

Grabe! Di parin ako makaget over sa mga pangyayari nung linapitan ko si Ryan. Ang sakit kaya nun! Yan talaga basta mahal mo ng sobra yung tao na yun. Lahat gagawin mo para sa kanya kahit mga bagay na parang di mo kaya, kakayanin mo para sa taong mahal mo. Hoy! Mga iba diyan wag kayong magdeny na. Hahaha!


Bakit kaya ang hirap magmahal ng isang tao?

Tanong yun sa akin ng subconcious ko. Ano ang sagot? Mahirap magmahal ng tao na hindi ka naman napapansin o pinapansin. Yan naman talaga ang pinaka-common na sagot diba? Hahaist. Sana wala nalang akong puso para hindi na ito masakit dahil sa isang tao.


Shunga ka talaga Cassandra! Edi mamatay ka kung wala kang puso!


WOW. Mas matalino pa ang subconcious ko kisa sa akin -.-

Diba dati wala akong mga seatmates? Well ngayon meron na! Masaya ako na parang pissed off. Iwan ko. Yung nasa front ko kasi ay si Ryan yung seatmate ko naman ay si Christian Celliano? Oo yan yata pangalan niya. Hindi ko naman siya ganun na kakilala. Ang sungit kasi eh! Parang palaging lugi sa lotto! Mga tingin naman ng babae sa akin parang papatayin nila ako. Paano naman kasi itong dalawang seatmates ko ay mga heartthrob sa school. Ito naman na seatmate ko minsan lang kami nagkakaintindihan ang sungit kasi. SUPER.


"Pulutin mo"

"Ikaw ang may ari ng ballpen na yan, ako ang pinapapulot mo? Ano ka swine-swerte?"

"Sabi ko pulutin mo"

See!? Yan! Ganyan kasama ang ugali ng Chris na yan! Hindi ko nga alam kung bakit naging heart of the school toh!

"Hmpf! Ohhh ito! Kainin mo pa!"

Binigay ko na sa kanya yung "precious" ballpen niya. Kainis! Makautos feeling mo personal maid niya ako!!

"Mabait ka naman pala. Alam mo bagay ka maging P.A. ko"

"Kapal ng mukha mo! Asa ka."

Mas makapal ang mukha nito kisa sa Math book namin eh! Grrrr. Bakit kaya marami ang nagkakagusto sa halimaw na toh? Ako lang yata ang hindi natataman ng powers niya eh. Pero infairness, magaling yan sa Math. Hindi ko alam kung saan nang galing ang utak niya, kung pwedi lang nakipagpalit na ako sa kanya ng brain. Kasi bubo ako sa Math eh! Ang hirap kaya! -.-"


"HOY!"

"AY TOKWA!!"

Nagulat ako. Si Christian lang pala -.-"

"Ano bang problema mo?!"

"Uwian na. Kung ano-ano pa kasi ang iniisip mo eh"

Hala! Hindi ko namalayan na uwian na pala. Eh ako naman kasi, kung ano-ano ang iniisip. Hmpf. Makauwi na nga.

"Eh ano naman pakialam mo? Bleeh :p"

"Ewan ko sayo"


***

Kainis talaga yung lalaki na yun! Hindi pa ako umuwi, nandito muna ako sa garden. Tumatambay. Maganda kasi dito, nakakarefresh ng mind at ang pinaka-maganda pa ay walang halimaw. If you even know what i mean. Chaar nag-english. NOSEBLEED.

"Hi!"

"Ay butiki!"

"Ummm. Tao po ako"

O.O

Mr. Antipatiko [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon