Chapter 1: ★Meet The Hearttrob King★

69 3 0
                                    

[Kim's Pov]

"Uuyy Kim!! Halika sa labas!" sigaw sa akin ni Mae

"Mamaya na lang nagbabasa pa ako sa report ko" sagot ko naman

"Ikaw naman, masyado kang seryoso sa buhay. Tatanda ka niyan ng maaga. Alam ko na ikaw na ang top 1 pero bigyan mo naman ng pagkakataon na lumigaya ka sa ibang bagay hindi puro libro ang kausap mo" diin sa akin Mae

Palibhasa siya lang naman ang bhestie ko na makulit at puro mga kadaldalan at kachismisan ang alam.

[A/N: And also si Kim ang top 1 ng school nila]

Lintek na author na to! Naunahan pa ako sa pagsabi na ako ang top 1.

"Uuyy ano?!" kulit sa akin ni Mae

"Ano naman ba ang gagawin natin sa labas ha?" tanong ko sa kanya

"May hot guy kasi dun. Ano nga bang pangalan? Miles ata yung first name niya"

"Hay naku! Wala akong pakialam sa mga hot guy na yun. Gwapo man o hindi. Bastat mahalaga sa akin ang pag-aaral ko" sagot ko naman sa kanya. Sana naman ay huwag niya na akong kulitin

"Ikaw naman! Napaka OA mo!! MNCSB ka talaga!"

"MNCSB? Ano yun?" tanong ko

"Ay! Ang slow mo naman te! Edi Ms. No Crush Since Birth!!"

"Wala talaga akong gana. Kayo na lang ni Macy ang tumingin. Puntahan niyo na lang ako dito pag may gn."

"Sige. Di na kita kukulitin. Sayang! Di mo makikita yung hot guy dun sa labas. Gue, bye! Una na ako sa labas. Sumunod ka kung gusto mo ah!"

"Sige!" sagot ko naman

Hay talaga naman yung si Mae. Kapag may hot guy ang bilis bilis. Pareho sila ni Macy. Well si Macy ay hindi totoong babae. Katawan niya ay lalaki pero pusong babae. I mean is bakla si Macy. Sshh!! Wag niyo kong susumbong ha?

Ako lang mag-isa ang nasa room. Halos yata sila ay nasa labas at nagpapa-authograph dun daw sa Miles na yun. Uhh!! Pake ko ba doon. Kahit sino namang lalaki ay pare-pareho lang naman ang ugali. Totoo naman ang sinabi sa akin ni Mae na MNCSB ako dahil di pa talaga ako nagka-crush kahit 1% lang.

May narinig akong boses and I think kay Macy iyon. Nakita ko na lang siya na papatakbo sa akin.

"Uh? Bakit ka naman nandito?" tanong ko

"Kase si Mae tinulak nung hot guy"

"Ano?! E bakit naman?!

"Nagpapa-authograph kasi si Mae kay Miles tapos bigla na lang tinulak ni Miles si Mae at sinigawan niyang bobita si Mae" paliwanag sa akin ni Macy

"At sino naman siya para sigawan niya ng bobita si Mae?!" naiinis kong tanong

"Mabuti pa ay sundan mo si Mae at ipagtanggol siya dun kay Miles"

"Talagang ipagtatanggol ko si Mae kahit kanino. Matanda o bata man, babae o lalaki pa man. Teka ano nga ba ang full name nung Miles na yun?

"Miles Clifford Robinwood"

"Ang panget naman ng name niya!!" panliliit ko sa name nung Miles nayun. Humanda lang siya pag-nakaharap ko na yung taong yun.

Sinamahan ako ni Macy sa labas. Abay! Ang daming tao! Ganito ba kasikat yung Miles nayun at ang dami nyang fans?! Makaharap na nga siya! Sumingit ako sa mga tao

"Excuse me lang po ha. May dapat akong asikasuhin"

Ni wala man lang nakinig sa akin sa pag-e-excuse ko. Makasigaw nga.

"Miles Clifford Robinwood!!' sigaw ko

Lahat ng mga fans niya ay tumingin sa akin at pati na rin siya. Sa wakas ay nabigyan na ako ng way papunta dun sa hinayupak na lalaking yun! May naririnig akong sabi-sabi habang naglalakad.

"Uy. Diba siya si Ms. No Crush Since Birth??"

"Aba! Baka lalandiin niya si Miles!"

Naiinis ako sa pinagsasabi nila. Abay! Sinabihan pa naman ako ng lalandiin ko si Miles! In their dreams!! Kapag natapos ko na si Miles ay susunod ko sila papunta sa impyerno. Sorry God! Sa wakas, nasa harap ko na si Miles.

"Oh, magpapa-authograph ka ba sa akin??" tanong niya na parang nanlalait

"Hoy! Ang kapal din ng mukha mo! Huwag mo akong igagaya sa mga fans mong mukhang gorilya! At bakit naman ako magpapa-authograph e ang pangit ng signature mo! Kasing panget ng mukha mo!" dire-diretso ko lang sinabi yon.

"Aba! Ang taray mo pala! Kaya mo ba ako ha?!

"Oo naman! Kahit babae pa ako, mas mabangis pa ako sa leon kung magalit!" inis na sigaw ko sa kanya

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin ha?" tanong niya

"Ay nagtanong ka pa! Malaki ang galit ko sayo dahil sa ginawa mo dun sa babaeng yon!" at tinuro ko kung nasaan ang direksyon ni Mae

"Ah, dahil ba don sa babaeng yon? Well wala naman ako pake"

"Aba! Ang yabang mo rin ha! Di porket sikat ka ay pwede mo ng ipagtabuyan ang mga tao sa paligid" dahil sa sinabi ko ay hindi siya nakasagot

"Buuuuuu Miles!!!' Magpapatalo ka ba sa babaeng yan?!! panlalait sa kanya ng kanyang kasamahan

Walang anu-ano ay lumapit siya sa akin. Akmang hahatakin niya ako palapit sa kanya pero agad akong nakaiwas. Yan tuloy nasubsob yung mukga niya! Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga fans niya. Isang sikat, nasubsob! Hahaha! Di ko pala napansin ang paglapit niya at nahawakan niya ako sa braso ko ng pagkahigpit-higpit.

"Aray ko po!! Bitawan mo nga ako kung ayaw mong masaktan!! " banta ko sa kanya

"At ano naman ang gagawin mo?" tanong niya sa akin

"Edi sisipain yung ano mo!!" sigaw ko sa kanya at sinipa ko siya ng pagkalakas lakas

"BBBBLLLLAAAGGGGGGGHHHHHH!!!!!!!!!"

Tumakbo ako at hinatak ko na sila Mae at Macy. Habang di pa kami nakakalayo ay binusit ko muna si Miles.

"Blehh Miles! Wala ka palang kaya sa akin! Bebebebebe!!' panlalait ko sa kanya

Nagpalakpakan naman ang mga fans niya. Parang sine lang. Ang daming nanonood. Sisikat na ata ako ngayon ha! Hindi pa man ay narinig ko ang boses ni Miles

"Hoy babae ka! Magkikita pa tayo! Sa susunod, babayarin mo ang lahat ng ginawa mo sa akin! Maghihiganti ako sayo!!" Sigaw niya sa akin

Hindi na ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na kami ni Mae at Macy sa paglalakad papunta sa room.

-----

Ano kaya ang gagawing paghihiganti ni Miles kay Kim? Abangan sa susunod na chapter!

Kakalat ba ang scene nila Miles and Kim sa internet?

Magkakaayos ba sila?

VOTE

COMMENT

SHARE

AND

FOLLOW ME

Love ya all!!

Ms. No Crush Since Birth Meets The Hearttrob KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon