Love or Sexual Desire 3

236 2 0
                                    

Nakauwi na kami ng bahay ng hindi pa rin nagkikibuan. Ayoko ng ganito. Were bestfriends and we live in the same house but were not even talking. I know, may kasalanan ako sa kanya (meron nga ba?) pero ayoko ng nagkakaganito kami. This is a complete torture.

Dahil na rin sa kagustuhan kong magkibuan kami, I started a conversation with him. Ako nga ang nag alis ng necktie niya. Ako ang nagluto ng dinner namin. Pinagtimpla ko pa siya ng kape. Pero ang nakukuha ko lang galing sa kanya ay tango at thank you lang. Ka imbyerna eh. Nag i effort ako pero walang nangyayari.

We were in the entertainment room nanonood ng tv. Magkatabi kami sa couch pero hindi pa rin kami nagkikibuan. Actually may naisip akong ideya. Ang sa akin lang eh, papayag ba siya. Matagal na rin kasi nang mangyari iyon. Gusto ko na talagang magkabati kami.

Napapailing nalang ako. Datirati, pag nag-aaway o nagkakatampuhan kami siya lagi ang gumagawa ng paraan para magkabati kami ,siya o ako man ang may kasalanan. Pero baliktad na ang nangyayari. Ako na ngayon. Ang OA kasi ng isang to eh. I faced him.

"Ven. Tabi tayo matulog ahh. Just like the old habits."lumingon siya sakin at tumitig. Ngumiti ako sa kanya. We used to sleep together lalo na nung college. Kahit nga nung gumraduate na siya at sa Amerika siya nag-aaral, nagbibigay siya ng time para pumunta dito sa pilipinas para bumisita sa pamilya niya, but he always ended up natutulog sa condo ko. And no one knows about it. Not until that incident happened. After that, hindi na kami nagkakatabi matulog.

Tinitigan lang niya ako at hindi kumibo. Ibinalik din niya agad ang atensyon niya sa tv at hindi nagsalita. Seriously? Hindi niya talaga ako kikibuin!? Nakakainis na siya ah, ang OA OA niya nah. I sighed. Mukhang mahihirapan ako sa isang to. Hahayaan ko na lang, ipagpapabukas ko na lang siguro.

Tumayo na ako atnaglakad palabas ng entertainment room ng hindi nagsasalita. Kakaiba din ang isang iyon. Di ko alam hard to get pala iyon. Hindi ko inaasahan na magiging bestfriend kong isang iyon. Hindi kami masyadong nagkikibuan, barkada siya ng kuya ko pero hindi kami nag-uusap. Not until nung nangyari sa bar. Hayy! Sana maging okay na kami. Sayang yung friendship namin kung iyon lang ang dahilan. I sighed.

Naglalakad na ako papuntang kwarto. Nasa nay hallway ako nang may humawak sa braso ko. Lumingon ako at nakita si Ven.

"Where are you going?"tanong niya

"Matutulog na ako. Sige."kinuha ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at nagtungo na sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay agad akong sumalampak sa kama. Naligo naman na ako kanina. Pumikit nalang ako.

Nagulat ako nang maramdaman kong bumaon ang kama sa may likuran ko tapos humiga. Naramdaman ko naman na may yumakap sa bewang ko patalikod. Alam ko kung sino iyon, pabango palang niya, alam na alam ko na. Akmang haharap ako, pero humigpit ang pagkakayakap niya.

"Teka, Ven."sabi ko.

"Ssh. Matutulog ka na diba? Tulog na tayo. Antok na din ako eh."sabi niya at sinubsob ang mukha niya sa nape ko.

"A-akala ko hindi ka papayag."I said and sighed.

Love or Sexual Desire?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon