I

131 4 0
                                    


Gym

"Heyy Xy-kae! Xy-kaeeeee! Teach me how to do that!" Pangungulit ko sa kaibigan ko. Nagpa-practice kami sa gymnasium for our group presentation in PE class. Bat ang hihirap ng pinapagawa samin? Eh minor subject lang naman to, taena pa-major amp! Pagbubulong ko sa sarili ko.

"Eli ganito lang naman yan. Step sa right then turn around then step sa left then single single double double, una sa right na paa tas repeat! Intindi???" Bigla siyang lumapit at sinabayan ako sa pagsasayaw.

Bigla naman may nag hagis sakin ng tubig at natamaan ang tiyan ko kaya bigla akong yumuko dahil sa sakit😖

Napasigaw agad si Xy-kae, "TONYYYYYYYYYYYY!"

Aha! Si Tony pala yung naghagis ng bote sakin, ang bestfriend kong demonyo na walang ibang ginawa kundi pagtripan ako. At siya lang naman ang captain ng basketball varsity team at pinakamatalino sa department namin. Hayss sana all naba-balance ang pagiging varsity player at ang studies. At siyempre, dahil sa 'almost perfect' image nito kaya hindi maiiwasang maraming babae ang nagkakagusto sakanya. Only son siya kaya't natural lang na siya ang tagapagmana ng company ng daddy niya. Pero kahit na anong pilit ng daddy at mommy niya, ayaw parin niya itong tanggapin dahil gusto ni Tony na maging doctor. Ngunit hinahayaan na muna siya ng kanyang mga magulang para makapag isip-isip.

So yun. Ang haba ng intro ko kay Tony ha. Bigla niya akong pinuntahan para dalhin sa clinic. Napaka sensitive ko at alam yan ni Tony. Habang karga ako ni Tony, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Xy-kae's P.O.V

Andito kami sa clinic, nakaupo sa gilid ng kama at naghihintay na magising si Eli. Kung tatanungin niyo ko kung sino kasama ko, walang iba kundi si Tony. Kami lang tatlo ang andito ngayon sa clinic. Iniwan na kami ng nurse kanina nang masigurong maayos ang kalagayan ni Eli.

Hays. Halos mag se-seven pm na pero di pa rin gising si Eli.

"Alam mo ba kung bakit ako nagtry-out ng basketball sa varsity?" Biglang nagtanong si Tony sakin. Napa-isip ako. Bakit nga ba?

"Bakit? Para makilala ka sa buong university? O para makahanap ka ng sexy na girlfriend?" Excited kong tanong sa kanya.

Bigla niya akong binatukan. "Hay nako Xy-kae! Walang kwenta mga pinagsasasabi mo. Pero alam mo swerte ko diyan kay Eli kasi siya lang ang nakakaintindi sakin kahit lagi ko siyang inaasar at sinasaktan HAHAHHAHA. Ang sarap lang kasi niyang pagtripan, like parang batang iiyak tas hihingi ng kapalit kaya yun, parang ang gaan sa pakiramdam na siya lagi kong kasama," sabi ni Tony. Halata naman ng lahat kung gaano ka-close sina Tony at Eli. Kapag magkasama sila, para lang silang magkapatid.

Napansin namin na may biglang tumabi sakin. Sabay kaming lumingon at nakitang si Eli pala yun HAHAHHAHA. Kyooot niyang tingnan kasi may lollipop siya sa bibig at pinagmamasdan lang kami ni Tony.

"Tara dun na tayo sa condo ko. Pa-deliver na lang tayong pagkain? Ano?" tanong ni Eli sabay balik ng lollipop sa bibig niya.

"Pass na muna ata ako kasi may meeting kami nila daddy e, sayang gusto ko pa naman mag-bar pakatapos kumain," sabi ko habang papalabas kami ng clinic. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa habang papunta sa kotse ni Tony.

"Sorry Eli. May aasikasuhin din kasi ako e. Ayy bb-btw Eli, ok-kay kana? Ma-masakit p-paba?" Pabulol bulol na tanong ni Tony kay Eli kaya't bigla siyang binigyan ng suntok sa hita ni Eli at sabay tawa ng malakas. "HAHAHHAHAHAHHAHA" and I know what that means.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwa-hiwalay na kami..

T H E M ( FRIENDS SERIES #1)Where stories live. Discover now