02 | Raven's Pursuit

599 29 21
                                    





Napangiti si Raven nang makita ang pamilyar na dalagang nakayukong naglalakad patungo sa direksyon ng tulay. Mula sa pagkakaupo sa barandilya ay tumalon siya at nakapamulsang naghintay doon sa gitna hanggang sa tuluyang makalapit ang kanina pa niya inaabangan.

  Nang mapansin ang presensya niya ay nag-angat ng tingin ang dalaga. Ang malumbay nitong anyo ay dagyat na napalitan ng inis. Her hazelbrown eyes slanted.

  And he smiled secretly. Ramdam niya ang init ng ulo nito sa kaniya.

  Subalit walang salitang namutawi sa bibig ng dalaga. Umirap lang ito, itinuloy ang paglalakad, saka nilampasan siya.

  He turned to her and followed. "Would you mind if I walk with y—"

  "Yes, kaya lubayan mo ako."

  Napangisi siya at itinuloy ang pagsunod dito. "I know a place that serves delicious breakfast—" Nahinto siya nang bigla itong humarap at tinapunan siya ng masamang tingin.

  "H'wag mo akong sundan, h'wag mo akong kaibiganin, at h'wag na h'wag mo akong kakausapin. Hindi ako nakikipag-usap sa kani-kanino lang—"

  "My name is Raven Worthwench, but you can call me 'Rave'," aniya na ikina-salubong ng mga kilay nito. Doon ay muli siyang napa-ngisi. "There, hindi na ako 'kung sino lang' ngayon sa'yo."

  Tumaas ang isang sulok ng labi nito sa mapang-insultong paraan. And that's when he noticed how luscious those full lips were.

  "Wala akong pakealam kung sino ka. Lubayan mo ako at h'wag susundan. Gusto kong maglakad nang tahimik hanggang sa eskwela," mataray nitong tugon sa kaniya bago itinuloy ang paglalakad.

  "You are feisty," he commented while grinning from ear to ear. "And I like that, Gaznielle."

  Para itong sasakyang biglang nag-preno nang marinig ang pagbanggit niya sa pangalan nito. Lalo lang lumapad ang pagkakangisi niya. At nang humarap ito na magkasalubong ang mga kilay ay mabilis din niyang inalis ang ngisi sa mga labi.

  "How did you..." she paused and surveyed him from his head to the tip of his boots.

  Sa araw na iyon, dahil Biyernes, ay hindi siya nakasuot ng uniporme niya. He wore a black poloshirt, and faded blue jeans. Sa paa niya ay ang itim na leather work boots, at dahil naka-bukas ang lahat ng butones sa polo niya ay lumantad dito ang puting sando niya sa loob. Pero sigurado siyang hindi ang porma niya ang nagpatigil dito—kung hindi ang tattoo na nasa dibdib at mga braso niya.

  He first got a tattoo when he was eighteen, noong minsang nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia. Pagkatapos noon, halos kada tatlong buwan ay nagpapadagdag siya. And he did that not because he wanted to look cool, he just loved the artistry. Lahat ng tattoo sa dibdib at mga braso niya ay may kahulugan, hindi niya iyon ipinalagay nang wala lang. 

  Nang unang malaman ng mama niya pagkakaroon niya ng tattoo ay inatake ito ng hika, kaya hindi rin niya masisi ang dalaga kung magulantang ito. Walang siyang ka-edad niya sa lugar na iyon ay may tattoo sa katawan.

  Kaya naman nang makita niya ang pag-ngiwi ng dalaga habang nakatitig sa mga naka-imprenta sa katawan niya'y lihim siyang napa-ngiti. Disgust was all over her beautiful face.

  "Adik ka ba?" she asked in a voice full of judgment.

  Napakurap siya. Ano raw?

  "Tingin ko, high ka lang noong isang araw kaya ka nag-ala King of the World d'yan sa tulay. Pero magkaganoon man, h'wag mong sirain at sayangin ang buhay mo sa droga." Umirap ito saka tumalikod at itinuloy ang paglalakad.

The Alexandros Series : MY GAZENCHELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon