Chapter 1

11 0 0
                                    

Kreszta's P.O.V.

"I'm home"... Matamlay na bati ko nang makapasok ako sa bahay namin.....kahit alam kong walang sasagot sakin ganito parin ang ginagawa ko araw araw pag galing ako ng trabaho...

"Hhaayyss it's already 1am at ngayon lng ako nakauwi... hhaayysss kapagod maging doctor pero masaya naman"... Pag kausap ko sa sarili ko

"Alam niyo Ma Pa mga kuya kong gwapo... Nag eenjoy ako sa trabaho ko masaya ako at ito ang pinili kong propesiyon." Kahit Alam kong wla na ang pamilya ko lagi ko parin silang kinakausap..."Pero mas masaya Sana Kung nandito pa kayo" mapait akong ngumiti at pinunasan ang mga luha ko.... hanggang ngayon dama ko parin Ang sakit at pangungulila...

"Miss na miss ko na kayo pero wag kayong sasagot sa pakikipagusap ko ha...baka ma heart attack ako bigla... haha".... actually ganito ako lagi parang tangan kinakausap Ang sarili tpos biglang tatawa at iiyak mag isa... And yes para na akong baliw haha...

Pumasok nalng ako sa kwarto ko at naligo para makapag pahinga nadin maaga pa ako bukas at marami pang pasyenteng nag aantay sa akin.

Kinabukasan nagising ako ng 5:30... Gustohin ko mang wag bumangon eh kailan... kailangan din ako Ng mga pasyente ko.... Masyado akong dedicated sa work ko ayoko ng may mawala na buhay ng dahil sakin... Dahil sa tuwing may pasyente akong namamatay nasasaktan ako dahil alam ko din kung gaano kasakit mawalan ng mga mahal sa buhay....

Ipinagtimpla ko ang sarili ko ng kape syempre wala namang gagawa non para sa akin...maliban nlang kung multuhin ako...hehe wag naman sana...kumuha ako ng tinapay at isinawsaw ko iyon sa kape ko paulit-ulit Kong ginawa yun hanggang sa natapos ako sa agahan ko.

Kinuha ko na ang mga gmit ko at lumabas na ako ng bahay....

Kagaya ng inaasahan ko.... May bouquet of red roses na naman ako at may letter pa... Two years mula nung naging ganap na doctor ako araw-araw akong may ganito....

Ang creepy lang kasi hindi ko Alam kung kanino gling

Smile my doctor your more beautiful when you smile.... Have a nice day

                                   -your shield

At sa hindi maipaliwanag na dahilan napangiti ako kahit hindi ko naman alam kung kanino to galing.....sino ba tong shield nato?? Ayoko nalang isipin...

Inilagay ko ang roses sa vacant na vase sa loob nang sala at sinulyapan ang buong bahay kung saan ako lumaki..

Napakaraming alaala nang bahay nato Kaya hindi ko kayang iwan.

Nang mamatay ang pamilya ko sinabihan ako nang mga relatives ko na ibenta nalang ang bahay nato para ipang dag dag gastos din daw sa pag- aaral ko... Inaalok din nila akong kukupkupin pero tumangi ako at pinag- aral ang sarili...ayokong mawala ang mga natitirang alaala ng pamilya ko sa akin.

Malungkot akong umalis nang bahay...

"araw-araw ka namang malungkot"...natawa ako sa sinasabi nang isip ko

Wala nga namang araw na naramdaman kong masaya talaga ako... Masaya ako sa trabaho ko oo pero nakalimutan ko na ata kung pano maging masaya nang totoo yung sayang walang halong lungkot...

Pagkarating ko nang hospital agad akong ngumiti dahil hindi pwedeng Makita nang mga pasyente na malungkot ang doctor nila....

Nag rounds na ako kahit maaga pa para pag my emergency ay agad akong maka responde....

That one PromiseWhere stories live. Discover now