FOURTH

0 0 0
                                    

" Paano na 'yan, bes?" Malungkot kong sabi kay Leila. Tinatawagan ko siya ngayon. Hindi kasi ako makatulog, pagulong-gulong lang ako dito sa kama. Uminom na din ako nang gatas, pero, ngek, walang talab. Hindi pa nakakatulong ang mga pictures ni Trev sa kwarto ko. Kahit saan ako tumingin nandoon ang pictures niya, pati nga unan ko may picture niya! I know, I know, I'm pathetic.




" Anong paano?"





" Paano na kami?! Sabi ko nga diba, pag umabot na ako nang Grade 9, I'll make a move on him. Pero, tangek! Hindi na nakapaghintay ang, gagong gwapo." Frustrated kong sabi.




" Wow, ha? 'Kami' ?! May kayo ba?" Sarcastic na sabi ni Leila.





I rolled my eyes. Paulit-ulit? " Walang kami! Period. Happy?"




"Eto nalang.. Sundan mo siya? "



Napatawa ako nang mapakla. Paano?! Napakamalaking paano?! Kung makakapasa nga ako sa entrance exam, paniguradong sabit-sabit naman ang grades ko. Ayaw ko nang gano'n.





" Lol, naririnig mo bang sarili mo?" I sarcastically said.



" Kalimutan mo siya, maghanap ka nang iba. Easy as that!"






" Nakakainis! Wala ka namang matinong sinasabi, eh."



Wala talaga akong nakuhang advice sa kanya na matino. Paano ka ba mapapasaakin Trev?! Sigh, meron talaga tayong crush na sobrang crush natin pero malabong maging atin.




" Sabagay, ikaw mismo hindi matino, sinasabi mo pa kaya?" Pang-asar ko sa kanya.



" Edi, wow! Matulog ka na nga! Kulang ka na nga sa pagmamahal, kulang ka pa sa tulog?"



Napahawak ako sa dibdib ko. Inaano ako nito, ah? Namemersonal na.




" Share mo lang? Tsk, bye!" Sabi ko at pinutol na agad ang tawag.




Nakakabinging katahimikan ang sumalubong saakin pagkapatay nang tawag, aircon lang ang tumutunog. I took a deep breath and stared at my galaxy ceiling. Mabuti nalang walang picture ni Trev dito, mababaliw na talaga ako.




I started to think. I-try ko kayang mag take sa NSU? Okay lang naman kila mommy at daddy kahit saan ako mag-aral. Pero paano kong hindi ako makapasa? Maghihintay hanggang college, para do'n sa malapit na school ako mag-aaral? Ang tagal pa no'n! 4 years! Tsk. At siguradong may girlfriend na siya no'n! Napapikit ako at bumuntong hininga. Nakakaiyak naman, 'to.




I took our picture that was placed in my bedside table. Kinikilig parin ako kapag tinitingnan ko ito, pero di ko mapigilang malungkot. B-bye Trev na ba talaga? Sana naman ma-recreate natin itong pictures, 'yong tipong official na tayo? 'Yong may feeling ka narin saakin. 'Yong hindi lang ako ang may gusto, ikaw rin. Pero mukhang impossible na 'yon ngayon.





" Nakakainis ka kasi, eh! Bakit ayaw mo akong pansinin?! Hindi mo ba ako napapansin?" Desperado kong kinakausap ang picture.






" Okay lang 'yon sa akin noong una, dahil sinabi ko sa sarili ko na pag hindi mo talaga ako pinansin, ako na ang gagawa nang first move. Kahit pa ligawan kita! Gano'n kita ka gusto! " Masama ang tingin ko sa kanya pero naluluha ang mata ko.







Tumayo ako at iniligpit ang picture sa maliit kong treasure box, mga picture ni Trev ang laman do'n at mga paborito at importanteng gamit ang nando'n. Pagkatapos ay tumayo ako at tiningnan ang mga picture sa paligid nang kwarto ko.




Love Me, LodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon