Second Semester, first day of school. Noontime 'yong napili kong schedule kaya sobrang init. Ang galing ko rin pumili eh. Gusto ko talaga 'yong nasusunog ako sa init! (Sarcasm level 100)Plantsado 'yong suot kong uniporme ngunit mas gusot pa sa future ko ang hitsura pagkababa ko ng jeep. Sayang din 'yong effort ko sa pagplantsa.
Papasok pa lang ako sa building ng school namin pero 'yong hitsura ko ay mukhang pauwi na dahil sa pawis at lagkit.
Kaagad akong natungo sa comfort room at nang makapag-ayos man lang dahil paniguradong hindi mawawala ang introduce yourself sa unang araw ng pasukan.
Baka may pogi, sayang 'yong opportunity na magkajowa.
"Eli!" napalingon ako sa tumatawag sa akin.
"Hi Iza!" kaway ko at ilang linggo rin kaming hindi nagkita simula noong enrollment.
"Tara na sa first subject!" aya niya.
Medyo napaaga kaming dalawa at may ibang section pang gumagamit sa room kung saan ang unang subject namin.
"Kumusta ang bakasyon mo?" tanong ko habang nag-aantay kami sa labas.
"Wala namang importanteng ganap, nasa bahay lang naman ako. Boring..." tugon niya. "Ikaw?" balik niya ng tanong sa akin.
"Pagod. Nagbabantay ako ng pamangkin ko eh. Gusto ko nga laging may pasok." tugon ko naman at wala rin naman importanteng ganap sa bakasyon ko dahil nagbabantay lang naman ako ng bata.
"Hi Joy!" kaway kay Joy na isa sa mga unang naging kaibigan ko sa kolehiyo.
"Hi mga bhe!" bati ko rin sa mga dati kong kaklase na kararating lang.
Tumunog na 'yong bell bilang hudyat na tapos na 'yong klase ng naunang section. Pumasok na rin kami sa loob.
Ilan sa mga kaklase ko noon ay kasama ko pa rin ngayon ngunit mas marami ang bagong mukha sa aking paningin.
Makapaghanap nga ng gwapo. Hindi lang ako ang gumagawa nito tuwing first day of school.
"Hi everyone, I'm Eli Castillo. I'm sixteen years old, BSA." pakilala ko sa gitna at bumalik din ako kaagad sa pwesto.
Parang bigla akong tinubuan ng water falls
sa palad nang dahil sa kaba. Kahinaan ko kasi ang magsalita sa harapan ng maraming tao. Kakilala ko man o hindi, kinakabahan talaga ako palagi.Habang patuloy ang pagpapakilala ng mga kaklase ko ay umiikot naman ang aking paningin sa mga bagong mukha.
I'm just trying to divert my attention. Masyado akong kabado eh!
One, two...
I'm counting in my head. Binibilang ko lang naman 'yong mga kaklase kong may hitsura. Babae man o lalaki.
"Alright! Tapos na ba lahat?" tanong ng guro namin.
"Hi ma'am. I'm sorry, I'm late." halos napalingon kaming lahat sa lalaking kararating lang at humahangos pa. Tila tinakbo niya ang ground floor to fifth floor.
"Oh hi... introduce yourself then. Name, age, course, and... talent." giit ng guro namin at nagtawanan naman kami. "May talent portion tayo 'di ba guys?"
"Opo!" hiyaw ng karamihan.
Mukhang nagulat si kuya. Kaya ayokong magpahuli sa klase eh.

BINABASA MO ANG
Twenty Fifteen
Fiksi RemajaYear 2015: Our paths crossed. Date Started: June 11, 2020