03 | One Step Closer

503 21 8
                                    




"Hi Rave! May hinihintay ka ba rito?"

Mula sa pagkakasandal sa barandilya ng tulay ay napalingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon sa bandang kaliwa niya.

It was Jodi, anak ng isang mayamang negosyante sa bayan ng San Guillermo. Nakangiti ito habang itinutuloy ang paglalakad, bitbit nito sa balikat ang isang mamahaling brand ng shoulder bag. Nasa unang taon na ito sa kolehiyo sa kursong accounting at tulad niya'y doon din sa pribadong kolehiyo ng bayan pumapasok.

Nagpakawala siya ng huwad na ngiti. Jodi was one of the women in that town who enjoyed hook-ups. Wala rin itong interes sa seryosong relasyon, kaya mas mainam sa kaniya.

"Yes, may hinihintay ako," sagot niya rito nang tuluyan na itong nakalapit at huminto sa harapan niya. "Nakapagtatakang makita kang naglalakad. Hindi ba ay hinahatid ka lagi ng Papa mo sa school?"

"Not this time. May dadaanan akong kaibigan sa bayan, at may maagang lakad si Papa. Sino ang hinihintay mo?"

"A new friend," he answered nonchalantly.

Nanunuksong tinitigan siya nito. "Is it a woman?"

He grinned. "Maybe?"

Tumawa ito at banayad siyang hinampas sa balikat. "Oh Rave, you are such a playboy."

No, I'm not.

"Sinabi ko naman sa'yo na hindi mo kailangang magpalipat-lipat ng babae. You know my number and I can be at your service anytime you want. Wala pang sabit." Nilaru-laro nito ang kwelyo ng suot niyang poloshirt sabay pakawala ng nanunuksong ngiti.

Akma siyang sasagot upang sabihing hindi naman ganoon ang intensyon niya sa taong hinihintay niya nang may marinig na malakas na tikhim na sabay nilang ikina-lingon ni Jodi.

At doon ay nakita niya ang blangkong anyo ni Gaznielle, nakahinto sa hindi kalayuan, ang mga braso ay maka-krus sa harap ng dibdib nito, ang bag ay sukbit sa isang balikat, habang ang mga mata'y palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Sandali lang siyang nabigla nang makita itong nakatayo roon. Nang makabawi ay umalis siya sa pagkakasandal sa barandilya at humarap dito. Kaagad niyang nakalimutang naroon si Jodi.

"Hey, Gaznielle. Good morning."

Subalit inikutan lang siya nito ng mga mata at itinuloy na ang paglalakad. Nilampasan siya nito at sandaling nahinto sa harap ni Jodi na nagsalubong ang mga kilay, bago itinuloy muli ang paglalakad.

"Sino 'yon?" tanong ni Jodi na sinundan ng tingin si Gaznielle.

Hindi na siya sumagot pa at sumunod na sa dalagang mabilis na naglakad nang makalampas sa kanilang dalawa ni Jodi.

"Hey!" si Jodi na naiwan. "Call me sometime!"

Sinagot lang niya ito ng pagkuway bago itinuloy ang pagsunod kay Gaznielle.

Sa loob ng mahabang sandali ay nahimik lang siyang nakasunod sa likuran ng dalaga, keeping that two-meter distance between them.

Alam niyang ramdam nitong nasa likuran lang siya, kaya naman tuluy-tuloy lang ang mabilis nitong paglalakad.

Hanggang sa matanaw na nila ang gate ng highschool na pinapasukan nito.

Doon ay bigla itong huminto at hinarap siya— dahilan upang napa-preno siya.

"Hindi ba magagalit 'yong syota mo sa pagsunud-sunod mong ito sa akin?" tanong nito habang ang anyo ay nanatiling walang emosyon.

"Syota? Si Jodi?" Umiling siya. "She's just a friend."

The Alexandros Series : MY GAZENCHELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon