Chapter 1

21 2 0
                                    

Alam niyo ang hirap talaga kung may kaibigan kang tulak. Halos araw-araw nila akong pinupush mag boyfriend na as if that is the main problem of our society. Duh? I can live naman without having a boyfriend pero minsan I feel so insecure panget ba ako? Panget ba ugali ko?



“Oh! Sheng saan ka na naman galing? Gabi na ah”, si Sheng karoom ko yan sa dorm ko, laging nalabas, nasa galaan kasama barkada niya. Eleven na rin kasi at nakahiga na kami ni Cher nang biglang bumukas at padabog na sinara ni Sheng ang pinto. Matutulog na ako eh! Asar naman



“Pwede ba Sher, give me a break alam mo ba nag-away kami ni Asher kasi may nakita ako sa phone niya! Malaman ko lang talaga na nambabae siya, lintik siya!” lasing na sabi ni Sheng kay Sherlene isa ko pang karoom BSED ang course.



“Hiwalayan mo na nga kasi yan!” sabi ni Sher habang nag aayos ng kama para matulog na rin.


“Oh ikaw Lyka, ano ba? Mag tutwenty ka na, di ka parin mag jojowa?”, kita niyo wala akong sinasabi pero nadadamay ako. Ganyan, ganyan nila kagusto akong magboyfriend na. Si Sher kasi may bf na rin nasa kanila nga lang may work na rin. Siguro di na magbrebreak dalwang yon. Legal eh.



“Bat ka nandadamay! Nanahimik ako ditto ah! Bat may pag atake?” maangas kong sabi. Pero gusto ko lang magbiro para maging light usapan, baka iiyak nanaman si Sheng kung ano ano ba naman binabato neto pag sobrang lasing. Di naman siya gaano mapula kaya sigurado ako na kaunti lang nainom niya.


“Ano ka ba Sheng?! kaya nga Bergin ang apelyido di ba. HOY LYKA BERGIN,hahaaha. Nakakatawa talaga parents mo. Bat nga ulit yan panaglan mo?” dyan maingay rin si Cher pag usapang pambubuly.


“Si tita Lyka yung nurse na tumulog kay nanay na magpaanak sa akin kasi nasa trabaho ang tatay non! Wala namang gwapo sa paningin ko except kay Yago” sabi ko, si Yago ang pinakgwapo para sakin. Kaklase ko si Yago iisa lang kasi ang block ng Geodetic Engeneering sa school. Di naman sa sobrang seryoso pag cacrush ko sa kanya pero di niya kasi ako niloloko katulad ng iba kong kaklase.

“Si Yago? Hindi talaga kita gets, bat trip na trip mo matataba!” sabi ni Sher sakin, porket sobrang yummy ng jowa niya. Di ko trip yung mga ganong lalaki eh.

“Ayaw niyo yon fluffy?!”,kasi medyo mataba si Yaago, pero kyot naman siya eh.

“Alam mo ikaw, tigil tigilan mo na pagcrucrush mo kay Yago, loyal yon sa gf niya! Asa ka pa eh Miss Quezon yon, eh ikaw?” kita niyo na walang pagkasupport mga frennywap ko. Hindi ko na sila pinansin at kailangan ko pang maaagang gumising bukas, malapit na final exam tapos next school year 5th year na ako sana.

The Unforbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon