Chapter 29

433 36 14
                                    

RITA'S POV


Napatingin sakin si Ken nung pasimple ko siyang kulbitin sa braso. Napansin ko kasi ang pananahimik ni Athena habang kumakain ng dinner. Nakatungo lang siya habang kumakain.

Sinenyasan ko si Ken na kausapin ang bata. Buti naman at na-gets niya yun.




"Athena, may problema ba?" tanong niya dahilan para tumunghay si Athena at umiling.




"Napagod ka ba sa school, anak?" tanong ko pero umiling lang din siya uli.






"May nangyari ba sa school kanina? Bakit ang tahimik mo ata?" tanong uli ni Ken.


"May iniisip lang po ako. Huwag po kayong mag-alala, okay lang po ako." mahinang sabi niya. "Tapos na po kong kumain. Aakyat na po ako sa taas para magpahinga." dagdag niya at tumayo na't lumapit samin ni Ken. "Good night, daddy." aniya at hinalikan ang pisngi ni Ken. "Good night, mommy." aniya at hinalikan din ang pisngi ko. "Good night Apollo." aniya bago umakyat papunta sa kwarto niya.




"Apollo, may nakwento ba ang ate mo sayo? Bakit parang ang tahimik niya bigla? " tanong ni Ken kay Apollo na busy sa pag kain.





"Wala po daddy. Pero tahimik na po talaga si ate pag-uwi niya po kanina galing school." sagot ni Apollo nung makainom siya ng tubig.


"Baka may nangyari na naman sa kaniya sa school." magkasalubong ang kilay na banggit ni Ken.




"Huwag muna tayong mag assume. Kakausapin ko siya mamaya. Baka naman masama lang ang pakiramdam." sambit ko at hinawakan ang braso niya.

"Feeling ko kasi nagka-trauma ako nung magkalagnat siya ng mataas galing school eh. Baka mamaya may nangyayari na naman sa kaniya doon." aniya. Bakas sa boses ang matinding pag-aalala sa bata.




Normal lang naman na nag-aalala siya dahil minsan nang nabully si Athena sa school. Ang nakakalungkot lang ay si Mindy pa ang gumawa nun sa kaniya. Pero ang alam ko ay okay na silang dalawa. Nakapag-sorry na daw si Mindy sa kaniya at magkaibigan na sila.





"Huwag kang mag-alala. For sure naman may magsasabi sayo kapag nalalagay na naman siya sa alanganin." sambit ko.






"Sabagay. Baka nga masama lang ang pakiramdam niya." sambit niya at tinignan ang taas.








Kaya mahal na mahal din siya nung mga bata eh, kasi ramdam na ramdam mo sa kaniya ang pagmamahal din niya sa kanila.







-------------------------



Pagpasok ko ng kwarto ni Athena ay nakahiga na siya sa kama niya. Mukhang mahimbing na ang pagkakatulog niya. Patay na ang mga ilaw at nakayakap na siya sa teddy bear niya.










Lumabas na lang ako ng kwarto niya at bumalik sa kwarto namin ni Ken.









"O, ang bilis mo naman ata, Love." sambit niya nung makita akong pumasok sa kwarto.










"Tulog na siya nung pumasok ako sa kwarto niya eh. Baka pagod lang talaga siya. Bukas ko na lang kakausapin." aniko at umupo sa kama.









Tumango naman si Ken.






"Matulog na rin tayo, Love." banggit niya kaya pumasok na rin ako sa comforter at humiga na.






My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon