Chapter 24

32 1 0
                                    

Janelle

Subrang nag enjoy ako sa pinuntahan namin ni Cyrus. Para akong bata na first time makagala, subrang saya ang nararamdaman ko at sandali kong nakalimutan ang mga agam agam ko sa buhay.

Pero balik na ulit sa dating routine, ang pagiging estudyante ko at ngayon ay opisyal ng amo ko si Cyrus. Tinanggap ko amg alok niya dahil lahat naman pabor sa akin at minsan lang dumating ang ganoong offer kaya tinanggap ko na kahit alam kong may consequence iyon na kasunod.

Break time at dahil hindi ko na kailangang magtipid pa at hindi na ako kinakapos pa ay nagpunta akong canteen para bumili ng makakain. As usual nandun pa rin yung mga tinginan ng ilang studyante na hindi ko alam kung para saan. Nasasanay na rin ako pero aaminin ko na may time pa rin na gusto ko nalang maging invisible sa harapan nila. Ang mga tingin kasi nila ay higit pa sa nanghuhusgang tingin na para bang ang laki ng nagawa kong kasalanan.

Nasa sulok na bahagi ako pumwesto at tahimik na kinakain ang binili kong sandwich ng biglang may naglapag ng isang shoulder bag sa table. Itinaas ko naman ang paningin ko at kinamalas malasan naman, si Jadelyn at ang dalawa niyang alipores ang nasa harapan ko ngayon. Nagtinginang muli ang mga estudyante sa gawi ko at parang nanonood ng movie na naghihintay ng susunod na eksena.

"Anong kailangan mo?"
Ako na ang naunang nagtanong dito.

"Wow, magaling ang tapang muna ngayon ah. Sinong pinagmamalaki mo hah, yung prof mo na si sir Greene? Ibang klase ka rin noh, akala mo kung sinong inosente at tatanga-tanga pero patago palang kumirengkeng."
Sabay taas nito ng kilay at naghalukipkip.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa mga binitawan nitong salita. Ito na ang ikalawang beses na kinompronta ako nito tungkol kay Cyrus. Ano ba talagang problema ng babaitang to.

"Wow, coming from you? Bakit ba masyadong madumi yang utak mo. Sige ng matigil ka na, sasabihin ko na ang totoong dahilan ng paglapit ko kay sir. Scholar ako ni Sir Greene at trabaho kong maging student assistant niya. Tinutulungan ko siya kapag kailangan niya ng tulong ko dahil TRABAHO ko iyon. Iyang utak mong napakadumi please lang linisin mo yan at mas pagtuonan mo nalang ng atensyon ang pag aaral mo kesa kung ano anung chismis ang inaatupag mo."

Sabay sukbit ko ng bag at dinala na rin ang snacks kong hindi ko pa nauubos at nagpunta sa may likod ng campus kung saan may bakanteng lote doon. Iniwasan ko na kasi ang magawi sa rooftop dahil sa huling encounter na nangyari sa amin ni Jame medyo natrauma ako sa pagkikuta naming iyon.

Naupo lang ako bermuda at tumingin lang sa paligid. Tahimik kaya mas ginanahan akong kumain, matapos kong uminom sa dala kong bottled water ay tumayo na ako at chineck ang relo kong 5 years na rin sa akin. May 10 minutes pa ako before magstart ang next class ko kaya lumakad na ako nang biglang nagvibrate ang ang phone kong nasa bulsa ko.

Napangiti naman ako habang tinitingnan iyon. Isang latest model ng samsung ang niregalong phone ni Cyrus sa akin kahapon. Wala namang okasyon pero binigyan niya ako. Basta paggising ko kanina ay nakapatong na ito sa study table ko at nang tanungin ko ito noong sabay kaming mag agahan ay sinabi lang nito na kailangan ko raw nito lalo na sa pag aaral ko. Pero ang mahal naman nito pwede naman na iyong mumurahin lang pero hindi na ako kumontra at nagpasalamat na lamang dito.

Binuksan ko ang messaging app at isang text galing kay Cyrus ang nandun.

Cyrus:
Wait me up on the waiting shed after your class. It's the least i can do for you so that students will not notice. Don't say NO, you know i will not accept it.

Ano pa nga ba, nagbabala na eh alangan namang kumontra pa kaya isang simpleng 'Okay' ang nireply ko at binalik ko na sa bulsa ng pants ko ang  phone ko at diretsung nagpunta sa room ng susunod kong klase.

My Secret BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon