Chapter 7: ★Meet My Brothers★

31 2 0
                                    

[Kim's Pov]

Wala akong ganang kumain ngayon ng dinner. Di pa rin ako maka-get over sa ginawa ko kanina. Bakit ba nasabi ko sa kanya na gift ko sa kanya yun? Akalain pa ng iba kong chismosang schoolmates ay magiging mahina akk dahil lang sa kanya. No way! Hindi ko ipapahiya ang pangalan ng pamilya ko. Lalaban ako sa aking nararamdaman.

"Uy bunso. Bakit di ka pa kumakain? Patapos na kamj ng kuya mo" tanong sa akin ni kuya Kenji

"Namimiss ko na kasi sila mommy and daddy" pagsisinungaling ko. Actually namiss ko na rin sila mom and dad pero gumugulo pa rin sa isipan ko kung ano lang ang reaction niya.

"Siguro may lovelife problem na pinagdadaanan" sabi ni kuya Klliford na parang nang-aasar pa. Well di ko pa pala nakwento ang mga kuya kong gwapo. Siyempre may lahi kaming gwapo at maganda.

Half Korean and half Filipino si daddy. Si mommy naman pure American pero bihasa na talaga siya sa pananagalog. Pinanganak ako sa Canada pero lumaki ako dito sa Pilipinas. Tagalog language ang nakasanayan ko dahil siyempre dito ako lumaki at sinanay nila ako sa tagalog. Siyempre hindi naman ako bobo para hindi makapagsalita ng ibang language. Bihasa rin ako sa pag-english language. English nga diba ang favorite kong subject eh. Baka naman mana lang talaga ako kay mommy.

[A/N: Diba sabi mo tungkol sa mga kuya mong gwapo ang kwento? Anyare?]

Eto naman si Ms. Author, namiss ko lang sila mom and dad. Nag-out of country kasi sila for 3 months and hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung kailan sila babalik.

Naalala nyo pa naman ang mga kuya ko sa Chapter 5 diba?

Etong si kuya Ken, siya ang pinakapanganay sa amin. 34 years old na siya at meron na siyang aswang este asawa pala. Nakatira sila ngayon sa Canada kung saan ako isinilang. Hindi yan playboy ha! Nagpakasal siya kay ate Sheena last year.

Si kuya Kenji, 24 years old. Eto yung kuya kong malapit sa akin. Siya ang nagsisilbi kong comforter sa tuwing may kailangan or problema ako. Virgin pa siya ah! At tulad ni kuya Ken, si kuya Kenji ay hindi playboy. Model pala siya sa.... Ay!! Ewan! Nakalimutan ko na pero nabanggit na sa akin yun ni kuya Kenji.

At last! Si kuya Klliford. Siya ang joker namin. Hindi lang siya mahilig mapatawa ng mg jokes kundi mahilig rin yang mang-asar lalo na kapag ang target ay ako. Trabaho nya? Ewan ko? Hindi naman niya sinasabi sa akin. Kung matino si kuya Ken at kuya Kenji. Ibahin nyo si kuya Klliford. Napakatino niya kaya siya lagi ang bida sa KaBaLiGtArAn!! Ewan ko nga ba na may kuya ako na ganito.

Parang mas batang-isip pa siya kesa sa akin. 18 yrs old ako at si kuya Klliford naman ay 20 yrs. Natapos na rin kaming kumain at ang sama!! Ako pa talaga ang inutusan nila sa paghugas ng pinggan buti na lang ay nandyan si nanny Moli na maid namin almost 20 yrs na daw kwento sa akin ni mommy nung 5 yrs old ako.

Tinulungan ko na rin si Moli sa paghugas. Kawawa naman eh. Eto naman kasing mga kuya ko ang tamad tamad. Nang matapos na kami ay pinagpahinga ko na si Moli.

Pumunta ako sa living room at nakita ko na nanonood sila ng T.V. At ang nakakatawa pa ay Doraemon ang pinapanood nila. Ang iisip bata talaga ng mga kuya ko.

"Mature na kayo diba? Bakit Doraemon ang pinapanood nyo?" pang-aasar na tanong ko sa kanila

"Bakit? Ikaw naman hanggang ngayon favorite mo din si Doraemon diba?" asar na sabi sa akin ni kuya Klliford na walang magawa

"Oh tama nayan! Baka magkaroon pa ng sabong dito" tigil sa amin ni kuya Kenji

"Manok ba ang akala mo sa akin ha kuya? Sa ganda kong taglay ay manok ang kamukha ko. Ang sama lang!!" inis na sabi ko kay kuya Kenji

"Hindi naman kita sinasabihan na kamukha mo ang manok. Ibig sabihin ng "sabong" ay gulo o away" mahinhin na paliwanag sa akin ni kuya Kenji

"Hay nakoww! Kamukha talaga ni Kim ang manok! Wag mo ng i-deny pa Kenji" pang-aasar ni kuya Klliford na may patawa-tawa pang nalalaman

"Uuyy! Ikaw Klliford!" galit na sigaw ni kuya Kenji sa kanya

"Umm...Yes?" confident na tanong ni kuya Klliford

"Diba sabi ko sayo na kuya Kenji ang itawag mo sa akin. Nawawala na ang GMRC mo"

"Ah oo nga pala kuya Kenji, sorry po!" paglalambing ni kuya Klliford kay kuya Kenji

At nagsimula kaming magharutan. Tumatakbo lang kami paikot-ikot dito sa living room. Naglalaro kami ng habul-habulan. Parang mga bata lang eh no at ang taya ay si kuya Klliford. Hanggang sa makarinig kami ng doorbell. Sino kaya yun? Gabi na ahhh..

Ms. No Crush Since Birth Meets The Hearttrob KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon