C h a p t e r 1
MAGANDA ang sikat ng araw ngayon, katamtaman lang ang init nito. Marami na ang mga estudyanteng pumapasok sa loob ng Duke University at isa na ako doon. Masaya ako dahil nakapasok ako sa paaralang ito.
Isa lang ang nagpasira ng mood ko ngayon. Sina Sebastian at Noah. Nakita ko silang nakaabang sa gate at nakangiting asong nakatingin sa akin.
"Anong kailangan niyo?" lumapit ako sa kanila. Hindi na ako magtataka na dito rin sila mag-aaral. Nakita ko na n'ong enrollment ang isa nilang kasama at ngayon nakita ko naman 'yong dalawa. Hindi mo mabubuwag ang grupo ng mga unggoy.
"Kailangan agad? hindi ba pwedeng nagulat muna kami kasi dito ka rin mag-aaral?" as if naman di ko alam na mang-aasar lang 'to.
"Oo nga. Ang aga aga beast mode ka agad. Ang ganda mo pa naman ngayon. Sayang ganda." pagsang-ayon ni Seb sabay akbay kay Noah.
Alam na alam ko kung paano sila mambola ng mga babae. Kaya ang daming babaeng nagkakagusto sa kanila dati dahil sa bunganga nila. Ang galing manloko. Buti 'di ako nahulog sa mga bitag nila.
"Seb?" tinapik ko ang braso nya. "Hindi mo 'ko madadala sa pa-ganyan ganyan mo. Laos kana." I smiled bitterly.
"Di ka na ba matatablan ng charms ko?" sarkastiko akong tumawa. Kahit maghubad pa siya sa harapan ko wala akong pake.
"Never gonna happen." inirapan ko sila.
"Parang wala naman tayong pinagsamahan." sumeryoso ang mukha ni Noah.
Pinagsamahan? ibinaon ko na sa limot ang sinasabi nilang pinagsamahan. Buti nga pinansin ko pa sila ngayon, supposed to be hindi na dapat.
Iniiwasan ko sila, kahit noong nasa St. Joseph palang kami.
"Hindi ko na maalala na may pinagsamahan tayo. So, please 'wag niyo na akong kausapin. Hindi tayo close." nilagpasan ko na sila at hindi na lumingon pa.
Hindi na sila nagsalita pa at hinayaan na nila akong umalis. Ano ba kailangan ko gawin para lubayan na nila ako? tss.
Nasa gitna ako ng pag-iisip nang may sumigaw. "Reese!" mukhang kilala ko na 'to.
Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Autumn na papunta sa direksyon ko. Nakapasa rin siya gaya ko kaya nandito kami ngayon sa DU. Nakipag-beso beso siya sa akin kaya nagulat ako.
Hindi ko expected na gagawin niya ito.
Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang ngisi ng dalawa. Nakatayo pa rin sila sa kung saan ko sila iniwan kanina. Alam nila na ayaw ko sa mga taong clingy o kaya sweet. Sinamaan ko agad sila ng tingin.
Napansin ata ni Autumn na may tinitingnan ako sa likuran niya kaya lumingon din siya. "Woah! Sila Noah at Seb ba 'yon?!"
"Oo sila yun." walang ganang sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad sumunod naman siya sa akin.
"I can't believe it, makakasama ko ulit sila sa iisang school?! Omo!" tiling sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi niya. "E teka, close ba kayo? Nakita ko kasing tinatawanan ka nila." ang bilis niya mag-change of mood. Gusto ko iwasan ang tanong niya pero 'di ko alam paano.
"Hindi kami close, hayaan mo na sila" pag-iiwas ko.
Mag-kaibigan pa sana kung hindi lang nangyari ang mga bagay na nangyari dati.
"Akala ko e." naniwala naman agad siya. "Anyways, kagabi hindi talaga ako makatulog dahil sobrang excited ako ngayong araw. Pinaghandaan ko pa nga kagabi ang isusuot ko ngayon pero kinaumagahan nag-iba na naman 'yong gusto ko kaya na-late ako konti. Kasi namili ulit ako." nagsimula na naman na magdadaldal si Autumn kaya hinayaan ko lang siya as usual.
BINABASA MO ANG
The Unseen Fate
RomanceReese made up her mind a long time ago that she would only marry a man who would only compromise a future with her because she's gotten involved with several losers in a row and she's taking a break - maybe a permanent one.