Chapter 6: ★The Doodle Gift★

35 2 0
                                    

[Kim's Pov]

Huh? Nakatulog pala ako ng isang oras. Makapag-facebook nga para hindi ako na-o-OP dito. Binuksan ko ang account ko. 1 request friend.

"Ummm?...Sino kaya tong nag-add sa akin? Matingnan nga"

Tiningnan ko ang nag-add and nagulat na lang ako na si Miles yun

MILES CLIFFORD ROBINWOOD add you as a friend

Confirm or Not Now

Ico-confirm ko ba siya? Ano ang dapat kong gawin?

Arghhh!!! Nag log-out na lang ako. Nawalan ako ng gana na maglaro ng Fashion Designer and Coco Girl sa facebook

[A/N: Yung FD and CG kasi ang madalas kong laruin sa fb]

Kinuha ko ang English notebook ko at nag-doodle ako sa likod nito. Di ko namalayan na yung dinu-doodle ko ay yung pangalan ni Miles and Clifford pa ang na-doodle ko.

Bakit ko naman naisipan na idoodle ang pangalan niya? Ang ganda na sana ng mga designs pero yung pangalan maganda rin ang pagkaka-lettering kaso lang ang name yung problema.

Bwiset! Bakit ko ba na-doodle ang name nya? Ah, baka stress lang to. Itutulog ko na nga. Ang baliw ko rin no? Kakagising ko pa lang tapos matutulog ulit.

*****

"Ahhhhhh!!!!" napasigaw ako dahil sa panaginip ko. Napanaginipan ko si Miles. Ayaw nya talaga akong tigilan eh no?! Una, sa fb tapos sa dream ko at pagkatapos ano na naman kaya?!

Mabuti pa ay i-accept ko na sya para tigilan nya na ako sa panaginip ko. Tama! Binuksan ko ulit ang fb ko and cinonfirm ko na si Miles. Baka tumigil na sya sa panaginip ko. Pagkatapos ay nag log out na ako.

*****

[Renz's Pov]

Nagbukas ako ng fb account at balak ko sanang i-add si Kim.

Search

Search

Search...

Ah! Nakita ko na.. Kung titingnan mo ang profile pic nya ay parang artista. Ang ganda nya sobra. Kahit pumikit ako ay natitinag ko pa rin ang mukha niya.

Inadd ko na nga siya at nakita ko na friend nya na pala si Miles. Huh? Ganun ba? Palaging second to the first ako kay Kim. Nauuna palagi si Miles. Nakakaasar naman! Una niyang nakilala si Miles at una rin niyang naging friend sa fb.

Tapos ako, pangalawa lang parati pero hindi pa rin ako susuko sayo Kim. Ipapamukha ko sayo na ako ang karapat-dapat na lalaki para sayo. Kung sinasabi nila na ikaw ang kinikilalang MNCSB, pwes papalitan ko yun. Mapapaibig din kita balang araw Kim..

*****

[Kim's Pov]

Naku! Late na pala ako! OA? Late lang akong nagising. Dali-dali kong ginawa ang daily routine ko except sa kumain. Wala na kasi akong time eh. Agad akong tumungo sa Shinsuho University.

Pagkapasok ko sa room ay hindi pa naman totally na nagsisimula ang class. Wala pa naman pala ang adviser namin. Sana ay kumain muna ako pero hindi pa naman nag-i-start na kumukulog ang tiyan ko.

Nilabas ko muna ang English notebook ko para mag-review. Pero imbes na mag-review ay tinitingnan ko ang aking doodle. Mahilig kasi ako sa mga arts. Hindi ko pala napansin na may tumingin dun sa doodle ko at agad ko namang sinara yon. Mahirap na baka makita pa ang name na Clifford.

Ms. No Crush Since Birth Meets The Hearttrob KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon