Prologue

22 1 0
                                    

P r o l o g u e






KUMPULAN ang mga tao sa hallway. May nakapila, may naglalakad, may tumatakbo at may tumatambay. Bawat isa ay may kanya kanyang buhay.

"Ang init!" napalingon ako sa likuran ko. Bakas sa mukha ng babae ang iritasyon, pinaypayan niya ang sarili gamit ang envelop na hawak niya. Lahat kami mayroon nito, maliban nalang kung tanga ka dahil wala ka nito. Required pa naman ito sa mga freshmen na gaya namin.

Walang usad ang pila kanina pa kami nakatayo rito. Oras oras ba naman dumarami ang mga enrollees. Maganda naman talaga ang Duke University kilala ito na isa sa mga sopistikadong paaralan dito sa lungsod ng Malabanan.

Swerte mo kung isa ka sa mga matatanggap. Lahat kami rito ay umaasa na makakapasok. Sa lipunan kasi, kung nagtapos ka sa isang kilalang unibersidad hindi ka mahihirapan na makapasok sa trabaho. I don't like the mindset but I must deal with it. No choice.

"Uuwi na lang ako, punyeta ang init." reklamo ulit ng babae sa likod ko. Hindi ba niya ang alam ang kasabihang 'patience is a virtue'. Mukhang hindi nga dahil umalis na siya sa pila.

Umabante naman 'yong mga nakapila sa likod niya. "Buti nga umalis na 'yon, nakakairita na siya." tumingin naman ako sa kaliwa at kanan ko pero wala namang tao. Ako ata kausap nito.

She's familiar, I think I saw her somewhere. Tama! batchmate kami n'ong junior high. Dito rin pala siya mag-aaral.

I smiled. "Oo nga, kaso sayang 'yong paghihintay niya, malapit na sana siya makapasok." magaan na ang loob ko sa kanya. Hindi kami close pero alam kong kilala na niya ako dahil minsan na mag-krus ang landas namin dati.

"Sa St. Joseph ka nag-aaral dati diba?" pag-kompirma niya.

"Oo ikaw din diba? Naalala kasi kita."

"Oo buti naman at may ka-batchmate na ako rito. Nursing din ba ang kukunin mong course?" nakatingin lang ako sa mukha niya at napansin kong ang ganda niya. Nakita ko na siya dati na sumasali sa beauty pageant e.

Sana all pang-beauty queen ang ganda, akin kasi gumaganda lang 'pag nakaligo.

"Oo, itong pila ata intended sa mga kukuha ng kursong nursing." umabante na ako dahil nakapasok na ang iba sa loob ng room kung saan doon kukuha ng entrance exam.

"Oo nga." she chuckled. Napansin siguro niyang masyadong obvious ang tanong niya.

"Reese nga pala." napansin ko kasing hindi pa namin kilala ang isa't isa kaya inunahan ko na. Hindi ko na nilahad ang kamay ko for shake hands dahil masyadong pormal, hindi ako gan'on.

"Autumn." she smiled again. Palagi syang nakangiti at hindi ako sanay 'cause I find it weird. Overreacting kumbaga.

Hindi ko pa naman siya kilala kaya ayoko na muna mag-conclude pero sabi nga nila, first impression really matters.

After an hour, sa wakas at nakapasok na kami sa loob. Sabay na kami na kumuha ng test at nagtulungan din kami sa sagot na hindi namin alam. Gustong gusto talaga namin mag-aral dito kaya kailangan mataas  ang score na makukuha namin. Nag-iingat lang kami para hindi kami mahuli. Cheating is not allowed, pero hindi uso sa amin 'yon.

The Unseen FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon