My Beautiful Karma (Game of Love series #3)

327 3 0
                                    

Written by: Maria_CarCat

Dahil sa hirap ng buhay ay natutunan kong magisang sundin lahat ng luho ng mundo. i want everything. Bagong damit, bagong sapatos, bagong bag, bagong gadgets. Pero malas dahil ipinanganak ako dukha.

"Shop lifter!" sigaw ng sales lady kaya naman nataranta ako at kaagad na tumakbo pero hindi ako nagtagumpay dahil kaagad akong naharang ng mga guard ng mall.

"ikaw nanaman!?" sita ng isa sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanilang main office.


Ngingiti ngiti at napapailing na lamang ang mga ito habang nakatingin sa akin kaya naman inirapan ko silang isa isa.

"Tatawag ako sa abogado ko!" mataray na sabi ko sabay halukipkip.


Nagtawanan ang mga ito na tila ba isang malaking joke ang sinabi ko.


"Mabuti pa miss, magulang mo na ang tawagan mo dahil ipapakulong ka na namin" sabi ng isa sa mga ito kaya naman nagpanic ako.


Nagpupumiglas ako habang bitibit ako nito palabas ng mall. pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam.



"Teka!" sita ko sa mga nakahawak sa akin.



"ATTORNEY! ATTORNEY!" tawag ko kay thomas dela vega, isang law student sa katabing private school ng university namin.



masama lamang ako nitong tiningnan at tsaka naglakad palayo.



"ATTORNEY! PALAYAIN MO AKO!" sigaw na pakiusap ko sa kanya pero hindi siya tumulong.






Start: 10/15/18

Best Wattpad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon