Chapter 2

2 0 0
                                    

TYRON'S POV


Agad na sumama ang timpla ko ng magtama ang mga mata namin ng babaeng bumundol sa akin sa hallway. Halos gusto ko syang sakalin gamit lamang ang mga tingin ko sa kanya.

I know its not a big deal pero napahiya ako kanina sa mga schoolmates kong nakakita sa nangyare sa akin. Kaya sisiguraduhin kong pagbabayaran nya ang araw na pinahiya nya ako sa sarili kong paaralan.

Maya-maya pa ay tumunog na rin ang bell kaya agad na bumalik ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Ganoon rin ang ginawa namin ngunit dahil sa kagustuhan kong makapaghiganti sa babaeng iyon, mas pinili kong maupo sa likuran para na rin mas madali ko magagawa ang balak ko.

"Hey, man. What are you looking at?" tanong ni Cervin.

"None of your business." masungit na sagot ko.

"Oh I see. It's about the girl named Rein, right?" pang-iinsulto nyang tanong sa akin.

"Yes! And that stupid little girl will pay for what happened earlier." I said with an angry voice.

Matapos ang ilang oras ay tumunog na rin ang bell hudyat para magsilabasan na ang mga estudyante. At parang isang kidlat na nawala ang mga kaklase ko sa loob ng room kaya kaming lima nalang ang natira. Ako, si Cervin, si Franco, ang kapatid ko, at si stupid girl.

Ngunit 'di ko inaasahang mayroon pa palang iba.

"Hey, Tyron." tawag ng isang babae.

"Sorry, Tiffany pero marami pa akong gagawin. So please lang, wag kang makulit." sabi ko.

"Okay, chill. I'll just wait for you until you finish your tasks. See yah." sabi nya na parang nang-aakit sabay hagis ng flying kiss, na agad ko namang iniwasan.

Tiffany Cruz, she is my ex-girlfriend, na hanggang ngayon panay pa rin ang asa na kami pa. We already broke up last year, but she still dreaming that I'm still her boyfriend.

Nang makalabas na ng room si Tiffany ay agad na nagtawanan ang mga barkada kong sina Cervin at Franco.

"Cervin, stop laughing! Walang nakakatuwa!" galit na sabi ko.

"What!?" nakatawang tanong ni Cervin.

"Di ka talaga titigil!?" pikon na tanong ko sabay batok sa ulo nya para tumigil na.

"Tara na nga lang baka bumalik pa "yun." anyaya sa amin ni Franco.

Bago ako lumabas ng classroom ay tiningnan ko muna si Rein na abala namang nag-aayos ng kanyang gamit.

Napaisip tuloy ako ng tingnan ko ang kanyang mukha. Maganda sana sya, kaso mali ang desisyon nya na sumagot sa akin kaya mananagot sya. I have to protect my reputation in my school, so kailangan nyang maghanda sa consequence ng ginawa nyang pangmamahiya sa akin.

After an hour, natapos rin ang maghapon na lessons. At bilang isang student president of this university ay hindi pa ako maaaring umuwi.

Kailangan ko pang tingnan ang mga nangyare sa buong maghapon, kung meroon na bang improvement sa bagong policy na ginawa ko. Bago pa man ako makalabas ng room ay narinig ko ang usapan nila Rein at Leila.

May balak si Rein na libutin ang buong Harvard University ngayon. Makakaganti na sana ako kaso napagtanto ko na useless ang gagawin ko sa kanya dahil wala namang makakakita so better na bukas nalang. Mas maganda siguro kung pupunta nalang ako sa dance room para maglibang.

"Guys mauna na ako." paalam ko kina Cervin at Franco.

"Where are you going, dude?"tanong ni Franco.

"Dance room." tipid kong sagot sabay alis sa room.

Habang pinapakinggan ko ang tugtog, naiisip ko na agad ang babagay na step para rito.

Kaya habang tumutugtog ay sinasabayan ko na ito ng naiisip kong step. Para kasi sa akin nakakalimutan ko lahat ng problema't sama ng loob ko kapag sumasayaw na ako.

Pakiramdam ko isa akong punong sumasabay sa ihip ng hangin,habang sumasayaw at pinapakinggan ang mga huni ng mga ibon, na nagsisilbing tugtog ko. I know medyo awkward isipin na lalaki ako pero mahilig akong sumayaw pero wala, eh. This is my passion, and I love it.

Maya-maya pa ay may narinig akong tumatawa mula sa labas ng pinto ngunit ipinagsawalang bahala ko na ito at mas itinuon ang aking atensyon sa pagsasayaw.

Nang umikot ako para gawin ang spinning step ay nakita ko si Rein na manghang-manghang nanonood sa may pinto. Para bang nag slow motion lahat ng nangyayari, at pati paggalaw ko ay nagslowmo rin. At dahil sa tingin na iyon ay nawala ako sa balanse at tumumba sa sahig. Agad agad namang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"Kuya!" narinig kong sigaw ni Leila sa pinto.

"KUYA!?" gulat na gulat na tanong ni Rein.

"Ah, oo Rein magkapatid kami at di lang basta magkapatid twins kami HAHAHA. Sorry Rein di ko nasabi agad."Leila said while scratching her hair.

Agad naman akong tumayo dahil baka isipin ni Rein na lalampa lampa akong lalaki. Inayos ko ang aking damit at tumayo ng para bang walang nangyare.

"Ayos ka lang ba?"tanong ni Leila.
"Oo naman."mayabang kong sagot para 'di makahalata ang dalawa."Ba't ba kasi kayo nandito?"iritang tanong ko kay Leila.
"Ah nililibot ko kasi kuya si Rein gusto nya raw na malaman ang pasikot-sikot ng university."sagot ng kapatid ko.
"Umuwi kana nga gabi na ah."utos ko.
"Sabay-sabay nalang tayo!"suhestiyon ni Leila.
"HINDI" sabay na sigaw naming dalawa ni Rein.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rein dahil sa sagot naming dalawa.

Dahil alam namin pareho na ayaw naming makasama ang isa't-isa. Tsaka isa pa mayaman naman sya kaya sure ako na may driver sila. Paano ko nalaman na mayaman sila?

Simple, ang Harvard University ay isang mamahaling eskwelahan na hindi basta-basta makakayang bayaran ng mga mayaman lang. Kaya nakasisigurado ako na mayaman talaga sya.

Ngunit dahil sa pamimilit ng kapatid ko ay napilitan na lang si Rein na sumabay sa amin.

My Last True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon