Chapter 1: Liana Mondelgon

10 2 0
                                    

Lunar P.O.V

Dahan-dahan kung binuksan ang dalawa kung mata. Puting kisame na bumungad sa akin.

"Anak, gising ka na" ani ng isang lalaki na nakaupo aking tabi sa kanan.

Napatingin ako siya sa kanya, nakita ko ang dalawang mga mata na bakas ang kalungkutang kanyang dinarama.

"Sino po kayo?" tanong ko. Umawang naman ang kanyang bibig at agad niya itong sinara. Bakit? May dapat bang ikagulat?

"Anak, hindi mo ba talaga ako naalala?" 

Umiling ako, hindi ko naman talaga siya kilala eh. Teka nasaan nga ba ako? Sino ako? Bakit nako nandito?

"Maari ko po bang malaman kung anong pangalan ko?" tanong ko, ngunit umiwas lang siya ng tingin at muling umupo.

"Anak, ikaw si....."

"Liana Mondelgon" sambit ng isang babaeng kakapasok pa lamang sa pinto. Dumiretso siya sa couch at umupo saka nilapag ang dala niyang basket na puno ng mga prutas. 

"Sino po kayo?"

"Kumusta na ang pakiramdam mo Lu-Liana?" 

"Ayos lang naman po"

Tumungo lang siya at dumiretso sa bintana para hawiin ang kurtina. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung saan? Kailan? At papaano ko itatanong ang mga katanongan ko. Muli kung binaling ang tingin ko sa lalaking tinatawag akong 'Anak'. Nakatitig din siya sa babaeng nakatanaw sa bintana at takang-taka.

Ano kaya problema?

"Kayo po.."

"Liana, Past is past. Ang nakaraan ay hindi na kailangang balikan pa, Kung dala nito ay kapighatian" tumingin siya sa akin at lumapit. "Past is past, it will never be regain"

Habang palapit siya ng palabit, nakatitig ako sa kanyang mga mata tulad ng gingawa niya. Ang mga mata niya ay puno ng galit. Simple lang pero ang lakas ng dating.

"Lu..."bumuntong hininga siya at maupo sa aking tabi. "By the way, I'm Fianie Fontanio your aunt and he's your father, Liam Mondelgon" turo nito sa lalaki.

"Can we talk?" tanong ng lalaki at dumiretso sa labas, sumunod naman ang babae habang tumawa ng malakas na parang mangkukulam.Anong nakakatawa?

Ang wierd ng babaeng yun... 

Katahimikan ang namayani ngunit ang isipan ko'y gulong-gulo sa kakaisip. Bakit kasi wala akong matandaan? 

Ang tangi ko lang natatandaan ay mukha ng lalaking iyon ngunit hindi malinaw sa aking isipan. Ramdam ko sa kanyang mga takot, galit, pag-aalala at iba pa. Napakahirap basahin dahil halo-halo ang kanyang emosyon. At may sinabi ako sa kanya ngunit hindi ko na ito matandaan pa. Ngunit ang tangi ko lang naalala, ang huli kung binanggit na Fur Elise.

Fur Elise? Napakapamilliar na salita sa akin ngunit hindi ko alam ang ibig nitong sabihin.

"Aray!" hinaing ko dahil sa biglang pagsakit ng aking kanang balikat. Hinawakan ko ito at pinisil.

"Ma!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita sa kanang balikat kung dumudugo kasabay ng narinig kung boses ng babae na tinatawag ang kanyang ina. Nang aking bitiwan ang balikat ko, wala naman pala itong dugo.

Ano yun? Isang alaala?

Agad kung hinawi ang laylayan ng aking damit sa balikat.

"Ano to?" bulong ko sa sarili. Isang peklat na hugis bulaklak. Hindi kaya ito ang peklat ng aking natamong sugat kaya't nandito ako ngayon sa lugar na ito?

Biglang bumukas ang pintuan kaya tinago ko ang aking peklat. Ayokong sabihin sa kanila pa dahil sa aking palagay, mas makakabuti iyon para sa akin.

Ang nakaraan ay mananatili nalang na alaala....

Niluwa ng pinto ang lalaki at babae na kasama ko kanina at isa pang lalaki na nakasuot ng puting damit. At lumapit ito sa akin.

"Liana, kumusta ang pakiramdam mo?"

"A-ayos naman po"

May marami pa siyang mga katanungan na agad ko namang sinagot. Nung matapos na siya kakatanong, muli silang tatlong nag-usap. Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan dahil malayo sila sa akin.

____U.V_____

Lumipas ang limang oras at ngayon ay gabi na. Hindi ako makatulog, kaya't ito ako tulala lang akong nakadungaw sa bukas na bintana. Ako lang sa kwarto na ito ang nag-iisa. Sakto namang kitang-kita napakalaking buwan kaya pinagmasdan ko ito.

Napakaganda ng Buwan
Lalong-lalo na sa madilim na kapaligiran
Na nagbibigay liwanag at pag-asa
Sa isang madilim na kapalaran

Kasabay ng pagkislap ng mga bituin
Hanging malamig na umaawit
Huni ng mga kuliglig na lumalambing
Payapang kapaligiran'y nakikinig

Sadyang napakagandang pagmasdan
Ang gawa ng kalikasan
Dapat lang pahalagahan
Kasaganaha'y makakamtan

Bigla nalang may nagsirado ng bintana at hinawi ang kurtina....

"Tita?" pagsisiguro ko. Nakakagulat lang kasi na bigla niyang sinirado ang bintana at hinawi ang kurtina ngunit wala man lang akong narinig ni yapak.

Si Tita ang una kung naisip dahil sa mahaba nitong may kulay lilang buhok. Matangkad, makinis at maputi, sing puti ng nyebe.

"Liana" nakangising humarap sa akin. Nais kung magtanong ngunit walang lumabas sa bibig ko. Sobrang seryoso ng mukha niya, kung hindi mo siya kilala masasabi mong galit siya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Biglang may umihip na malakas na hangin na ikinataas ng aking mga balahibo. 

Hindi ako makakibo, hindi ko alam ang gagawin. Halos hindi ako makagalaw, sa aking pwesto. 

"Hi-hindi... po... ka-kasi... a-ako... makatulog.. eh" nauutal ako. Natatakot ako sa matatalim niyang mga mata. Lumapit siya sa akin at tumatawa ng malakas...

Ano bang nakakatawa?

Habang palapit ng palapit, bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito?

Hinawi niya kanyang buhok at dumiretso sa couch. Sobrang seryoso na naman niya. Dapat na ba akong masanay?

"Paano ka niyan gagaling kung hindi ka sumunod sa payo ng doctor?"

Yumuko na lang ako at tinignan ang palad ko.

May bigla nalang humaplos ng ulo ko....

Nakakatindig ng balahibo... Inangat ko ang ulo ko at si Tita...  Paano niya yun nagawa? Ang bilis niya makarating sa tabi ko na wala man lang yapak ng mga paa

"Liana, sa susunod huwag ka muli titig sa buwan kung ayaw mo kinabukasan paggising mo magsisi ka sa ginawa mo"

"A....anong ibig niyong sabihin?"

"VARIENTS" sabay tawa niya. Mahina at mahinahon niya itong binanggit ngunit may kakaiba, hindi ko maintindihan kung ano.

Umalis siya ng kwarto na tawa ng tawa, sadyang masiyahin lang talaga ata siya. Ang itsura niya ay nasa 20's pero ang kanyang pananalita ay parang matanda na.

Var...i... Ano daw? Hindi ko alam kung ano yun pero iisa lang ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ako maaaring magtiwala sa kanila dahil hindi ko sila kilala. Pero ano bang alam ko? Hindi ko sila maaaring husgahan lalo na't wala akong naalala.

Vengeance UniversityWhere stories live. Discover now