ALEX POV
"Di ko pala sinabi na kala Papa tayo pupunta?" tanong ko kay AJ habang nagmamaneho.
Umiling lang sya. Kanina pa sya parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Kanina ka pa tahimik dyan, ayos ka lang ba talaga?" tanong ko at tango lang ang sinagot nya.
"Nakita kita kagabi, umiiyak sa sulok. Kung may problema ka pa, sabihin mo lang para alam ko kung paano kita matutulungan." Mahinahong sabi ko.
"Ayos lang ako. Wag ka na masyadong mag-alala. Sinabi ko naman na lahat kagabi." Tugon nya. "Sige na, matutulog muna ako. Mahaba pa naman yung byahe."
Di ko na alam ang gagawin para sumigla man lang sya kahit konti. Paniguradong may iba pa syang nasa isip pero di nya lang masabi.
Natural lang naman sakanya yung pagiging tahimik at hindi madaldal pero pakiramdam ko iba yung inaasta nya ngayon. Di na muna ako nag-isip pa ng kung-ano at binaling ko nalang ulit ang atensyon sa pagmamaneho.
Tuluyan na ngang nakatulog si AJ sa tabi ko at maya-maya hininto ko ang sasakyan dahil sa pulang ilaw ng traffic light. Sa di kalayuan, may lalaking nakatayo lang at di tumatawid kahit pagkakataon na niya ito.
Medyo inilapit ko ang mukha ko sa direkson ko at nakumpirma kong sa direksyon din namin sya nakatingin.
Nakasuot lang sya ng parehong itim na jogging pants at hoodie. Sa paghuhugsa ko, katangkad lang din sya ni AJ. Nakayukom ang parehong kamao nya pero mukha nnamang blanko lang syang nakatingin samin.
Di ko na napagpatuloy pa yung pagkilatis sa lalaking yun nang may bumusina nang sasakyan sa likuran.
~~
"Bakit kanina pa tayo nakahinto." Tanong ng kagigising lang na si AJ sa tabi ko.
"Nagtanong na ako kanina sa mga nasa harapan natin. May nagkabanggan daw. Matatagalan pa nga na umusad ulit kasi sakop ng aksidente yung buong daanan." Pagkukwento ko matapos ay wala naman na syang tanong.
Badyang babalik ulit sya sa pagtulog nang may naisip ako.
"Tara sa labas, sound trip." Sabi ko sakanya kaya minulat nya ulit yung mga mata nya.
Kinuha ko lang yung earphone mula sa bag sa likod at tinapik na si AJ para tuluyang sumunod sa akin.
Lumabas narin sya at ginaya akong tumungtong sa harapan ng kotse, nakasandal sa salamin. Di ko na inalintana kung nadumihan man yung kotse ng mga sapatos namin dahil ngayon nalang ulit namin 'to nagawa.
Alam kong kanina pa sya wala sa sarili nya, pero alam ko ring gagaan kahit papano yung pakiramdam nya kapag napakinggan nya ulit yung paborito naming banda. Kaya ibinigay ko na sa kanya yung kabilang piraso ng earphone.
"Ayan parin pala pinapakinggan mo?" Tanong nya nang naging pamilyar sa kanta.
"Oo, wala namang bago. Ikaw ba?" tanong ko.
"Wala na akong oras para makinig pa ng banda nila eh o kahit ano pang kanta." Tugon nya.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa at kapwa naming ninamnam ang bawat lyrics ng kanta.
Na-miss ko na rin yung ganitong gawain namin. Tamang soundtrip, katuwaan. Masyado na kasi ako naging abala sa ibang bagay.
Isa rin sa mga dahilan yung banda na'to kaya naging mas magkasundo kami ni AJ. Nang nagkakilala kami noon sa lugar kung saan kami na-stranded ng bagyo, nalaman kong yung boy band rin na'to yung pinapakinggan nya kaya kinausap ko sya.
Nagpatuloy lang kami sa pagsabay sa kanta nang mayamaya may sinabi sya.
"Hanggang ngayon, sintunado ka parin." Bulas nya saka humalakhak kaya natawa naman ako ng pagak.
BINABASA MO ANG
As I See You
RomanceLahat tayo ay may kanya-kanyang rason para bumalik sa nakaraan. May mga taong itatama ang mali, babawi ng oras sa minamahal at ang iba naman ay para lang magawa ang mga bagay na di parin nagagawa. Natakot si Alex sa pag-aakalang huli na ang lahat pa...