Prologue

16 2 0
                                    

PROLOGUE:

“Lyka, sumugal ka naman sakin!” halata ang pait sa boses niya habang hawak ang kamay ko na akala mo hindi na siya bibitaw.


“Dwight”, I can’t breathe.


“Ano? Sobrang hirap ba akong mahalin? Sabihin mo sakin”, I can feel the mixture of pain and love in his eyes. Sana madali lang kasi. Umiiyak na ako kasi hirap na hirap na ako. Bago ako nakipagkita sa kanya sigurado na ako sa desisiyon ko pero bakit ngayong nasa harap ko na siya, bat bigalang ang hirap na.



“Itigil na natin to, wag mo na ako ligawan. Naguguilty ako, okay? Naging kaibigan ko rin si Aly. Sobrang hirap na para sa akin ang lahat okay?”, ang hirap magkagusto sa ex ng kaibigan mo.



Sila Kyler, Kygin, Nathan pati na siguro ang buong kaklase  namin alam na. Sobrang sama ko ba?
There is a silent rule na wag mong jojowain ang ex ng kaibigan mo. Ang hirap.

“Si Aly, Si Aly na naman. Si Aly na niloloko ako ng 11 months, alam mo yan Lyka!” desperadong sabi niya.


“Kahit na! Anong iisipin nila? Na baka inagaw kita sa kanya? Ano? Sarili kong mga kaibigan sinabing itigil ko na to”, sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niyang mahigpit pa rin ang hawak sakin.


“Kahit gusto mo ako? Kahit na mahal kita? Iispin mo pa rin ang iba? Bi, Hindi sa kanila umiikot ang mundo.” Sabi niya.


“I’m sorry!”, sabi ko at kinalas ang kamay niya. Bumaba ako sa kotse niya luhaan.


I guess I’ll end this here. Ayaw kong iwan siya pero wala naman akong magagawa.  The guilt in my heart is consuming me. Hindi na ako makatulog ng maayos.

The Unforbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon