Cyrus
I wake up earlier than my usual waking time. Kahit kaunting oras lang ang naitulog ko kagabi ay punong-puno pa rin ako ng enerhiya kaya naman matapos kong maghilamos ay dumiretso ako sa sarili kong gym sa bahay at doon ay nagpapawis.
Masyado akong excited para sa araw na ito, gusto ko ng makita ulit si Janelle. Mabuti na lang talaga at nasa iisa lang kaming bahay kaya hindi ako mahihirapan at maghihintay ng napakahabang oras na makita siyang muli.
Fifteen minutes and i'm done with my exercise. Pumasok na ulit ako sa kwarto para sana maligo dahil basa na rin ako ng pawis ng magawi ang atensyon ko sa flower vase na nakapatong sa bedside table ko. Nakalimutan ko nga palang ibigay ang binili kong bulaklak kay Janelle kahapon dahil sa nangyari ng sunduin ko siya. Kagabi rin ay nasa kanya lang ang atensyon ko kaya hindi ko rin iyon napagtuunan ng pansin malamang ay nakita na niya ito kagabi. Kaya imbes na tumuloy sa banyo ay muli akong bumaba at nagtungo sa kusina kung saan naroroon sila manang na nagluluto na ng agahan.
Matagal tagal na rin noong huli akong magluto pero alam ko naman ang mga basic. Gusto kong ipagluto si Janelle ng breakfast kaya nakiusap ako kay manang na ako na ang magluluto ng agahan namin. Agad namang pumayag si manang at nakatingin lang siya at ang iba pa naming mga kasambahay sa pagluluto ko.
Nagpapalitan ang mga ito ng tingin at may mga ngiting nakapaskil sa mga labi ng mga ito. Hindi naman siguro mahirap hulaan ang nangyayari. Hindi ko na rin kailangan magsalita dahil tila mas may alam pa sila kesa sa akin.
Hinayaan nila akong gumalaw, gusto sana nilang tumulong kahit sa paghiwa lang ng mga rekado pero pinigilan ko sila. Gusto kong mag effort at sinabi ko na kay Janelle na liligawan ko siya sa paraang alam ko.
Mahigit 30 minutes din akong naging abala sa pagluluto. Ako na rin ang naghanda nun sa lamesa at para makabawi ako kahapon ay nagpunta ako sa garden. Saktong namulaklak ang mga halaman doon. Pumitas ako ng ilang klase ng bulaklak. Tinignan ko ang orasan at tamang tama iyon sa oras ng gising ni Janelle. Sana lang hindi siya napuyat kagabi.
Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya at handa na sanang kumatok ng bigla iyong bumukas. Medyo nagkagulatan pa kaming dalawa na nauwi rin sa mahinang tawa.
"Good morning Janelle."
"Good morning din Cy. Ang aga mo yata."
"Gusto ko kasi ako ang una mong makita sa umagang ito."
Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Ang aga-aga hah bumabanat ka na kaagad."
Iniabot ko naman sa kanya ang tinatago kong bulaklak sa likuran ko.
"Para sa'yo nga pala. I also made our breakfast."
Inamoy niya ang mga iyon saka ako ginawaran ng isang matamis na ngiti.
"Thank you. Talaga nagluto ka, wow naman. Sige nga tignan natin kung pasado ba ang cooking skills mo."
"Pinapaalalahanan lang kita mga basic lang ang alam ko pero sinigurado ko namang maayos ang pagkakaluto ko at sinamahan ko ng pagmamahal ko."
Then i wink at her that earns a chuckle.
Itinodo ko na ang effort ko at inalalayan pa siya sa pagbaba hindi naman siya tumanggi. Binati rin namin ang ilang mga kasambahay. Pinaghila ko din siya ng upuan niya.
I really want to make her happy and i really want to do things for her so i did it. I serve her food, i make her hot choco and my usual coffee. I want to treat her right which she really deserves. She didn't complain and i kinda like it. If only i can do it everyday i will but i know Janelle, she's will not really like it if i treat her like she's a very frail princess. Maybe sometimes i will do it to her again.
BINABASA MO ANG
My Secret Boss
Ficción GeneralShe was just an innocent, simple and a lovely girl living on her own. All just she wanted was to love and be loved but fate plays around her. She's left broken and no one to run to but there's this man who she randomly knew, who held her up and help...