Lunar P.O.V
"Ma! Ano pong gagawin natin?" nanginginig kung tinanong.
"Manahimik ka!" Sigaw niya.
Bumuntong hininga nalang ako. Hindi kami pwedeng maghintay o tumayo nalang dito habang sila'y nakikipaglaban. Ang paligid ay nakabalot sa kadiliman mga hinaing, pighati'y kanilang hinihiyaw. Putok ng baril, pagsabog ng mga bomba'y nakakabingi, ano ang maaari naming gawin?
Ako'y nakatayo lamang at nakaharang sa pintuan, habang ang ina'y may iniexperimentuhan. Hindi ko alam ang mga nangyayari, hindi ko alam ang nararapat kung gawin. Bakit? Bakit kailangan pang maglaban? Kung wala namang mapapala, naging sanhi pa ng pagkawala ng buhay. Hindi ba maaaring idaan na lamang sa maayos na usapan at intindihin ang pagkabilang kampo upang sila'y magkaayos.
"Ma! Ano pa po bang ginawa natin dito? Ano bang ginagawa mo riyan? Umalis na tayo" pakiusap ko ngunit walang dumating sa akin na kasagutan.
Pagod na pagod na akong tumakbo ngunit kailangan ito upang mabuhay. Kung lalaban naman kami, siguradong buhay mapupunta sa hukay.
Biglang may kumalabog sa itaas na aking kinagulat. Hindi ito maari...may nakapasok na sa ginawa kung harang sa pintuan sa itaas. Tumingin ako kay ina ngunit kahit gulat o takot man lang ay hindi makikita, patuloy pa Rin ito sa kanyang ginagawa.
"Lunar" mahina niyang pagtawag sa aking pangalan. Lumapit naman ako sa kanya. Nagkakatitigan kami at nakangiti siya na parang walang nangyayari. Bigla niya nalang ako niyakap. .
"Ma..."
"Lunar, pagkatapos ng limang taon. Ipaghiganti mo ang lahi natin"
"Anong....ahhhh" napasigaw ako sa sobrang sakit Ng may biglang tumusok na kung ano sa kanang balikat ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinawakan ang balikat ko.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang ang balikat ko. Napapikit agad ako... Sobrang daming dugong...
"Ma"
Nakita ko ang hawak niyang pangturok at may mantya ang napakahabang krayom. Malamang tinusok niya ito sa akin. Tinitigan ko naman siya ng may pagtataka at umatras. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Gusto kung itanong kung bakit? Ano bang ginawa ko? Ano bang kailangan kung gawin? Kulang pa ba?
"Ma, ano yung tinurok mo sakin?" tanong kong hindi man lang pinag-iisipan. Alam kung, isa na naman ito sa kanyang ineexperimentuhan. Hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon pa naman na nasa isa kaming kaguluhan ay iniisip niya pa rin ang kanyang ambisyon.
"Isang bagay na pagsisihan mo habang buhay" sabay pagtawa niya na parang....
Natumba nalang ako kawalan at ngumiti. Salamat ma! Sabay ng pagputok ng baril.
YOU ARE READING
Vengeance University
General Fiction"Ano kayang meron sa nakaraan? Bakit ayaw na nila itong balikan?" Isang paaralan na tanging nais ay paghihiganti.... Bakit nga ba sila naghihiganti? Lahat ba ng bagay ay laging nadadaan sa patalim? Isang ordinaryong estudyante ang papasok sa paaral...