Chapter 21

518 33 38
                                    

KEN'S POV


"Sigurado kang okay ka lang dito? Ayaw mong sumama sakin sa office?" tanong ko habang inaayos ang sleeves ng polo ko.





Ayokong iwan si Tata dito. May pasok din ang mga bata ngayon kaya wala siyang makakasama bukod sa mga maid na lagi namang may ginagawa dito sa bahay. Baka bigla siyang mabagot dito.



"Wala din naman akong gagawin dun eh. Dito na lang ako. Paghahandaan ko na lang ng pagkain sila Athena para mainit pa ang kakainin nila mamayang lunch." banggit niya kaya tumango na lang din ako.



Kung wala lang din talaga kong mahalagang meeting ngayon, magsstay na lang ako para makasama siya. Kaso kailangan ko kasi talagang pumunta ng office ngayon.


"Okay ka lang talaga dito?" paniniguro ko.



"Okay lang ako dito." nakangiting banggit niya at tumango.


"Okay. Tawagan mo ko kapag may problema ka, huh." banggit ko.




"Sige. Tatawagan kita kapag nagka-problema dito." banggit niya at nilapitan na ang mga anak namin.

Hinalikan niya sa noo ang mga bata at yumakap sa kanila. Kinuha niya ang mga baon nila para sa recess at ibinigay iyon sa kanila.

Napangiti naman ako. Maalaga talaga siya. Nakikita kong pilit siyang bumabawi sa mga bata. Mas nakikita ko nang tanggap na niya talaga na siya ang mommy nila.


Nagtaka ko nung may kinuha pa siyang isang maliit na bag at inabot iyon sakin.




"Para sayo. In case lang na magutom ka sa office." nahihiyang banggit niya kaya mas lumawak ang ngiti ko.

Kinuha ko iyon at niyakap siya.





"Thank you, Love." banggit ko at nakangiting tinignan siya. "Kakainin ko to mamaya after ng meeting ko." masayang banggit ko.




"Sige na. Ingat kayo sa byahe huh." banggit niya at lumayo na.




"Bye mommy!" banggit nung dalawa at yumakap uli sa kaniya kaya hinalikan niya uli ang mga ulo nila.





"Pakabait kayo sa school, okay?" nakangiting banggit niya kaya tumango yung dalawa at naglakad na papunta sa pinto.




"Bye Love." banggit ko at hahalikan sana siya sa pisngi pero nagulat ako nung bigla siyang tumingin sakin dahilan para maglapat ang mga labi namin.

Pareho kaming nagulat sa nangyari pero napangiti rin after nang ilang segundo.

"Bye." nahihiyang banggit niya at nag-iwas pa nang tingin.


Ngumiti ako at hinapit ang bewang niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at tinitigan ang mga mata niya.



"B-bakit?" kabadong tanong niya habang nakatingin din sakin.




Ngumiti ako at dinampian siya uli ng halik sa labi bago siya kinulong sa mga bisig ko.


"Mamimiss kita." masuyong banggit ko at mas niyakap siya.



"Ken, baka ma-late ka na." banggit niya kaya natawa ko.


"Hayaan mo na. Gusto ko pa munang mayakap ka." nakangiting banggit ko at mas niyakap pa siya. "Haaaay... Mamimiss talaga kita, Love. Parang ayoko na tuloy umalis." parang-bata kong banggit.



My Detrimental Lover 2: The Lost AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon