PROLOGUE

4 1 0
                                    

" Hi, Army ka din?" Nawala ang kaba ko nang may kumausap sakin. First day ko ngayon sa highschool, at ampucha wala akong kakilala!






" Ah, yes. Si Taehyung bias ko." I happily said. Nakita niya kasi ang wallpaper ko. Hays, lifesaver talaga pag Army ka.







" Really? Me too."






Aba? Happy pa siya na pareho kami ng bias? Maghinay hinay ka gurl, di mo pa alam nangangagat ako.







" Omg, ako rin! Si Suga ang bias ko." Sabi ng katabi ko. So army pala kami dito?







I smiled at her and slowly noded my head.
Nagulat kami ng magsalita ang nasa harap namin, nilingon niya pa talaga kami.






" Oy, ang ganda ko diba?" She said and flipped her hair.






Grabe naman, ang kapal ng mukha niya. Sana all confident. Tumawa lang kami at tumango.







" Im Macley by the way." Maarteng saad niya. Gandang-ganda sa sarili si ate.






" Im Eve Isabelle Rhianne Aira Diaz, in short Eira." Ang haba ng pangalan ko. In fact kakaunti lang ang nakakaalala ng totoong kong pangalan, halos lahat sila Eira lang ang natatandaan. Pati nga ako tinatamad isulat ang full name ko, Eira lang talaga ang aking isinusulat. Okay lang naman sa mga teachers.





" Im Leila!" Masayang bati ng katabi ko na si Suga daw ang bias.






" Ako naman si Cleo." Sabi naman ng katabi kong si Taehyung daw ang bias.






" You're so cute Eira! Your cheeks is so chubby." Nanggigil na hinawakan ni Cleo ang dalawang pisngi ko. Hinayaan ko na siya dahil sanay na naman ako. Palagi nalang pinanggigigilan ang pisngi ko! I know Im cute, duh.








Nice, may kaibigan na ako! Kanina pa ako kinakabahan kasi akala ko maaarte sila. Pero excited din ako! Mararanasan ko na kong anong feeling na maging high school students. Sabi nila dito daw nag s-start ang glow up and stuffs. Pati boyfriends! O my god! Cant wait to flirt with our seniors! Hehe.








" Okay class, let's proceed to the field." Sabi ng adviser namin.






Sumunod naman kami sa kanya palabas. Mukhang flag ceremony ata namin, monday kasi ngayon. Ang daming tao! Lahat ng students ay naka assembly sa field.








" Grabe, ang dami pala natin, no? " Tanong saakin ni Leila. Nasa likod ko siya.






Nilibot ko naman ang paningin ko at napagtantong ang dami nga namin! Wow, ang daming pogi! Lalo na sa mga senior high. Babies! Char ang landi ko na, ha? I wonder sino kaya sa mga ito ang magiging part ng buhay ko? Sino sa mga ito ang magiging kaibigan ko? Magiging jowa? At magiging kaaway.




"Oo, nga. Ang daming gwapo!" Di ko mapigilang sabihin. Nagulat naman siya at tumawa. Nagtawanan tuloy kami.




Tumahimik na kami dahil nagsasalita na ang principal. As usual, nag introduced lang siya at winelcome kami, hindi ako nakinig, ang boring! Gusto ko nang matapos to at libutin ang school!






" Let's give a round of applause for Trevaux Shun Ardeza of grade 10 Ymsa for winning the first place in National Mathematics Competition."



Napatulala ako sa lalaking umaakyat ng stage. I was stunned. He proudly stood in the stage and waved. Ang gwapo niya! Kahit simpleng white polo at black slacks lang ang suot niya, di pa rin nito nabawasan ang kagwapohan niya. Putangina, parang nahulog ang puso ko. Nagising lang ako sa katotohanan nang madinig ang nakakabinging sigaw ng mga studyante. Ang sikat niya pala!




Love Me, LodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon