Chapter 1

2 0 0
                                    

Narinig ko ang malakas na tawanan galing sa labas pagkagising ko. Naririnig kong tawa iyon nina Nanang Nena at Tatang.

Bumangon na ako at nag-ayos para makalabas.

"Nako. Walang-wala iyon sa mahal kong si Nena. Noong araw parang bumabagal ang lahat pag pinagmamasdan ko iyang sumayaw! Pagkatapos ay ngingiti ng dahan-dahan sa akin? Ay nako po! Pagkaganda!" Napangiti ako nang bumanat si Tatang kay Nanang. Pagkatapos ay malakas ulit na tawanan ang sumunod.

"Magandang umaga, Farrah!" Bati ni Nanang nang makita ako.

Ngumiti ako sa kanila at nakitang hindi lang silang dalwa ang nandoon. May isa pang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Maganda umaga ho." Bati ko sa kanila.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tatang, siguro ay napansin ang mata ko.

Namaga ang mga mata ko dahil nakatulugan ko kagabi ang pag-iyak.

Matapos ang tawag ay pinag-isipan kong mabuti ang lahat. Tama bang nandito ako? Makasarili nga ba ako sa ginawa ko? Anong mangyayari pagkatapos ng isang buwan ko dito?

Kaso pag inisip ko lahat ng iyon ay masasayang lang ang isang buwan kong pananatili dito. Mababalewala lang dahil gusto kong takasan ang buhay ko doon pero dinala ko lahat ng isipin dito.

Tumango ako at ngumiti, "Opo. Medyo napuyat lang po." At tumawa ng bahagya para itago ang mga iniisip.

Naramdaman kong nakatingin ang lalaking nasa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo sya malapit sa banda ni Nanang at inaayos ang mukhang kasisibak lang na kahoy.

"Ay sya nga pala si Philippe, Farrah. Naisama pala ng mga taga-Nayon sa sayawan kagabi kaya hindi dito nakakain." Saad ni Tatang. Mukhang giliw na giliw sya kay Philippe.

Ngumiti ang lalaki sa akin. Tumayo sya bago pinagpag ang kamay at inilahad ito sa akin.

"Hi. Philippe." Pormal niyang bati.

Inabot ko iyon, "Farrah."

"Siguro ganyan ka din magpakilala sa mga babae kagabi!" Natatawa saad ni Nanang.

Bumitaw ako sa kanya samantalang napalingon naman sya kay Nanang.

"Hindi ho, Nanang. Diretso na ho sa pagyayayang sumayaw. Para ho mabilis na at makadami." At tumawa ulit silang tatlo.

Nang magsaad si Nanang na magluluto na sya ay sinamahan ko din sya sa loob. Naghanda kami ng agahan habang ang dalwang lalaki ay mukhang tinutuloy ang inaayos na kahoy.

"Mukhang mabait iyong si Philippe. Nakakatuwa at palabiro. Minsan akala mo ay seryoso pero yun pala ay nagbibiro." Nakangiting saad ni Nanang habang nakatingin sa niluluto.

Tinuloy ko ang paglalagay ng plato sa hapag.

"Gaano na ho sya katagal dito?"

"Halos kasabayan mo lang iyon eh. Nauna lang siguro ng isa o dalwang araw."

Nasa limang araw ngayon kung ganoon.

"Pero ang dami na agad kakilalang taga-rito. Kita mo nga at nayaya pa kagabi!" Natatawang pagpapatuloy nya.

Yeah, it's like he's the life-of-the-party type. 

"Mukha ho siyang masiyahin ano ho?"

Kubyertos naman ang nilalagay ko ngayon.

Tikom ang bibig na tumawa si Nanang, "Oo. Laging nakangiti, laging nagbibiro. Mukhang magaling din sa babae." at tuluyan na siyang tumawa, "kaya mag-iingat ka...kung sakaling manliligaw sya sa iyo. Mabait sya pero baka lang masyado kang madala ng mga biro nya." malumanay na sabi nya.

Wander then back to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon