Pagkatapos ng nakakahiyang araw na yon. Mahabang napkin ang nilagay ko sa undies ko. Ayoko ng maulit yon!
Nandito ako ngayon sa grocery, kailangan ko ng mag grocery kasi wala ng stock ang ref ko. I told my mama na magpadala siya ng pang grocery ko, so kagagaling ko lang sa Cebuana kanina before ako pumunta dito.
Ang dami ng laman ng cart ko when I saw one of my blockmates. If I'm not mistaken her name is Cyrylle.
"ow! Gywnette, nandito ka din pala. Ang dami ah? Hahaha" she approached me nice.
"naggrocery ako e, wala ng stock yung ref ko. Mamamayat ako nyan, haha. Ikaw? Are u with someone?" tanong ko.
"ah yes! Kasama ko sina Kyllah, Winona and Rika" sabi nito. Mga kaklase din namin. "ikaw? Sinong kasama mo?" tanong niya ulit sakin.
"mag isa ko lang, haha." bigla akong nalungkot. Kahit naman sanay na ako mag isa pero iba parin yung may kasama ka. I smile at her. "sige, mauna na ako. Byeee! See you later" pagpapaalam ko at nagtungo sa cashier. Pagkatapos ko mag bayad, umuwi na ako.
Minsan naiingit din ako sa mga grupong magtrotropa. Ang saya nila tignan. I hope I had. Minessage ko kanina sila Gielyn and Anne, busy daw sila kaya hindi ako nasamahan sa pag gro-grocery. Okay lang naman. Unti unti ko na din sila nakikilala. Sa una lang pala sila masarap kasama. Hindi ko maramdaman na kaibigan ko sila. Hys.
Pagkatapos ko mag-grocery dumaan muna ako sa laundry shop. Ipapalaundry ko yung bed sheet ko and yung jacket ni Vince. Pagkatapos ko mag bayad umuwi na ako. Balikan ko nalang 'yon bukas.
After ko kumain ng lunch, naghanda na ako papasok. May quiz kami ngayon sa Management kaya pagkatapos ko mag ayos ng sarili, nagreview muna ako saglit bago pumasok. Basic lang naman ang quiz.
Pagpasok ko sa room, dumiretso ako agad sa upuan ko sa likod. Nadatnan ko si Vince sa tabi ng chair ko. '
'not now please' pumikit ako at bumuntong hininga.
"okay ka na?" tanong sakin ni Vince pagkaupo ko. Tinanguan ko nalang siya at nilabas ko ang notes ko at nagbasa ulit. Baka may nalaktawan ako sa reviewer ko.
"nagrereview ka? May quiz ba?" tanong niya ulit sakin. Ayoko ng istorbo kaya tumango nalang ako.
"weh? Bakit hindi nagrereview mga kaklase natin?" sabi niya at lumingon muna ako sakanya bago ko inikot ang tingin ko sa mga kaklase namin.
'ba't hindi sila nagrereview?' tanong ko sa isip ko
"hindi ka nagbasa sa gc 'no?" tanong niya ulit sakin.
"hindi" sa pagkakataong ito, nagsalita na ako.
"walang quiz sabi ni Ma'am. Discussion lang daw" sabi siya sabay tawa. Tinatawanan ako?! Wt? Bakit naman kasi hindi ako nagbabasa sa gc, aish.
Sinara ko ang notes ko at tinago sa bag ko.
'Makikinig nalang ako ng music habang wala pa si Ma'am.'
Sayang nireview ko! Hays.
"parinig nga!" sabi ni Vince at hinila ang isang earphone at nilagay sa tenga niya.
"ano ba? Ang bastos mo naman!" inis kong sabi sakanya. Kainis.
"ang ganda ng music mo ah. Pakinggan natin!" wala siyang pakialam sa sinasabi ko. Aish. Hinayaan ko nalang siya, dahil sawa na din ako magsungit sakanya. At ayoko na rin mapahiya!
"Favorite mo si Lany?" tanong niya.
"oo" sagot ko.
"same! Nung may concert siya dito, niregaluhan ako ni mama ng 2 tickets kaso wala akong kasama kaya hindi ako nakapanood" malungkot na kwento niya. The hell I care!
YOU ARE READING
Her Enemy's Promise
Teen FictionMaraming lalake ang dumaan sa buhay ko na kung saan nahulog ang loob ko pero kahit isa wala akong nakatuluyan at naglakas ng loob na ligawan ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa attitude ko o sa itsura ko. Maganda naman ako at matalino. 18 years of e...