Chapter 62

394 27 16
                                    

RITA'S POV






Paggising ko ay dahan-dahan akong umayos ng upo at ginalaw-galaw ang ulo ko dahil nararamdaman ko ang pangangalay no'n. Nakatulog pala ko kagabi nang hindi ko namamalayan.








Napansin kong wala dito sa kwarto si Benjie.







Saan na naman kaya pumunta ang taong yun? Malamang na hindi pa siya nakakapagpahinga ng ayos dahil sa problema namin kay Nicolette.





Nagdesisyon akong pumunta na sa cr at nag-ayos ng sarili.










Paglabas ko ng cr ay sakto namang bukas ng pinto. Pumasok si Benjie na may dala-dalang mga pagkain.









"Ma'am, buti po at gising na kayo. Bumili po ako ng pagkain para makapag-agahan muna kayo bago kayo bumalik sa hospital." mahinang banggit niya at dinala ang mga pagkain sa maliit na mesa malapit sa sofa.













Sumunod naman ako sa kaniya at umupo sa sofa.











"Nagising po si sir kaninang madaling araw. Nakita niya po kayong tulog sa higaan niya." banggit niya dahilan para tignan ko siya.











"Hayaan mo na lang na isipin niya na dinalaw ko lang siya dahil sa nangyari sa kaniya." banggit ko at umupo na. "Ikaw ba, kumain ka na?" tanong ko.














"Opo ma'am. Tapos na po ako." sambit niya.










Inilapit niya sakin ang mesa para makakain na ko, tapos ay umupo siya sa kabilang parte ng sofa at tinignan si Ken mula dito.












"Titiisin niyo pa rin po ba siya? Malamang na kayo po ang unang hahanapin niya pag gising niya mamaya." banggit niya habang nakatingin pa rin sa amo niya.













"Alam mong hindi pa ko pwedeng maging malambot sa kaniya, Benjie. Hindi pa sa ngayon." banggit ko at sumubo na nung pagkaing dala niya. Sopas iyon at mainit pa kaya kakaibang hagod sa lalamunan ang naramdaman ko nung kainin ko iyon.









"May alam na po ako sa pagkatao niya, ma'am." banggit niya at tinignan ako. "May ideya na po ako sa totoong pagkatao ng babaeng 'yon."









"Anong kinalaman niya samin?" tanong ko.


















"Tingin ko po, kailangan ko na rin nating tong banggitin kay sir, ma'am. Manganganib lang lalo ang buhay niya kung hindi siya mag-iingat sa babaeng iyon. Advance na kung advance mag-isip, pero sigurado po akong one of these days ay sisirain niya ko kay sir para malayo siya sa pagbabantay ko. At ayokong dumating sa point na pati ako hindi na pagkatiwalaan ni sir dahil sa paninira ng babaeng iyon." sambit niya. "Kaya please ma'am, sabihin na natin kay sir. Hindi na dapat maulit na malagay sa peligro ang buhay niya dahil sa babaeng iyon."












Tinignan ko si Ken bago ibinalik ang tingin sa kaniya at tumango.
















"Matagal ka ng kasama ni Ken, alam kong iniisip mo rin kung anong mas makabubuti sa kaniya kaya sige na. Pwede mong banggitin sa kaniya ang mga nalaman natin sa babaeng iyon, tutal alam mo na rin naman kung sino siya sa buhay namin."













My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon