[4] Of Worries and Unnamed Feelings

46 2 1
                                    


"Kamusta naman yung Leanne?" tanong bigla sa akin ni Alex while checking on a few clothes sa isang rack sa shop sa mall.

"Ewan ko. I haven't heard from him in da ̶ holy motherforking shirtballs!" sigaw ko habang inis na inis na sa sarili internally.

"Bakit? Maka-sigaw ka naman, Carylle!" saka siya nag-nod nod sa mga tao sa paligid para humingi ng pasensiya.

"I forgot to text him!"

"Si Leanne? Ang bilis naman! Textmate na agad kayo! Nagsesendan ba kayo ng gm?" sabi ni Alex sabay halakhak na parang mauubusan siya ng hininga.

"Sira. About sa Yugen Night yon, okay? Eto talaga sobrang malicious." Lumakad na kami palabas ng shop na yun habang si Alex todo asar pa rin.

"Itext mo na! Dali, tignan natin kung ano ang irereply," pamimilit niya.

I really hate myself right now for forgetting. Ang ayoko kasi sa lahat yung mga pangakong napapako. Well, I didn't literally promise him I'd text him pero ganun na rin yon. I feel so awful tuloy but I'm too shy to apologize. It's been three days. He has each of his questions figured out na siguro.

"Huwag na! Atsaka wala akong load. Malaki na siya, kaya na niya sarili niya."

Dumiretso na ako ng pasok sa Mcdo, at sakto maiksi lang ang pila. Sinabihan ko si Alex na humanap na siya ng uupuan naming at ako na ang bahalang um-order. Nagdecide kami mag-eat out nalang ngayon kasi lalabas rin naman kami para bumili ng gagamitin niya sa experiment nila sa lab class niya.

Pagkakuha ko ng order namin, hinanap ko kaagad si Alex habang nag-iingat na hindi matapon yung tray. Mahirap na mabuhusan ng pagkain 'no!

Nakita ko si siya na kumakaway kaway sakin. Sa dulo at may maliwanag na ilaw pa talaga niya napili umupo.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya habang tinutulungan akong ilapag yung mga pagkain.

"Aba't nagrereklamo pa! Hinintay ko pa maluto yung french fries, 'no! Baka ngumawa ka kapag hindi ako naka-order eh," sagot ko at ngumiti nalang siya at nagsimula kumain.

We've always been this way. I have acted like the older sister and looked out for her every time. One moment, it got me thinking what if the roles were reversed. How different could our life would be? Siguro, it's a lot more fun for me kasi I'd be as carefree as she is.

Halos hindi na kami magkarinigang dalawa kasi ang lakas ng tawanan ng isang grupo sa bandang kanan namin. Mukhang nagkakatuwaan sila sa kung anumang linalaro nila sa table nila.

I darted my gaze towards their direction and thought how entitled they must feel for trampling on a public place.

"Huy kung makatingin ka naman diyan parang sayo ang Mcdo." Kontrabida talaga 'tong si Alex sa buhay ko minsan.

"Hindi rin naman sakanila eh, pero kung makapag-ingay parang ganon," sagot ko.

Naghiyawan ulit sila ng malakas at hindi ko maiwasan na tumitig ng matagal baka sakaling makaramdam sila. Babalik na sana ako sa pagkain nung lumingon ang isa sakanila at tumingin sakin ng maigi.

Holy shit. Si Leanne.

Nanigas ako for a while.

"Bilisan mo kumain!" utos ko agad kay Alex habang linagok ang huling patak ng Sprite kong walang ice.

"Bakit ka ba nagmamadali diyan? Najejebs ka ba? May wipes ka naman sa bag mo eh. Mag-cr ka nalang dito," sabi pa niya na parang hindi niya nafifeel na nagpapanic na ako.

Sa dami ba naman kasi ng pwedeng makikita rito, bakit si Leanne pa? Ngayon pa talagang naalala kong lowkey pinaasa ko siya na itetext ko siya. Nananadya talaga ang universe minsan.

In Medias ResTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon