Chapter 3

9 2 0
                                    


I had a dream. I was there with a boy, I don't know him, we were at the age of 7 I think. Nakasilong siya sa isang malaking puno at umiiyak, nilapitan ko naman siya.

"Bata bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa bata na nakayuko at nakapatong ang mga kamay sa tuhod, pero hindi siya sumagot.

"You know what my dad said to my kuya when he cried?" He slowly lift his head and he shrugged.

"He said,

"Alexi, boys should not cry dahil nakakapangit ito. You'll get wrinkles kahit bata ka pa. And that goes the same for you too, Akeisha. We should always smile okay?",

Kaya wag ka ng umiyak bata, kundi papangit ka. Ano bang nangyari?" Sabi ko sa bata na unti unti nang tumitigil sa pag-iyak. Pinunasan niya yung luha niya. Umupo naman ako sa harap niya at tinignan ko siya.

"I broke one of the vases at my house accidentally," he said.

"Pinagalitan ka nila mommy and daddy mo kaya ka lumayas?" Tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya.

"Eh bakit ka umiiyak?" This kid's weird.

"I ran away because I know mommy and daddy will be mad at me and I cried because of that thought." Englishero pala itong bata.

"Of course your mommy and daddy will be mad pero they will understand naman na hindi mo sinasadya hindi ba? Bakit ka naman kase agad lumayas eh, you're a scaredy-cat you know?" Sabi ko naman sa kaniya at nakita ko siyang yumuko.

"But that's okay basta magsorry ka na lang pagbalik mo sa inyo, hinahanap ka na niyan nila. By the way, I'm Akeisha. And you are?" Sabay abot ko ng kamay ko sa kaniya at nahihiya naman niyang inabot iyon.

"Kaiden." Sabi naman niya.

"Hindi ka ba marunong magsalita ng Tagalog Kaiden? Kanina ka pa kasi nage-English eh. Mukha ka namang taga rito." Natawa naman siya, anong nakakatawa sa sinabi ko? Ang weird talaga niya. But he's cute.

"Marunong ako mag-Tagalog." Sabi niya ng nakangiti na.

"Ayun naman pala eh!" Natawa na naman siya. Napangiti naman ako sa kaniya.

"Huwag ka nang lumayas tsaka umiyak ha, I don't like boys crying 'coz they look ugly when they cry just like my kuya-" Hindi ko na natuloy dahil may bumatok sa akin.

"So you're kuya looks so ugly when crying pala ha" It's Alexi, young Alexi Hosueh. Mas gusto ko pa yung batang Alexi kaysa sa ngayon, he's irritating.

"Kuya Alexi! Well yeah it's true that you're ugly when you're crying kaya!"

"No, I'm not Aki. By the way, kanina pa kita hinahanap, did you forgot that we're playing hide and seek? And sabi ko wag lalayo masyado hindi ba? Ikaw talaga." Sabi niya.

"Oh right I forgot kuya hehe, pero nahanap mo naman na ako ehh." Napansin naman niya yung batang kasama ko.

"Are you lost?" Tanong niya, umiling naman si Kaiden.

"Kuya hatid na muna natin si Kaiden sa kanila bago tayo umuwi. He cried earlier like you but you look so much uglier than him when crying haha!" Hindi alam ni Kaiden kung matutuwa ba siyang mas pangit umiyak si Alexi or maiinis dahil he also look ugly when crying, while Alexi is already fuming mad.

Binatukan ulit ako ni Alexi pero pumayag naman siya na ihatid namin muna si Kaiden at itinuro naman niya kung saan yung bahay nila. Saglit lang ay nasa harap na kami ng bahay ni Kaiden, it's a big house. And it's not far from our house too.

"Kaiden," tawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya.

"Be sure to say sorry ah. Maiintindihan ka naman nila eh and wag ka na umiyak like kuya. Kuya Alexi's already big but he's still a crybaby." Ngumiti at tumawa na naman si Kaiden dahil nabatukan na naman ako ni kuya.

The One That Got AwayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora