CHAPTER 1: 3 A.M (ROOM 2)

152 35 9
                                    

Hello WONDERreaders!
First time kung magsulat dito sa Wattpad. Please let us support each other. Sana ay bigyan nyo ng chance.

Thankies in advance..hehe

___   ___

Pls. NOTE:

*Pasensya kung medyo magulo ang pagkakasunod-sunod ng mga kwento ko dito, kapag kasi may naaalala ako ay sinusulat ko nalang kaagad. 

FYI:

Chapter 1-4 (College Days)

Chapter 5 (Elementary Days)

Chapter 6-9 (Working Days)

Cavite Encounters (Before College Days)

*Lahat ng kwentong nakapaloob dito ay hango sa mga totoong karanasan ng may akda. Kung meron mang pagkakapareho sa inyong mga pangalan, lugar at pangyayare ay nagkataon lamang.

*Para mapangalagaan ang mga pagkakakilanlan ng mga taong nakapaloob sa kwentong ito ay ninais ko pong ibahin ang kanilang mga pangalan.

*Hangad ko po ang inyong pag-unawa. Fell free to chat me anytime. ❤️

___ ENJOY and be THRILLED ___

Bago po ang lahat, kilalanin po muna natin ang mga taong napapabilang sa kwento:

1. Apple - Me, Myself and I

2. Tito Noy - Landlord

3. Tita tere - Landlady at pinsan ni Mama

4. Cara - Anak na panganay nila tita tere at tito noy, second cousin ko

5. Lito - Anak na pangalawa nila tita tere at tito noy, second cousin ko

6. Bebe - Bunsong anak nila tita tere at tito noy, second cousin ko

7. Rey - dating estudyante ni tita tere at ngayon ay tumutulong sa bahay

8. Inday - katulong sa bahay nila tita tere

9. Bro - kapatid ni tito noy at kaklase ko

10. Sampo pang mga boarders

Sana po ay mag enjoy kayo :) :)

___ ___

Ito ay nangyari noong college ako at sa pinakaunang boarding house ko.

Dahil sa malayo ang bahay namin sa kung saan ako nag-aaral, kailangan ko pang maghanap ng boarding house na malapit sa School. Hindi naman ako nahirapang makahanap dahil ang pinsan ni Mama na si tita tere ay mayroong boarding house na walking distance lang. Dahil sa malapit na kamag-anak, walang atubiling pumayag ang pamilya ko na doon na ako mag-board. Labing siyam kaming lahat ang nakatira sa boarding house.

Malaki ang boarding house, may limang kwarto sa unang palapag at dalawang kwarto naman sa itaas. Kung titingnan ito sa labas ay agaw pansin talaga ito. Tiyak na matatakot ka at mahihiwagahan dahil sa medyo matagal na itong ginawa ngunit wala manlang itong kapintu-pintura. Malaki ang bahay ngunit malungkot ang awra nito. Meron itong malapad na bakuran at gate kaya sigurado naman ang safety ng bawat boarders. Mayroon itong poso sa bakuran at maliit na banyo na sadyang ginawa para sa mga gustong maligo sa labas. Sa likod ng boarding house ay mayroong malaking puno ng balete na nakatapat naman sa likod ng paaralan ng high school.

(Room 2) Unang paramdam

Ang room 2 ay nasa gilid ng hagdan na paakyat sa pangalawang palapag. Mayroon itong dalawang double deck na magkaharap. Ang roommates ko ay sina Cara at Lito (nasa kabilang double deck) at si Inday (nasa ibaba ko). 

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon