SIXTH

0 0 0
                                    

" Hello? Nasa loob na kayo?" Nasa loob pa rin kami nang sasakyan ni Yuri. Tinatawagan namin sina Steffie at Leila kung nasa loob na ba sila. Para kung incase kami mauna, maghahanap agad kami nang couch.



" Yes! Kakadating ko lang dito, hindi ko pa nakikita si Leila."



" Ah, okay. Papasok na kami." I ended the call.



Si Leila naman ang tinawagan ko.




" Leil, saan ka na?"



" Why? Nasa club na kayo?"



" Oo, nandito na kami."



" Sige. Papunta na kami diyan. Natagalan ako kasi hinintay ko pa ang mga friends ko."




My eyebrows raised. " Sige. Papasok na kami, bye."




Hindi na siya sumagot kaya pinatay ko na. Lumabas na kami at pumasok sa club. Buti nalang at hindi kami hinarang nang bouncer, last time hinarang kami. Excuse me lang, ha? I'm already 20.




Yinakap ko ang sarili ko dahil sa lamig sa labas, pero agad naman iyong nawala nang makapasok na kami. Nakaka-excite ang malakas na tugtog at mga ilaw!





Hindi ko inexpect na may mga taga Lintonn din dito, I thought mga taga AU at NSU lang.






" Eira!" Tawag ni Bryan saakin.




My brows arched. " Bryan! Long time no see!" School ko 'to dati sa senior high. Lintonn na ata siya nag-aaral ngayon.






Lumapit siya saakin, napatingin naman ako sa likod niya. Nag-bubulungan sila at nagtatawanan. " Long time no see din. Join ka?" Turo niya sa couch nila.




What? Eh, halos puno na nga sila do'n. " Saan ako uupo? Kakandong ako? " I laughed.





Tumawa din siya. "Pwede rin."






Pero ayaw ko? Paano 'yan? " Alis na ako. Nando'n sila Steffie." Sabi ko at tumalikod agad.





Bakit ako uupo do'n, eh, may mga couch na maluwag naman? Puro lalaki pa sila! Grabe naman. Yes, I'm always ready, pero paisa-isa lang, oy!






Ilang saglit pa ay nahanap ko na sina Steffie at Yuri. Medyo na tagalan pa, dahil ang daming kumausap saakin.






" Oh? 'Yan lang?" Tanong ko.





Isang Black label lang ang nasa table namin.




" Hindi ba obvious?" Sarcastic na sabi ni Yuri.






Umiling nalang ako at kinuha ang shot glass para uminom na din. Ang sarap! I miss this, shit.






" Nandito kaya si Caleb? " Tanong ni Steffie at inilibot ang paningin.






Inilibot ko rin ang paningin ko. I didn't see him, pero may nakita akong mga gwapo! Mga pogi pala ang pakay ko dito, nakalimutan ko.






" Maybe?" I shrugged.





" Mukhang nandito. I saw his friends." Sabi ni Yuri.





Inilibot ulit ni Steffie ang paningin. Baka nasa taas? " Ano Steffie? Tulangan kita?"





Kumunot naman ang noo niya. " What do you mean?"






Love Me, LodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon