KABANATA I( Royal Weeding )
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️🎗️
"MAMAYANG GABI NA MANGYAYARI ANG MATAGAL MO NANG INAASAM-ASAM. Sa nakalipas na apat napong taong pagiging tagapangalaga, ngayon magiging isa kanang ganap na lalaki kung saan mamumuhay kasama ang pamilya. Natutuwa ako at si Prinsesa Kathlea ang napili mo."
"Maraming salamat, Guro. Ngayong nasa payapa na ang bayan ng Algea panahon naring mamuhay ako ng payapa."
Hindi mapapantayan ng ano man ang kaligayahang nadarama ng binata sa mangyayari mamaya. Alam niya sa kanyang puso kung gaano kamahal ang prinsesa. Ngayong nasa ayos na ang lahat kailangan na niyang tuparin ang pangako sa minamahal. Mamayang gabi i dadaos ang seremonyas ng kanilang kasal. Mamayang gabi na rin siya magiging ganap na lalaki.
"Ang singsing na iyan ay kailangan mong hubarin mamaya sa seremonyas. Kaya asahan mong manghina ka nang kaunti, anak."
Napatingin ang binata sa kanyang suot na singsing. Napakaganda nito at napakaeleganti. Itinaas niya ang kamay napara bang aabotin ang langit at pinagmasdan muli ang singsing sa kanyang daliri.
"Sigurado ka na ba talaga dito?"
"Matagal na, Guro. Matagal na."
"Kapag ikinasal kana ay mawawala na ang abilidad mong mabuhay ng matagal. Tatanda ka na para ng isang normal na nilalang."
"Handa na ako. Gusto kong mabuhay at mamatay kasama si Kathlea." Ikinuyom ng binata ang kamay at ibinuka. Maylumabas na apoy mula dito.
"Kung ganon, kailangan mo na nga talagang humanap ng bagong tagapangalaga." Tumalikod ang matanda niyang Guro at naglakad na paalis. Pero bago pa ito tuloyang mawala ay nagsalita pa ito. "Natutuwa ako para sa iyo. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako."
Nilingun ng binata ang pappaalis na matanda at bumulong. 'Salamat'
SA PALASYO ALGEAGRACIA ay isa isang nagsidatingan ang mga tao, diwata, Berdya (taong ibon) at iba pang nilalang na naninirahan sa bayan ng ALGEA. Mahigpit ang mga bantay at sinisigurado na walang makakapasok na magdudulot nang masama o gulo sa loob. Bawat isa sa mga ito ay sinuri ng mabuti.
Ilang minuto pa ay nasa loob na ang lahat. Pinalilibutan naman ng mga bantay ang bawat sulok ng palasyo. Isang napakagandang musika ang pinatunog kasabay ang pagpapakita ng prinsesa soot ang napakaganda nitong kurbada na pangkasal. Sa kabilang dako naman ay ang binata na siyang tagapangalaga ng apoy.
Masaya ang dalawa habang naglalakad papunta sa harapan ng Punong Tagapagpayo.
Nagsitayuan ang mga naroon para simulan ang seremonyas.
"Nandito tayong lahat upang saksihan ang pagiisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. Ang dakilang si Ryuu at ang minamahal nating Prinsesa, prinsesa Kathlea." Anang Punong Tagapagpayo.
Isang napakaganda at makinang na ilaw ang bumalot sa dalawang ikinakasal. Pinapalibutan sila nito na para bang pinuproteksyonan sa ano mang panganib. Unti-unting pumapataas ang liwanag.
"Maaari mo nang hubaring ang iyong singsing." Pagkasabi noon ng Punong Tagapagpayo sa binata ay sumunod ito kaagad at inilagay sa pagitan nila ng kanyang irog. Lumilitaw ito habang nagliliyab ng apoy ang bawat sulok.
Napangiti ang binata. Sa wakas ay maikakasal na siya sa tinatangi niyang mahal. Ang kaisaisang pinapahalagahan niya.
*KREEECKK-----BOGSHHH*
![](https://img.wattpad.com/cover/228820970-288-k970214.jpg)
BINABASA MO ANG
THE RING (the tale of 5 elements)
FantasyFIRE, WATER, METAL, WOOD, EARTH are the elements that balanced the atmosphere, movements and harmony of the universe and the other worlds. Eunice Engrata, a simple college student taking up Bachelor of Secondary Education major in Mathematics was g...