Chapter 2: My life

11 2 1
                                    

Liana P.O.V

"Anak, mahal kita" sambit ng isang babae at isinirado.

May pinag-uusapan sila na hindi ko marinig, sunod-sunod ko nalang narinig ang pagputok ng baril na ikinatumba ng babae.

Napabangon ako mula sa mahimbing na pagkakatulog...

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, hindi ko maintindihan ang kalungkutan. Ngayon ko lang naramdaman na kanina pa pala ako umiiyak. Basang-basa ang aking mga unan at kumot.

Sinandal ko ang aking likod at huminga ng malalim...

Apat na taon na ang nakalipas nung naaksidente ako. Pero mula noon, gabi-gabi ko nalang itong napapaginipan ng tulad ng kanina.

Pero sa palagay ko may mali lagi eh. Ang tangi nilang sinasabi sa akin ay naaksidente lang ako pero walang sinabi tungkol sa kung papaanong paraan at dahilan.

Haytssss.... I already still confusing if I always thinking about it. But... Nevermind, present and future is most important than the past.

Medyo nahahawa na ako kay Tita Fianie ah. Yung laging quotes niya kasi lagi forget the past and focus on present.

Pinahid ko ang luhang nasa pisngi ko at pumunta ng C.r.

Nang nasa C.r na ako. As usual, kakausapin ko na naman ang sarili ko sa salamin at ang laging hindi ko makakalimutang dialogue.

"Don't Cry Liana!" sabay turo sa ilong ko sa salamin. "Ipangako mong hinding-hindi ka ulit iiyak" dugtong ko pa.

"Duhh... Iiyak ka dahil lang sa panaginip na paulit-ulit? Umayos ka nga! Always thinking your not alone, I'm here for you, I always here support and protect you what matter happens"

Wait tama ba English ko? Hindi ako masyado magaling mag-english eh. Hayaan mo na, ang mahalaga ako lang ang nakakarinig, kung may makakarinig man... Edi wow.

Saka ano bang pinagsasabi ko? Muka akong ewan. Sino bang tinutukoy ko? Di bale na nga, ako lang naman ang nakakaintindi sa sarili ko.

Nagtoothbrush muna ako bago maligo. Sunod nun nagbihis na ako ng uniform before I go down.

Suddenly, I was combing my hair infront the mirror watching my self.

"Ang haba na ng buhok mo Lian, kailan ka pa magpapagupit?"

"Ang panget mo talaga"

"Ang badoy mo"

"Hindi ka marunong mag-ayos"

Haytsss, eto na naman ako...

"Ano ka ba Lian! Huwag ka nga maniwala sa kanila. Maganda ka ano ka ba? Hindi man makita sa panlabas atleast may panloob ka" I mean mabuting kalooban.

"Ano ka ba Liana, I was preparing myself sa sasabihin na naman nila pagnakita nila tayo, I mean ako"

"Tsss... Lian, I always tell you, always be kind and smile. Smile ng taong di apektado, you know?"

"I know"

I was annoying...

Masakit man isipin, mahirap ngumiti kung, kung sa loob mo masakit talaga. It's hard to pretend na hindi ka nasasaktan.

Tinali ko na kaagad ang buhok ko ng pa-pony tail at sinuot ang aking salamin. Kinuha ko ang backpack ko at bumaba na.

Nakita ko sina
Mom, Dad also Jessil na nasa Dining table na. Ako nalang pala ang hinihintay nila.

Vengeance UniversityWhere stories live. Discover now