Prologue

66 11 2
                                    

Humingang malalim si Alex nang marating na nya ang naturang punong yun sa bundok na kalapit lang ng dagat. Agad nya ring sinimulan ang paghukay nang mailabas nya yung dala nyang gamit sa bag nya. Ang pag-ulan kani-kanina ang dahilan ng paglambot ng lupa na syang nagpadali ng gawain ni Alex.

Naging sanhi ng pagpatak ng mga luha nya yung pagka-alala sa mga nangyari noong huling beses syang na punta sa eksaktong lugar yun. Malinaw pa sa alaala nya kung gaano sya kasaya nang mga pagkakataong yun at kung gaano nya nagustuhan yung nangyari sa lugar nayun.

Maluha-luha nya paring ipinagpatuloy ang paghuhukay kahit na ramdam nya ang hingal at pagod. Nagkakahalo na ang luha at pawis nya pero di nya parin makapa yung kailangan nya sa kailaliman ng lupa.

Nakailang minuto pa sya sa paghuhukay at sumuko narin na napasalampak nalang sa lapag. Sukong suko na sya at nagsisigaw na ng mga hinanakit at mga mura. Napapasuntok na sya sa puno dahil sa inis at sakit na nararamdaman.

"Nagsimula na tayong sumaya, pagtapos dapat nito kakalimutan na natin lahat. Simula tayo ng bago para di na tayo malungko pa."

Mapagkakamalan na syang baliw sa pagkakataon na yun pero mabuti nalang at liblib ang lugar at walang ibang nakakarinig sakanya.

Mahina na ang loob nya at di na umaasang matagpuan pa ang noo'y ibinaon niyang gamit lupang yun. Sa kabila nito, pinilit nya paring mabuhayan ng loob at ipinagpatuloy nya muli ang paghuhukay kahit pa nagsisimula na nyang pagdudahan yung alam nyang katotohanan.

Panigurado nya sa sarili nya na mas mababaliw sya sa lungkot kung sakaling kasinungalingan lang lahat para sakanya. Tila naubusan naman na sya ng luha pero bakas parin sa mukha nya na may pinagdadaanan syang malala.

Dumidikit na yung dumi sa kamay at sa damit nya habang pawis na pawis parin syang naghuhukay. Mabuti nalang at di agad sya sumuko dahil mayamaya lang ay may naaninag syang pamilyar na kumikinang na bagay. Agad-agad nya ring dinampot yung kwintas na balot na ng lupa at dumi.

Iniangat nya sa ere yung dalawang kwintas yung na pinagbuhol kaya magkasama parin. Walang syang mapaglagyan ng tuwa nang makumpirma nyang iyon nga yung mga kwintas na binaon nila.

Alam nya parin ang dahilan kung bakit sila nagbaon ng kwintas ni AJ. Ngayon bigla nyang naisip na hindi naman sya nahihibang nung mga nakaraang araw. Pero ano namang magbabago ngayong napatunayan nya na sa sarili nya yun. Ano namang gagawin nya sa kwintas na nakuha na nya ngayon.

Naputol na yung pag-iisip-isip nya nang mapalingon sya sa pumapalakpak sa kabilang bundok na malapit lang. Nanlaki ang mata nya at tila napako sa kinatatayuan nang makita nya kung sino yung nag-ingay na yun.

Nanatili na nakatitig sa kabilang dako si Alex, habang ngiting-ngiti lang na nakatingin sakanya si AJ na tila nag-aabang lang ng gagawin niya.

Tila naging sigurado naman na si Alex sa gagawin nya pero naalala nyang nasa bag nya pa pala yung journal nya. Naupo nalang muna sya sa ilalim ng puno na 'yun at inilabas na yung journal nya na may nakasabit na ballpen sa gilid nito. Wala na syang balak pang bitbitin ang nakaraan nya kaya di na masamang sumulat ulit sya dito kahit sa huling pagkakataon.

'Is this your way of getting my heart?

As I end this note, I promise to give you all, because I love you.'

Sabay nyang binibigkas at sinusulat yung huling dalawang pangungusap ng sinulat nya. Napalingon na ulit sya kay AJ nang matapos sya.

Nakangiti parin si AJ sa kabila na ngayon ay parang inaaya na si Alex na tumawid.

As I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon