Chapter 5

12 1 1
                                    


I saw Axel leaning against his car. He's wearing a button down navy blue polo with his white jeans. And I saw him smiled.

How did he even knew where I am right now? Nagulat ako nang nakita ko siya. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na dito ako nag-oojt. Wait, baka hindi ako ang ipinunta niya rito. Wag assuming Aki.

Nakita ko namang tumingin sa akin si Ashley, she moved her brows while grinning. Creepy.

"Akala ko ba wala kang sundo ngayon?" Bulong niya at tsaka ako kinurot sa tagiliran.

"Wala nga." Sabi ko naman sa kaniya.

"Eh bakit nandito yung kachat mo?" Nandito pa rin kami sa harapan at mayroon namang lumalabas kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad, sumunod naman bigla si Ashley. Hindi ko na pinansin si Axel dahil nga baka may hinihintay siyang iba rito.

"Hindi ko alam. Baka may hinihintay siya dito kaya tara na bago tayo-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil may humawak sa kaliwang braso ko.

"Hey, hindi mo ba ako papansinin?" Nakita kong nakahawak ang isa niyang kamay sa kaniyang batok. Tinignan ko naman yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko, bigla naman niyang binitawan nang makita niyang nakatingin ako roon.

Hindi naman ako sumagot at tumingin lang sa kaniya. Bakit ganito ang ikinikilos ko ngayon?

"Uhm Aki ano, I think I need to go, may biglaang emergency sa bahay. Sasama ka pa ba or ano?" She said it in an uncertain way. Alam kong gawa gawa lang niya na may biglaang emergency sa kanila.

"Ako na lang ang maghahatid sa kaniya." Sabi naman ni Axel ng nakangiti kay Ashley at saka naman tumingin sa akin.

"O'siya sige, mauna na ako Aki." Aniya at humalik sa pisngi ko. Tumango naman ako sa kaniya at saka na umalis.

Ngayong wala na si Ashley, ano na? Ano na? Anong nang gagawin ko? Magcocommute na lang ba ako? Or magpapahatid sa kaniya? Why am I even acting this way? Ugh.

He motioned for me to get inside his car, wala naman akong magawa kaya sumunod ako sa kaniya at pumasok na. Inayos ko naman ang seatbelt ko pero hindi ko maayos ayos. Pambihira.

"Tulungan na kita-"

"A-Ah hindi na kaya ko na ito." He looked startled at my voice dahil biglang tumaas ang tono nito. I know it's already cliché, yung tutulungan ka nung guy na ayusin yung pagkakalagay ng seatbelt mo kaya mapapalapit siya sa iyo then you'll be nervous because he's too close to you then blah blah blah.

I heard him chuckled kaya't tinignan ko siya at nakita ko kung gaano siya kagwapo sa malapitan. We never Face Time each other since we started talking, which is for like 4 days or so, but he always calls me and I keep turning him down. Don't blame me, I'm always like that. And to see him now this close is so much for me to take.

"You done?" He asked while smiling. I nodded then he started the engine and maneuvered the car to who knows where.

"Uhm, would you mind if we just open the windows? Nahihilo kasi ako kapag naka-aircon lalo na sa gabi."

"It's alright, I don't mind at all." Aniya at saka binuksan ang bintana.

"Thanks."

"So did you liked the flowers?" Aniya nang hindi tumitingin sa gawi ko. Even his side profile looks gorgeous. God, Aki stop staring.

"So ikaw pala ang may bigay nito," tinignan ko naman ang hawak kong bulaklak. Wait, how the heck?

"Wait. Paano mo nalaman yung number ko? I'm sure na ikaw rin yung nagtext sa akin kanina." I looked at him and he looked back, still having a smile.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 14, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The One That Got AwayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora