Chapter 3

3 0 0
                                    

REIN'S POV


Matapos ang lessons sa buong maghapon ay napagpasiyahan kong libutin ang unibersidad, para naman hindi na ako mahirapang hanapin ang mga classrooms dito. Nakiusap ako kay Leila kung pwede nya akong i-tour sa buong university para naman makapag-adjust na ako.

Habang naglalakad kami ni Leila sa hallway ay may narinig akong musika na nakakuha ng atensyon ko. Hinila ko si Leila para hanapin ang pinagmumulan ng tunog.

"Leila, bakit ba ang angas ng lalaki kanina? Sino ba sya?" tanong ko.

"Sinong lalaki? Di ko kasi nakita ang mukha kaya di ko alam kung sino."balik tanong niya.

"Oo, para kasing masyadong big deal sa kanya na nabasa yung damit nya dahil sa akin."himutok ko.

"Sino ba kasing lalaki ang tinutukoy mo?"tanong ulit ni Leila.

"Yung lalaking matangkad na brown eyes na gwapo. Yung tinitilian ng mga babae kanina sa room ng pumasok sila."paliwanag ko.

"Yiewww nagwagwapuhan ka pala sa kanya?"pangiti-ngiting tanong ni Leila habang kinikiliti ako sa tagiliran.

Dahil sa ginagawang pangingiliti ni Leila ay napatawa ako at natawa na rin sya dahil sa lakas ng tawa ko. Habang nagtatawanan kami ay di namin napansin na nasa harap na pala kami ng silid kung saan nanggagaling ang tugtog.

Binuksan ko ito at pinanood ang isang lalaking nagsasayaw sa isang mini stage. Ang galing ng lalaking sumayaw, sana ako rin ay nakakasayaw ng iba't ibang genre.

Nang makita ko ang mukha ng lalaking sumasayaw ay nagtama ang aming mata. Ang mga matang yun....hinding-hindi ko malilimutan ang kulay tsokolateng mata nya. Habang nakatingin sya sa akin ay nawala sya sa kanyang balanse dahilan para matumba sya.

"Kuya!"sigaw ni Leila.

"KUYA!?" gulat at nagtatakang tanong ko kay Leila.

"Ah oo Rein magkapatid kami at di lang basta magkapatid twins kami HAHAHA. Sorry Rein di ko nasabi agad."sabi ni Leila habang nagkakamot ng ulo.

Nakakahiya! Kapatid pala ng lalaking yun si Leila. Kung ano-ano pa man din ang sinabi ko.

Ano ba yan ang swerte ko naman ata ngayong araw na'to!

Agad naman na nag-ayos ng tayo ang kapatid ni Leila na para bang walang nangyare.

"Ba't ba kasi kayo nandito!?" he said in an irritated voice.

"Ah nililibot ko kasi kuya si Rein, gusto nya raw na malaman ang pasikot-sikot ng university."paliwanag ni Leila.

"Umuwi kana gabi na."galit na sabi ng lalaki.

"Sabay-sabay nalang tayo!"Leila suggested.

Agad naman kaming sumigaw ng lalaki ng  "HINDI!" sabay naming sagot kay Leila.

Nagkatinginan kaming dalawa ngunit agad akong nag-iwas ng tingin. Ayoko na makasabay sya, baka mamaya nyan hindi pa ako makauwi ng bahay dahil sa matatalim nyang tingin sa akin na para bang gustong-gusto akong sakmalin.

Ngunit dahil sa pangungulit ni Leila ay hindi na rin ako nakatanggi, dahil nakakahiya naman kung sa isang simpleng hiling nya ay hindi ko sya mapagbigyan, kumpara sa mga nagawang tulong nya sa akin ngayong araw.

"Hello, Mommy. Pakisabihan po si Manong Berting na wag nya na po akong sunduin."sabi ko.

"Why sweetie?" Mommy asked.

"Sabi po kasi ng new classmate ko ay sya nalang daw po ang maghahatid sa akin. Pero wag po kayong mag-alala, kasi uuwi po ako ng diretso kapag wala na po kaming ibang pupuntahan." paliwanag ko.

"Okay, sweetie. Just make sure na hindi ka mapapagod."bilin ni mommy sabay putol ng tawag sa kabilang linya.

Naglalakad na kami palabas ng school, nasa hulihan ako dahil nahihiya ako sa dalawa. Kaya para di ako ma-op sa kanila ay nilibot ko na lamang ang paningin ko sa mga iba't-ibang posters na nakasabit sa bawat punong nadaraanan namin sa garden.

Ngunit dahil nakatingin ako sa ibang direksyon ay di ko na kita ang bato at natapilok ako.

"Aray!"sigaw ko.

Napalingon ang dalawa sa akin. Agad naman akong tumayo ngunit masakit ang pagkakadapa ko kaya hindi ko kinaya na tumayo. Mabuti na lamang at nasalo ako ng kapatid ni Leila at tinulungan akong makaupo sa bench ng garden.

"Ang lampa mo kasi."galit na sabi ng lalaki.

"Kuya naman. It was an accident so please stop being harsh to Rein." pagtatanggol sa akin ni Leila.

"Sorry di kasi ako tumutingin sa dinaraanan ko."nahihiya kong sagot.

"Buti alam mo."he said.

"Can you please be nice, Kuya? Nakikita mo na ngang nasaktan na yung tao, ganyan pa attitude mo."galit na sagot ni Leila.

"Okay fine."tipid nyang sagot.

Akmang tatayo na ako ng buhatin ako ng kapatid nya. Nilagay nito ang aking kamay sa kanyang batok para hindi ako mahulog at tsaka naglakad papuntang parking lot. Umupo si Leila sa may tabi ng driver seat, ako naman ay sa likuran at syempre ang kapatid ni Leila ang magmamaneho. Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa bahay ko ay biglang nagsalita si Leila.

"Nga pala Rein, di'ba di pa kayo magkakilala ni kuya?"tanong nya sa akin.

'Ah oo kasi alam mo naman ang unang pagkikita namin di'ba medyo hidi maganda kaya di ko alam ang pangalan nya."sagot ko.

'Well. Rein this is my kuya Tyron and kuya this is Azrene Craine Montez just call Rein."nagagalak na pagpapaliwanag ni Leila sa aming dalawa.

"I know her name pero wala akong balak na kilalanin sya."seryosong sagot ni Tyron habang nagmamaneho.

"Ang sungit sungit talaga."himutok ko sabay sandal sa likuran.

Ilang sandali pa ay nakarating din kami sa bahay ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse para mauna ng bumaba ngunit nagmadaling bumaba si Tyron para tulungan ako.

"Di ka naman pala masungit eh."sabi ko

"Ngayon lang to wala ng susunod."sagot nya.

Hindi ko alam na nasa labas pala ng mansion sila mommy at daddy naghihintay at nangg nakita nila ang sitwasyon ko ay agad silang lumapit sa akin.

"What happened sweetie?"nag-aalalang tanong ni mommy.

"Mommy don't call me like that nakakahiya sa classmates ko baka isipin nila binibaby mo pa ako."sabi ko.

"Don't be shy Rein, actually its cute that your mother is calling you like that." sabi ni Leila.

"See I think, me and your classmate have the same sense of humor pagdating sa paglalambing."pagkakampi ni mommy kay Leila.

"Ano ba kasing nangyare sa'yo baby?"daddy asked.

"Natapilok po kasi ako kaya napilayan ng kaunti daddy, but don't worry kaya ko pa naman pong makapaglakad."sabi ko sabay pasikat para di sila mag-alala.

"Let me help you Rein." Tyron suggested then grab my hands and put his right hand in my right waist.

"Kanina ang sungit-sungit mo ngayon bait baitan naman?"pabulong kong sabi kay Tyron.

"Buti pa dito na kayo kumain ako ang nagluto kaya paniguradong magugustuhan ninyo."alok ni mommy kila tyron at Leila.

"Can we?"masayang tanong ni Leila.

"Of course come inside."sagot naman ni daddy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Last True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon