Chapter 1: "Away From Here"

28 9 1
                                    

ALEX POV

Kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay nila. Nag-aaalalang baka huli na ako para mailigtas si AJ.

Nagkandarapa pa ako sa pagpanhik sa hagdan dahil sa pagmamadali. Kung sakaling tama man ang hinala kong magpapakamatay siya at nahuli na ako ng dating, hindi ko alam kung kakayanin ko.

Sa pagbukas ko ng pintuan, agad na tumambad sa'kin ang pumapadyak sa ereng mga paa ng kaibigan ko. Kitang-kita sa itsura nya yung paghihingalo. Agad na gumapang yung kilabot at kaba sa katawan ko nung mga oras na yun.

Ang sikip sa dibdib ng eksenang nasa harap ko ngayon pero hindi na ako nag-aksaya ng kahit isang segundo at kumuha ako agad ng tungtungan upang makalas siya sa pagkakabigti.

Di ko napaghandaan ang bigat niya kaya nang naalis ko na sya ay nawalan ako ng balanse at parehas kaming bumagsak sa sahig. May ininda akong kaunting sakit dahil sa pagkabagsak at malang sya rin. Mainam pa nga at ganito lang ang inabot niya kaysa sa tuluyan siyang malagutan ng hininga.

Ilang minutong naghahabol ng hininga si AJ. Kitang-kita ko syang nahihirapan. Ilang saglit lang ay nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha nya.

Hindi ko alam kung paano ko siya magagawang pakalmahin. Awang-awa na ako sa itsura nyang nakahawak pa sa leeg nya na kinakapos ng hininga. Tumayo na lamang muna ako at inabot ko ang kamay ko sa kanya upang siya'y makatayo sa kaniyang binagsakan.

Ngunit imbis na abutin niya iyon ay nagulat nalang ako nang tinabig nya lang ang kamay ko saka bumangon mag-isa. Pagtapos nito ay tumitig sya sa akin ng masama.

"Bakit ba pumunta ka pa rito? Bakit mo pa 'ko tinulungan?!" Mayamayang niyang sigaw sa'kin nang may nanlilisik na mga mata.

Nakatingin lamang ako sa mga mata niya. Naiintindihan ko naman, kasalanan ko rin na wala akong nagawa kaya umabot siya sa puntong ganito. Baka kasalanan ko talaga dahil hindi man lang din ako gumawa ng paraan para magka-usap kami noong nakaraan.

"Pagod na pagod na ako Alex. Di mo ba nakikita!" Sabi pa nito sa pasigaw parin na tono. Bumuhos na yung mga luha sa mata nya.

"Matatapos na dapat paghihirap ko, pero dumating ka." Dagdag nya sa mababang nang tono habang mas lumala pa ang pag-iyak nya. Humahagulhol na sya habang lalo pa syang naghabol ng hininga.

Napatitig lang ako sa mukha nya. Nababakas ko yung hirap at lungkot nya pero 'di ko alam kung paano nya nasasabi ang mga bagay na iyon. Mayamaya lang nagsimula narin akong maging emosyonal dahil sa epekto sa'kin ng sinabi nya. Ganoon parin yung iniisip nya sakabila ng pagsalba ko sa kanya.

"Tapos ano? Sa iba mo naman ipapasa ang paghihirap mo? 'Di mo man lang ba ako naisip bago mo ginawa yan?" pasigaw na sabi ko sakanya habang tuluyan narin akong umiyak.

"Kaibigan mo ba talaga ako? Tang*na, tingin mo 'di ako masasaktan kapag nagpakamatay ka?" dagdag ko pa at tinapunan sya ng masamang tingin at kusang napa-kuyom anh kamao ko dahil sa galit.

Wala parin syang sinasabi at umiwas pa ng tingin. Nakakalungkot lang isipin na ilang buwan lang ako nawala at pagbalik ko ganito na nga yung nangyayari sakanya. Di ko parin maalis sa isip ko yung mga sinabi nya.

"Kung tingin mo baliwala talaga ako sayo, gawain mo ulit 'yan ngayon, sa harap ko!" mahinahon kong hamon sa kanya habang nag-aantay lang ng reaksyon nya.

Wala pa rin siyang naisagot. Sa kabila nito, tumingin sya sa'kin ng diretso at kitang-kita yung lungkot sa mata nya. Hindi naman ako seryoso sa hamon ko sakanya, di ko rin napag-isipan bago ko sabihin yun. Dala lang siguro ng sakit na naramdaman ko dahil sakabila ng tagal na naming magkaibigan, iniisip kong baliwala lang ako sa buhay nya.

As I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon