Cyrus
Tama nga sabi nila, mas bumibilis ang pag ikot ng bawat oras kapag hindi mo namamalayan. The end of school year is fast approaching and it means i have to stop teaching and start what i really finished in college. Dalawang buwan nalang at matatapos na ang pagiging college instructor ko at magiging isang boss nalng ng isang malaking korporasyon na itinatag ng ama ko.
Hindi naman masama pero mas tough ang surrounding at mas mabigat ang kompetisyon. I need to prove myself to my future employees and the board members that i am fit to be my father's heir.
It's already love month and the final exams are also coming kaya naman busy na rin ang mga co-teachers ko pati mga estudyante ng ACU. Pero kahit na ganun ay syempre may program pa rin sila lalo na at malapit na ang valentines day which is a week from now. Ngayon nga ay kinukulit ako ng co-teacher ko na si Miss Javier na gawing guest para sa game na gagawin nila during the program. Ayoko sana pero ayoko rin namang magmukhang KJ kaya ng umoo ako ay laking tuwa nito. Hindi ko pa alam ang buong concept pero parang gagawin daw akong prize o kadate ng mananalo sa gagawin nilang game.
3 days before the program ay inimbitahan ako ng adviser ng student council para sa briefing ng gagawin nilang game. Sinabi nila sa akin ang buong concept, which is mag iinvite sila ng isang banaeng representative bawat department at tatanungin ng mga katanungan at kung sino ang magugustuhan ko ng sagot at may pinakamaraming points ay makakadate ko sa isang restaurant na pinareserve ng org. nila. May ibigay sa akin na damit ang isang staff ng org nila pares ng suit. Isinuot ko iyon at napapalakpak naman silang nandoon ng makita ang porma ko. Ang adviser nila ay binuksan pa ang dalawa sa suot kong polo. Kasunod nun ay kinuhanan nila ako ng litrato habang nakaupo sa isang stool. Nakailang shots pa ako bago sila nakapili ng gagamitin para sa poster na ipopost nila sa page ng school. Para naman daw mas challenging ay hindi muna irereveal ang mukha ko kundi ang half lang na part. Medyo natuwa naman ako sa pakulo nila ngayong taon na ito. Dahil noong nakaraan din ay pumatok din iyon kahit iba naman ang concept.
Kinabukasan nga ay may malaking tarpaulin na nakalagay sa bulletin board at nakapaskil doon ang half ng part ng katawan ko. May ilang information din doon at paraan kung paano magiging representative ng department. Nakakuha agad iyon ng atensyon dahil iyon ang bukambibig ng mga estudyante lalo na ng mga babae tuwing nadaraanan ko.
Miske sa klase ko ay hindi rin iyon nawala. Nakapaskil ang excitement sa mukha ng lahat liban lang sa isa, si Janelle. Nakita ko ito kanina ng papalabas ng library at imbes na tumulad sa mga kapwa nito estudyante ay lulong ito sa hawak nitong notebook. Good thing na rin iyon.
Talaga nga ba?
Tudyo pa ng isang bahagi ng utak ko.
Well sort of, gusto ko rin macurious si Janelle kung sino ang special guest at kung hindi ba nito nakikilala ang lalaking nasa tarpaulin.
Pero okay na din na mas pinagkakaabalahan nito ang pag-aaral kesa sa iba pang mga bagay. Nakakasiguro kasi akong bumabawe ito sa semesteng ito dahil sa pagkakatanggal ng scholarship nito sa university.
Aktibo rin ito ng pumasok ako sa klase nila kanina. Nahalata ko rin na aloof ito sa ibang kaklase niya, dahil na rin siguro sa nangyari dito o baka talagang pinaparamdam dito ng ilan na outcast ito.
Pagkatapos ng huling klase ko sa araw na iyon ay nagtext ako rito.
Wait me on the same spot.
Hindi na ako naghintay ng reply dahil alam kong nasa klase pa ito sa mga oras na iyon. Inayos ko na lang ang ibang mga gamit ko at nagcheck na rin ng ilang papel para naman hindi ako matambakan. Matapos nun ay nagpunta ako sa dean's office para pormal itong maka-usap.
BINABASA MO ANG
My Secret Boss
General FictionShe was just an innocent, simple and a lovely girl living on her own. All just she wanted was to love and be loved but fate plays around her. She's left broken and no one to run to but there's this man who she randomly knew, who held her up and help...