Chapter 2

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung magaling lang siyang bumasa ng tao o masyado lang talaga akong madaling basahin.

Hindi na ako nagkumento sa sinabi nya hanggang sa nakarating kami ng palengke.

Iginiya nya ako sa mga suki niya na daw dito. Mukhang kilala nga sya ng bawat puntahan namin at magaling din dahil nakakatawad sya.

"Ako na sa dinner. Doon din ako kakain kina Nanang mamayang tanghalian at hapunan." Sambit nya habang naglalakad kami para pumunta sa gulayan.

Naalala ko ang hindi nya pagsipot kagabi.

"Hm. Tapos hindi ka na naman sisipot. Malulungkot na naman si Tatang." Bulong ko.

"No. In fact, I ate my lunch there yesterday. Nayaya lang kasi ako kagabi kaya ganon." Paliwanag nya.

Akala ko hindi nya narinig ang sinabi ko.

May ilan kaming nakakasalubong na kilala sya. Siguro nga ay madami na siyang nakilala dito kahit tatatlong araw pa lang.

Nang matapos kaming mamili ay umuwi na kami. Gusto niyang sumakay dahil mainit na daw at may bitbit pa kami pero napilit ko siyang maglakad.

"Gusto ko talagang maglakad. Isang buwan lang akong nandito kaya gusto ko masulit ko lahat."

Bawat segundo, bawat tanawin gusto kong sulitin.

Hindi na sya umangal. Hindi naman mabigat ang dala namin dahil pananghalian at panghapunan lang naman.

"I'm bored. Let's talk again." sabi nya nang matagalan na hindi kami nagiimikan.

Tinitingnan ko ang tanawin kaya hindi naman ako bored.

Inantay kong magtanong sya dahil alam kong magsasalita ulit sya.

"What do you do for a living?" tanong nya.

"Analyst."

Tumango sya, "Are you happy?"

"No," natagalan kong sagot.

"Yeah...that's why you're here." mabilis niyang sabi.

Tumingin ako sa kanya.

"You think you know me too well, huh?" bahagya akong tumawa at ganoon din sya.

"Ikaw? Anong ginagawa mo sa buhay mo?" tumingin ako sa kanya.

At dahil matangkad sya kaysa sa akin ay kailangan kong tumingala.

"Sinasayang." biro nya ulit kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"I'm a freelance graphic artist. Freelance kasi gusto kong mag-travel lagi. I'm still trying to find the perfect place to settle down."

Tumango ako. Wala sa itsura nya ang pagiging artist. Hindi ko alam kung bakit, malamang ay sa pananamit.

"Tapos pag nakita mo ang lugar na iyon ay talagang iiwan mo ang buhay mo sa Manila?" tanong ko nang matanto ang huling sinabi.

Agad siyang tumango, "Oo. Siguro pupunta doon minsan pero hindi na doon titira."

Namangha ako sa kanya doon. Gusto ko din sanang ganoon ang gawin pero ang dami kong responsibilidad sa syudad. Nakatali ako sa responsibilidad sa pamilya.

"Kamusta ang pamamalengke?" Tanong ni Nanang.

It's surprisingly fine. Akala ko ay magiging awkward ang pamamalengke namin pero hindi naman.

"Ang galing ko hong tumawad, Nanang." yabang ni Philippe.

"Aba'y syempre at gwapo ka! Kaya pagbibigyan ka talaga ng mga tindera doon." natatawang sabi ni Nanang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wander then back to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon