Chapter 1

3 0 0
                                    

REIN'S POV

Gumising ako ng maaga ngayon para simulan ang bagong yugto ng aking buhay. Excited ako na bumangon  sa kama at masayang tiningnan ang kalangitan, at mas lalo pa akong naging masaya dahil nakikiayon ngayon ang panahon.

Thankful ako kay Daddy dahil napilit nya si Mommy na ipasok na ako sa paaralan. All my life, nandito lang ako sa loob ng mansion at laging nag-aaral.

Lahat bawal gawin; bawal tumakbo, bawal magsayaw, bawal magpuyat at lalong-lalo ng bawal lumabas ng bahay maliban na lang kung pupunta sa doctor or kakain kaming buong pamilya sa labas o di naman kaya ay tungkol sa politics.

Lutang na lutang ang isip ko ng bigla namang may kumatok.

"Who's there?" I asked.

"It's me sweetie, I'm going inside. Can I?" tanong nya.

"Of course, Mommy." masayang sagot ko sa kanya.

Makikita sa mukha ni Mommy na nag-aalala sya para sa akin dahil ito ang unang beses na mawawalay ako sa kanila at tatayo na sa sarili kong mga paa.

I'm 17 years old now but they still treat me like a baby. Of course I'm their one and only baby but I am a teenager now.

"Sweetie, natatakot ako sa gusto mong mangyari.'Di na ba talaga magbabago ang isip mo? Oh di naman kaya ay ipasama ko sa'yo si Yaya Doreng para sure ako na safe ka?"sunod-sunod na tanong ni Mommy.

"Mommy, syempre hindi na po magbabago ang desisyon ko. This is my dream kaya hinding-hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para matupad ito." I replied.

"Basta, Sweetie promise me that you're going to contact us if something happens to you, or if you need anything." pagpapaalala ni Mommy.

"Yes, Mommy don't worry, I'm going to be okay." I said with a big smile in my face.

Pababa na sana kami ni Mommy sa hagdan ng hilahin nya ang braso ko, at yinakap ako ng mahigpit.

Umiiyak-iyak pa sya ngunit agad nya itong pinunasan at kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Mommy, I'm going to be okay. And if something happens to me I'll contact you immediately." sabi ko.

"Okay, okay. I'll stop crying na nga. Masisira lang ang make-up ko. Nagpaganda pa naman ako para sa'yo." Mommy said.

Dahil sa sinabi ni Mommy ay natawa si Daddy na kanina pa pala nakatingin sa amin sa ibaba ng hagdan. Natawa na rin ako dahil sa pagtawa ni Daddy at ganoon na rin si Mommy.

Matapos ang agahan ay agad akong tumakbo papunta ng pinto ngunit sumigaw si Daddy na magdahan-dahan lang daw ako.

"Sweetie, you promised me you're going to take care of yourself so better stop running. Baka mapagod ka kaagad." Mommy said with a worrying voice.

"I love you, baby." Daddy said.

"I love you too, Daddy and you, too Mommy." sabi ko habang kumakaway palayo at pumasok na ako sa kotse.

Pagkarating ko sa eskwelahan, nagmadali na ako na hanapin ang aking classroom.

Kaso nakalimutan kong dahil ang aking school map na ibinibigay sa mga bagong estudyante gaya ko. Ayoko naman na tawagan si mommy kasi baka mag-alala lang yun kaya mas minabuti ko nalang na magtanong.

My Last True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon